PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong TV show, nag-taping na kahit wala pang resulta ang swab tests

Young stars, nagkahawaan sa rehearsal.
by PEP Troika
Published Mar 12, 2021

GORGY RULA

Kung kailan patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases at kumakalat ang iba’t ibang variants, naging pabaya ang ilang taga-production na involved sa iba’t ibang projects.

Kagaya nitong isang bagong TV show.

Bago mag-taping, sumailalim sa RT-PCR test ang mga artista at production staff. Dapat ay mag-quarantine muna pagkatapos ng swab test hanggang sa lumabas ang resulta. E, walang safety officer na sasaway at magbabantay sa kanila.

Ang nakarating na kuwento sa PEP Troika, nag-umpisa na ng taping ang TV show kahit wala pa ang resulta ng test. Confident silang okay ang lahat.

Yun pala, may isa sa cast na positive sa COVID nang lumabas ang resulta kaya na-pack up sila.

Hindi pa rito nagtatapos ang kuwento.

Pagkatapos ng ilang araw na quarantine, bumalik sila ng taping. Siyempre, another swab test, pero itinuloy pa rin ang taping kahit waiting pa sa resulta.

May isang staff na naman daw ang nag-positive na madalas kahalubilo ng mga artista. Kaya na-pack up na naman ang taping, at naka-quarantine na naman daw sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa ba sila natuto?

Nakakapagtaka lang dahil alam kong sobrang maselan ang TV network nitong tini-tape na programa. Bakit nakakalusot ang production na walang safety officer na nagbabantay?

Bukod pa riyan, may isa ring team ng isang grupo ng performers sa ibang TV network na nadale rin nitong nakamamatay na virus dahil sa kapabayaan ng mga staff.

Young stars pa naman daw ang involved sa grupong ito, kung saan nagpa-schedule ng ilang araw na workshop at rehearsals.

Bago iyan, kailangan din nilang dumaan sa RT-PCR test, at kailangan ding mag-quarantine habang hinihintay ang resulta. Pero hindi nila ginawa yun dahil tumuloy ang grupo ng young stars sa rehearsal.

Pagdating ng resulta ng tests, doon nalamang may isang babaeng member na positibo sa COVID-19. Tapos na ang rehearsal nang nalaman nila, at nagkahawaan na!

Ayon sa nasagap ng PEP Troika, kabilang sa nahawa ay ang young actor na galing sa isang reality talent search, isang young actor na magaling kumanta, at ang anak ng isang actress-TV host na magaling ding kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pa raw ang nahawa, kaya inaalam pa namin.

Nakakalungkot ang mga ganitong balita, pero sana mag-ingat talaga at sumunod sa mga ipinatutupad na safety protocols.

NOEL FERRER

Nabahala at natakot ako sa balitang ito. To think na ingat na ingat ang grupong ito na bihira lang gumawa ng malaking teleserye.

Sana naman ay magawa nilang tama ang pagtatrabaho even with the strict health protocols.

Bali-balitang may nagsumbong na sa IGA (Inter-Guild Alliance) kaugnay sa kaganapan sa TV program. Iimbestigahan daw ito ng IGA.

Ang tanong: ano kaya ang magiging accountability ng produksiyon at ng network dito?

Alam ng direktor ng TV program ang tamang proseso sa safety protocols. I’m sure, makikinig ang lahat kapag siya na ang magsasalita.

Kailangan natin silang pakinggan at sundin kung sakali!

JERRY OLEA

Natuwa ang isang beteranong aktor nang kunin siyang bida sa isang indie movie.

Excited na mag-shooting next week sa probinsiya ang septuagenarian actor. Inaayos na ang RT-PCR test ng produksyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya lang, nagkaagam-agam ang aktor sa pagdami ng kaso ng COVID-19. Nakiusap si veteran actor sa direktor kung pwedeng limitado na lang ang location ng shooting.

Takot siyang mag-shoot sa hospital at sa palengke. Kung pwede, gawan daw ng paraan.

Ayaw pumayag ng direktor. Kailangan daw mag-shooting sa mga naturang lugar. Kaya umatras na lang si seventysomething actor.

Mabuti naman at nakahanap agad ng kapalit dito ang produksyon.

Idinadalangin nating mag-ingat nang lubos ang lahat—hindi lang ang mga taga-pelikula at telebisyon. Mag-ingat po tayo!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results