PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind Item: Magandang Young Actress, tibo nga ba?

Hindi umubra sina "Bro," "Tito," at "Kuya" kay Baguhang Young Actress.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2021
Sinubukang pumorma ng tatlong guwapong aktor sa isang baguhang aktres, pero tinalo sila ng natsitsismis na tibong magandang young actress.

GORGY RULA

Hindi na raw itinatago ng magandang young actress ang tunay niyang sexual preference.

Open na siya sa mga katrabaho niya na miyembro siya ng LGBT community.

Marami ang nakapansin na noong nag-birthday ang young actress, may isang napakagandang girl na bumati sa kanyang IG account.

Ang sabi ng aming source, dyowa raw ito ni Magandang Young Actress.

Ang ganda!

Matangkad at puwede talagang beauty queen.

Pero ang tinik daw talaga sa girls ni Magandang Young Actress.

Minsan sa taping ng isang drama series, kabilang si Magandang Young Actress at ang itina-tandem sa kanya na guwapong hunk actor.

Dahil sa naka-lock in sila, bonding-bonding silang lahat na mga artistang involved sa seryeng iyon.

Nagkatuwaan daw silang nag-karaoke at siguro, may pa-beer na konti.

Biglang sumayaw raw sa gitna ang isang napakagandang baguhang young actress.

Nabuhay ang maiinit na dugo ng kalalakihang nandoon sa kanilang bonding-bonding eklavu!

Pumorma ang isang tsinitong baguhang young actor, pero di umubra kay Baguhang Young Actress. "Bro" pa ang tawag niya sa tsinitong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naki-join ding pumorma ang isang poging magaling na aktor, lalong di type ni Baguhang Young Actress.

“Huwag ka nga, Tito,” sabi raw ni Baguhang Young Actress kay Poging Magaling Na Aktor.

Gusto rin palang pumorma ng lead actor ng seryeng iyon na si Tsinito at Bortalicious Actor.

Ay! Lalong di umepek kay Baguhang Young Actress, dahil "Kuya" ang tawag niya kay Tsinito at Bortalicious Actor.

Nanonood lang sa kanila at nakikikanta si Magandang Young Actress na lihim na tibo.

Kinabukasan ay free day nila sa taping, naisipan nilang mag-swimming. Hindi sumali si Magandang Young Actress. Nandoon lang siya sa villa niya at may katsikahan lang daw sa phone.

Hinanap ng mga nagaguwapuhang aktor ang tinatarget nilang si Baguhang Young Actress. Baka nga naman makaporma sila uli sa pa-swimming nila.

Wala siya!

Hinanap nila ngayon kung nasaan.

Nandoon pala si Baguhang Young Actress sa villa ni Magandang Young Actress.

Ang saya raw ng tsikahan nila at nakikitang mas kumportable si Baguhang Young Actress kay Magandang Young Actress na nabubuhay na ang male hormones sa tsikahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayun! Todo kantiyaw ang tatlong guwapong aktor.

Waley at olats silang lahat ni Magandang Young Actress na naging close na kay Baguhang Young Actress.

Wala raw malisya ang closeness ng dalawa. Hindi lang siguro type ni Baguhang Young Actress ang pagpuporma ng tatlong aktor dahil may boyfriend pala ito na foreigner.

Mas type daw kasi ni Baguhang Young Actress ang mga dugong banyaga kesa sa dugong Pinoy.

Ewan ko lang kung type din niya ang kapwa girl na kasinganda ng tibong si Magandang Young Actress.

JERRY OLEA

Nais kong sumigaw ng "MABUHAY!" with matching pa-pompyang para sa magandang young actress na kinabog ang tatlong aktor sa bonding moments with the newbie actress.

Si Bro (tsinitong baguhang young actor), ilang taon na sa showbiz pero nananatili pa ring Da Hu.

Baka malaos at malosyang agad si Baguhang Young Actress kung aatupagin niya ang pakikipagharutan kay Bro.

Si Tito (poging magaling na aktor) ay mayroong kasintahan. Ayaw siyempre ni newbie actress na maging sidechick o pang-change oil lamang ni Tito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Kuya (tsinito at bortalicious actor), ayaw siguro ni Baguhang Young Actress na maparatangang anaconda. Dapat niyang iwasan si Kuya, or else...

Higit sa ano pa man, faithful ang puso ni Baguhang Young Actress sa kasintahang banyaga.

NOEL FERRER

Matagal nang nabalita ang sexual preference ng magandang young actress, kaya di malayong magustuhan niya ang baguhang aktres na sa kanya nakipag-bonding nang bonggang-bongga.

Sana, hindi maging sagabal ang sexual preference ng magandang young actress sa pagtanggap sa kanya ng network niya at ng publiko.

Teka, magiging ka-close kaya ni Magandang Young Actress ang babaeng bida sa serye?

Let’s wait and see!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinubukang pumorma ng tatlong guwapong aktor sa isang baguhang aktres, pero tinalo sila ng natsitsismis na tibong magandang young actress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results