GORGY RULA
Sa totoo lang, mga Ka-Troiks, madalas kong napapanood sa mga drama series at ilang pelikula ang character actress na ito, pero hindi nagmarka sa akin ang pangalan niya.
Ngayon ay gets na gets ko na dahil sa nasagap kong kuwento tungkol sa kanya.
Ayon sa tsikang ipinarating sa PEP Troika, kabilang si character actress sa isang drama series na tini-tape ngayon out of town.
Mahalaga ang role nito sa naturang serye, kaya ang dami niyang mga eksenang kinukunan sa taping araw-araw.
Okay noong una, pero kalaunan ay lumalabas na ang pagkaintrimitida nitong si character actress dahil pinapakialaman na raw ang ilang eksena.
Ang hilig daw mag-suggest ni character actress na parang "know it all" ang dating.
Minsan nakaka-offend na raw sa direktor dahil sa mga sina-suggest niya.
Medyo napapalusot nila dahil okay raw ang pakay nito para lalong mapaganda ang takbo ng kuwento.
Pero ang hindi nila ma-take, kapag may mga eksenang hindi niya type, ipinaparating daw sa boyfriend niya, na wala kaming ideya kung gaano ka-powerful.
Minsan daw, may kissing scene at medyo daring ang ipinapasuot kay character actress.
Hindi naman umaangal na ayaw niya.
Ang ginagawa pala niya, kinukunan daw ng PA ng litrato at ipapadala sa boyfriend.
Ilang sandali lang, tatawag na raw ang boyfriend sa kilala niyang staff at magrereklamo.
Pinapagalitan pa raw ang talent coordinator bakit pinapagawa ang eksenang yun sa girlfriend niyang character actress.
Naiirita na ang mga staff.
Mukhang mapapadali na ang role niya sa naturang drama series at hindi na siya aabot hanggang ending.
Baka kumalat na ang kuwentong ito tungkol kay character actress at hindi na siya makakakuha uli ng project sa naturang network.
JERRY OLEA
Matagal-tagal na sa showbiz ang ganda-gandahang character actress at ngayon lang siya nabigyan ng magandang break kung saan malaki ang chance na pumasok sa diwa ng televiewers ang kanyang pagmamaganda.
Pero kung hindi siya masasawata at ipagpapatuloy ang pagiging intrimitida, malamang na this character actress will remain a character actress, and will always be a character actress.
Alin sa dalawa ang kahihinatnan niya—pulutin sa kangkungan, o makatulog sa pansitan?
NOEL FERRER
Ngayong panahon ng pandemya, hindi kailangan ng bigat sa kahit anuman sa ginagawa natin.
Talent is not everything.
Dapat, may disiplina ka, at marunong ka ring makisama.
Sorry na lang sa character actress na ito. Sana, may matutunan siya sa pagkaintrimitida.
