GORGY RULA
Mainit na All-Out Sundays sana ang mapapanood bukas, Marso 28, Palm Sunday dahil sasalubungin na ng mga Kapuso stars ang Summer 2021.

Pero napagdesisyunang hindi na ito matutuloy. Mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat, dahil sa patuloy na paglobo ng mga na-infect ng COVID-19.
Kaya hindi na sila magla-live bukas, pati ang taping ng mga susunod na episodes ay kinansela na rin.
Narito ang statement na ipinadala ng AOS mula sa kanilang Senior Program Manager na si Madam Ruth S. Mariñas:
“Because of the upsurge in COVID-cases, as a precautionary measure, it was decided to cancel AOS live show tomorrow for the safety of everyone involved in production.”
NOEL FERRER
Understandable ang desisyong mag-replay muna at hindi muna mag-taping ang mga kasamahan natin sa industriya.
Pero katulad ng mga mawawalan ng trabaho dahil sa kaka-announce na ECQ sa NCR, merong ayuda na ibibigay raw ang gobyerno sa kanila.
Ang tanong... may ayuda naman kaya ang mga kasamahan natin sa showbiz kapag ganitong walang trabaho at nagre-replay, at aminin natin, may commercial load pa rin, ha?
Hindi lang ito para sa AOS. Sana, all!
JERRY OLEA
All-out surge ang coronavirus nitong mga nakaraang araw.
Sa Linggo ng Palaspas, mas mabuti at mas makabuluhan na mag-ingat. Kaya nauunawaan natin na hindi na muna nag-live ang All-Out Sundays.
Hinihintay rin natin ang announcement kaugnay sa pagre-reformat ng isang TV programa na panalo sa ratings at commercial load.
Dalangin natin para sa ating lahat ang All-Out Safety!!!
