PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeli Pangilinan tests positive for COVID-19

Angeli at iba pa nilang kasama sa bahay na COVID positive, nag-isolate.
by PEP Troika
Published Mar 21, 2021
Kasalukuyang naka-isolate ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano matapos siyang magpositibo sa COVID-19, at upang hindi mahawa ang mister niyang si Gary Valenciano na maraming comorbidities.
PHOTO/S: @angelipv on Instagram

NOEL FERRER

Kinumpirma ng talent manager at kaibigan nating si Angeli Pangilinan-Valenciano na siya ay nag-test ng positive sa COVID-19, kasama ng dalawa pa nilang staff sa bahay sa Antipolo.

Nag-isolate sila at nag-iingat upang hindi mahawa ang iba pa nilang kasama sa bahay, lalo na ang mister ni Angeli na si Gary Valenciano na may comorbidities.

Ito ang message sa amin ni Angeli, “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive. I should be afraid right?

“But I am married to a man who has had Type1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass / open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery. Whew.

“So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.

“And I had a scoliosis spine surgery in Hong Kong in 1986. They implanted two rods on my spine. Excruciating pain. So this is just another hurdle that I know I will leap over! Love you all. ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’ Philippians 4:13

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Please pray that Gary doesn’t get it. I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease.BY HIS STRIPES I AM HEALED! P.S. please pray for the healing of Yaya Myra and Vince too - our staff”

Mula sa atin dito sa PEP Troika, ang ating taus-pusong dasal sa mabilisang paggaling ni Angeli at mga kababayan nating parami nang parami na apektado ng COVID. Ingat po tayong lahat.

GORGY RULA

Iniiwasan ko na sanang magbalita tungkol sa mga latest na nahawa ng COVID-19. Nakakapanlumo na at maaring magdagdag pa ng takot sa ating mambabasa.

Kaya ang ibang celebrities na ikinukuwento sa aking nagkakasakit na rin ngayon, maging ang ilan na nagkakasakit na rin ang pamilya nila, ay hindi ko na lang muna ibinabahagi.

Hindi na ito makakatulong sa pinagdadaanan nila.

Merong hanggang ngayon ay naghahanap ng hospital na tatanggap sa kanya. Meron namang sa bahay na lang muna at humihingi pa ng dagdag na dasal na gumaling kahit hindi na i-hospitalize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron ding akong nabalitaang isang komedyante na nagpa-interview sa isang news program, pero pinakiusapan ng talent management company na nagha-handle sa komedyanteng ito na huwag nang iere at baka mag-panic lang daw ang ilang nakatrabaho nito.

Kaya mas mabuting tumulong na lang tayo sa pagdarasal na malagpasan natin ito at gumaling na ang mga tinamaan nitong nakamamatay na virus.

Sana, malagpasan din ito ni Angeli at ng mga kasamahan niya sa bahay, lalo na si Gary V na iniingatan nilang hindi mahawa.

JERRY OLEA

Solemnity ang kapistahan ni San Jose noong Marso 19, Biyernes, kaya OK lang na kumain ng karne noong araw na iyon.

Nag-shoot ng video si Kris Aquino kaugnay sa mga isyu sa dalawa niyang anak.

Ine-edit iyon noong Biyernes at ang post ni Kris sa Facebook, “Praying we are able to upload tonight because it is the Feast of St. Joseph, the man entrusted by God to look after Jesus Christ when He became man for our redemption. Kakampi sya ng mga magulang kaya gusto kong umabot ang mensahe ko ngayon gabi.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

As of this writing ay hindi pa napo-post ang nasabing video.

Noon ding Biyernes ay natigalgal tayo sa 7,103 karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Highest one-day tally iyon.

Lalo tayong nawindang na noong Marso 20, Biyernes, ay kinabog agad ang naturang record—7,999 ang karagdagang bagong kaso.

Nabalitaan natin ang mga artistang gustong amining nahawa sila ng coronavirus, pero pinigilan ng produksyon. May mga production crew at TV executives na nagka-COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batid din nating dahil sa COVID-19 ay ipinagpaliban ang pag-uumpisa ng lock-in taping ng isang TV series.

Trending ang #ChangeOil serye noong Sabado ng gabi.

Mula sa Facebook, tumawid syempre sa YouTube, Twitter, at Facebook. Pinagpiyestahan ng netizens ang istorya nina Fiancée, Cheater, at Change Oil Girl, pero may mga umapela na huwag tayong maging judgmental.

Pagsapit ng Linggo ng hatinggabi ay nag-post si Markki Stroem ng litrato niya sa Facebook at Instagram na wala siyang saplot. Birthday shoot in birthday suit.

“Another year older, another year wiser,” pasakalye ni Markki.

Pinasalamatan ni Markki ang kanyang mga magulang “for putting up with my crazy antics. Live Wild, Live Free.”

IG Post: Markki Stroem birthday shoot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marso 21, Lunes ng umaga, good vibes ang hatid sa atin na nagdadalantao na ang kaibigang Beth Tamayo sa edad na 43.

Ikinasal si Beth kay Adam Hutchinson noong Marso 3. Sa Setyembre ang due date ng kanilang supling.

Sandali lang ang pagpukaw sa ating diwa ng hinaing ni Kris, pasabog na #ChangeOil serye, pasilip ni Markki, at pa-good vibes nina Mr. & Mrs. Hutchinson.

Nangingibabaw pa rin ang reyalidad ng pandemya.

Paalala ng Department of Health (Philippines) sa Facebook nitong Monday morning, “We can #BIDASolusyon Plus against COVID-19!

“Together, we can help mitigate transmission of COntraVIDa!

“Limit the number in your family bubble. Stay at home! Protect vulnerable family members. Wear a mask even at home if necessary! Consult with you BHERT if you are a possible close contact or experiencing symptoms. Have yourself tested right away!

“Remain in Isolation Facilities if exhibiting Mild symptoms. Self-isolation is recommended to avoid overwhelming of hospital capacity. Ensure proper air ventilation and circulation. Keep your windows open!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Intensified actions leads to intensified protection! BIDA Solusyon!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang naka-isolate ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano matapos siyang magpositibo sa COVID-19, at upang hindi mahawa ang mister niyang si Gary Valenciano na maraming comorbidities.
PHOTO/S: @angelipv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results