PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza, tigil muna sa pagti-TikTok ngayong Semanta Santa

Gardo, naniniwalang dapat walang gawin ngayong Semana Santa kundi magdasal.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2021
Bilang pagrespeto sa Semana Santa, ititigil muna ng aktor na si Gardo Versoza ang pag-a-upload ng kanyang TikTok videos.
PHOTO/S: @gardoversoza on Instagram

GORGY RULA

Nangako si Gardo Versoza sa sariling titigil muna siya sa pagti-TikTok sa darating na Semana Santa.

“Bawal muna TikTok pag Semana Santa,” nakangiti niyang pahayag nang nakapanayam namin sa DZRH noong Lunes, Marso 22.

“Pero pag Mahal na Araw, magpondo ka na ng mga TikTok para nakaabang na siya.

“Baka kasi mamaya, dun pa ako matapilok, kasi naka-heels pa, di ba?” sabi pa ng aktor.

Marami kasi ang natutuwa sa TikTok posts ni Gardo na sumasayaw kasama ang asawa niya, suot ang napakaikling shorts at high-heeled shoes.

Minsan ay naaasiwa na raw ang asawa niya sa mga pinaggagawa niya, pero nag-e-enjoy siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ngayong magsi-Semana Santa na, tigil muna siya sa pagsasayaw sa TikTok. Nakalakihan kasi ni Gardo ang paniniwalang dapat ay wala kang ginagawa kapag Semana Santa, lalo na pag Biyernes Santo.

“Sa amin kasi nung bata pa ako, bawal maligo, bawal manood ng TV. Radio yata, pwede… bawal manahi.

"Basta dapat magdasal ka lang, wala kang ibang ginagawa," kuwento niya sa amin.

Hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin daw itong sundin ni Gardo, pero hindi niya pwedeng pilitin ang mga kasamahan niya sa bahay na ganun din dapat ang gawin. Kung ano ang gusto ng asawa niya at anak, susunod na lang daw siya.

“Kung ano yung kusa na nagustuhan nila, yun ang papanigan ko,” pakli ng aktor.

Pero marami raw dapat ipagpasalamat sa Diyos si Gardo dahil sa mga sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Isa siya sa pinakaabalang aktor ngayong pandemya sa dami ng projects na tinapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katatapos lang niya ng The House Arrest of Us at ngayon ay bahagi na rin siya ng First Yaya sa GMA-7.

May mga pelikula na rin siyang nagawa. Isa na rito ang pelikulang Biyernes Santo na mapapanood sa Vivamax sa darating na Marso 26.

Aminado si Gardo na malaking bagay ang pagti-TikTok niya na kinatutuwaan ng mga tao, kaya ang daming projects na inaalok sa kanya. May endorsements pa siyang nakuha dahil sa lakas niya sa social media.

JERRY OLEA

Basta TikTok na naka-high heels at p*kp*ek shorts, Gardo Versoza lang sakalam!

Biruin mo, barakung-barako ang pangalang Gardo. Bruskung-brusko. Angkop na pangalan ng kargador sa pier.

Tapos, nagti-TikTok nang bonggang-bongga, ang OOTD ay kabogera, at ang ngiti ay walang bahid ng haggardo versoza!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Iba na talaga ang labanan ngayon kung paano mo magagamit ang mga bagong platform at tatatak yung nga ginagawa mo.

Ang maganda sa TikTok ni Gardo ay nakakonek siya sa bagong henerasyon, at bumata siya sa paningin ng mga millennial.

Oo naman, mag-Holy Week break muna sa pagti-TikTok, pero I can just imagine kung paano ang magiging Mahal Na Araw natin ngayong sobrang napapraning na ang mga kababayan natin sa mga bagong COVID cases.

Ngayong Marso 23, Martes, 5,867 ang naitalang new cases ng COVID at lubhang nalilito na ang mga tao sa patung-patong na direktiba—habang napakabagal ng roll out ng mga bakuna.

Sana, kaya ng TikTok baguhin ang lahat. Sana lang talaga.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang pagrespeto sa Semana Santa, ititigil muna ng aktor na si Gardo Versoza ang pag-a-upload ng kanyang TikTok videos.
PHOTO/S: @gardoversoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results