PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian na si Chad Kinis, umaming nagpositibo sa COVID

Beks Battalion, pansamantalang nagkawatak-watak dahil sa COVID.
by PEP Troika
Published Mar 22, 2021
Chad Kinis: “Totoo po ang COVID, meron pa pong COVID... lalo na po ngayon, sobrang taas po ng cases natin.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

“Ang tawag nga po namin sa isa’t isa, mga PUSIT... mga pusitive.”

Natawang pagbibiro iyan ni Chad Kinis sa vlog na kinunan noong Marso 19, Sabado, at in-upload sa kanyang eponymous channel noong Marso 20, Linggo.

Inamin ni Chad sa vlog (17:27 ang running time) na nag-positive siya sa COVID-19, pati na ang mga kasama niya sa Beks Battalion na sina Tonton at MC.

Dagdag ni Chad, “Since si MC po iyong pinakamatanda, siya po si Tia Pusit. Gano’n.

“Hindi, parang pinapangiti lang po namin kayo. And we have to keep our smiles. Di ba?”

Ikinalungkot ni Chad ang paghihiwa-hiwalay nila ng Beks Battalion para mag-quarantine.

Halos dalawang linggong “nanahimik” sa pagba-vlog ang Beks Battalion na kinabibilangan din ni Lassy (negative sa coronavirus), plus Momshie Wilbert Tolentino (COVID survivor). Maraming nag-usisa kung nagkaaway-away ba sila at watak-watak na.

Nagpasalamat sa Panginoon si Chad at ang kasama sa vlog na si Tonton na mild ang coronavirus na dumapo sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naluluhang lahad ni Chad, “It’s been a month. And this March has been really, really... itinatago ko lang yung sadness and everything, kasi nakita niyo, we’re all affected.

“The work, lahat tayo, ang lungkot, kasi hindi tayo magkakasama sa bahay. Magkakahiwalay tayo. Kasi, kailangan nating magpagaling lahat.

“Pero siguro, okay na rin yung magkakahiwalay muna tayo ngayon para pag magkasama-sama na tayo, okay na po.

“Kasi, this is a family. We’re a family here. And it’s really hard, we have to support each other...”

Youtube vlog screengrab: Chad Kinis admitting he tested positive for COVID-19

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Chad Kinis and Tonton

Malaking aral ang natutunan nina Chad sa pagiging “pusit.”

Pahayag ni Chad, “Maybe it’s His plan din. The Lord, this is His plan that, ‘OK, i-experience ninyo itong COVID so you can, like... tell everybody that it’s real, andito pa rin siya, huwag tayong kumampante.’

“At dapat mag-ingat pa rin ho lahat. So, this is one way of Him relaying the message na, ‘Since kayo, guys, meron kayong platform para malaman, para mai-disseminate iyong ganitong information...’

“Totoo po ang COVID, meron pa pong COVID... lalo na po ngayon, sobrang taas po ng cases natin.”

Looking forward sina Chad at Tonton na matapos ang pandemya, at huwag na tayong pasaway.

Sey ni Chad, “Para pag nakabalik na po tayo, syempre, pag natapos na lahat, magkakaroon na uli ng bar, ng comedy bar. So, papapangalan natin itong...”

Mabilis na sambot ni Tonton, “Covedy bar... Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, tapos na yung COVID pandemic, kaya Covedy bar!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Tama rin namang ibinahagi ni Chad Kinis sa kanyang YouTube channel itong pinagdaanan nila.

Napag-alaman ko kasing inamin na ito ng komedyante sa isang interview, pero napakiusapan daw siyang huwag nang ilabas at baka mag-panic ang mga nakatrabaho niya.

Yun naman kasi ang dapat. Kapag na-test kang positive sa COVID-19, dapat ipaalam ito sa mga nakasalamuha o nakatrabaho mo ng mga nagdaang araw para ma-test din sila kung nagkahawaan.

Tama rin yung sinabi ni Chad na gawing positibo na lang ang pag-handle sa sakit na ito para hindi ka mapanghinaan ng resistensIya at kayang talunin ang virus na ito.

Sa totoo lang, ang laki ng binago nitong COVID-19 sa ating pananaw sa buhay. Nagkasakit ka man o hindi, lalong pinagtibay ng pandemyang ito ang ating pagkatao.

NOEL FERRER

Yes, transparency and honesty ang kailangan.

Pero nakadepende pa rin sa pribadong buhay kung gustong isapubliko ng tao ang kanyang kinasapitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pribado man, sana ay mas mahusay ang proseso at sistema natin ng contact tracing. Kasi, parang kulang na kulang at hindi pa talaga natin na-master ito.

Ilang tao pa kaya ang magkakasakit o yayao bago tayo matututo?

Mahirap lang kasi sa industriya natin na kailangang magpatuloy magtrabaho.

“Sumunod na lang kasi kayo.”

Madali itong sabihin if you are speaking from a position of privilege. Pero kung wala ka nang ipapakain sa pamilya mo, lalabas ka pa rin kahit nakakatakot.

‘Yan ang nararanasan ng ating mga kababayan. Kaya nga kailangan ng patuloy na ayuda...

Ayuda para sa mga nawalan ng trabaho at kita. Hindi sapat yung ibinigay natin dati.

Sabi nga ng iba nating leader, magandang halimbawa dito ang Malaysia. Naging sobrang masama din yung cases nila when they started to reopen. But they were able to arrest the situation.

Maraming ginawa to achieve this. Isa doon, anim nang stimulus packages yung naibigay nila. Sa atin, sa dami ng inutang, waley na ba talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chad Kinis: “Totoo po ang COVID, meron pa pong COVID... lalo na po ngayon, sobrang taas po ng cases natin.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results