Miss Eco International organizer, nagkaroon nga ba ng pagpapabaya sa safety protocols?

by PEP Troika
Apr 7, 2021
The top finalists of Miss Eco International: Miss Eco International titlist Gizzelle Uys of South Africa (center), first runner-up Kelley Day of Philippines (fourth from left), and second runner-up Alexandria Kelly of USA (second from left). Also part of the top five: Miss Eco Venezuela 2020 Steffanía Alejandra Rodríguez Vivas (right) and Miss Eco Costa Rica 2020 Kristel Ruiz Freeman (left).
PHOTO/S: Pawel Ventura / MISSOSOLOGY

GORGY RULA:

Ang dami nang naglabasang balita tungkol sa kalagayan ngayon ng mga kandidata ng Miss Eco International 2020 sa Egypt.

Ayon sa mga naglalabasang blogs ay marami diumano ang nahawa ng COVID-19 sa mga kandidata, at pinabayaan raw sila ng organizer na positibo rin umano sa naturang sakit.

Pati ang organizer ng Miss Grand International na si Mr. Nawat ay nakisawsaw na rin dahil ang kandidata raw ng Thailand ay na-infect na rin daw ng COVID-19, at hindi na raw sila magpapadala ng kandidata sa susunod na Miss Eco International.

May mga ilang kuwento na ring nakarating sa PEP Troika, pero hindi pa ito kinukumpirma ng ilang taong involved, lalo na si Kelley Day na nasa Egypt pa rin.

Inaasahang makakauwi na ang beauty queen-actress sa bansa bago matapos ang buwang ito para sagutin ang mga kumakalat na balita.

Una, totoo bang positibo na raw si Kelley sa COVID-19, pati na rin ang ilang kandidata bago pa nagsimula ang coronation night?

Continue reading below ↓

Diumano, hindi raw sila pina-swab test ng organizer sa takot na kakanselahin ang competition kung merong nag-positive sa kanila.

Ang isa pang usap-usapan: Pagkatapos daw ng pageant night, inilipat diumano ang mga kandidata sa isang maliit at maruming hotel?

Aalamin pa natin kung totoong inabandona na raw sila roon ng organizer nitong Miss Eco International.

Nadagdagan nga raw ang bilang ng mga nagkasakit, at walang nag-aasikaso sa kanila.

Kahit daw tubig sa kuwarto ay wala, kaya sila pa raw ang bumababa para kumuha ng maiinom?

Pero dinenay ng organizer ang mga alegasyon.

Heto ang official statement nito na nailathala sa Facebook page ng Miss Eco International kagabi, March 6:

"Miss Eco International Organization will ensure the safety of all our candidates.

"All accusations made publicly against us may have taken out of proportion. We are trying our best to coordinate with everyone. Including the ladies who are still here in Egypt.

Continue reading below ↓

"And we have fulfilled our duties as we promised

"And we're taking a good care of all our infected queens

"We thank all our national directors and candidates for their support and understanding."

Pero salungat ito sa mga lumalabas na kuwento.

Ang organizer ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria ay may statement ding namu-monitor niya ang kalagayan ni Kelley, at nakikipag-coordinate sa dalaga.

Pero iba ang nakakarating na kuwento sa amin na kailangan pang kumpirmahin kung totoo o hindi.

Kaya hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Kelley para sabihin ang buong katotohanan.

Hindi lang si Kelley kundi pati raw ang ibang kandidata ay natatakot daw magsalita dahil nasa Egypt pa sila ngayon, at walang magbibigay ng proteksyon sa kanila roon.

JERRY OLEA:

Sa send-off party para kay Kelley Day bago ito lumipad pa-Egypt, ibinahagi sa atin kung paano pangangalagaan ng organizers ang kalusugan at kalagayan ng mga kandidata sa Miss Eco International.

Continue reading below ↓

Kaya nanlumo tayo nitong Abril 6, Martes, nang lumabas ang mga bali-balita kaugnay sa mga pinagdaanan ng mga kalahok sa timpalak.

Inaasam natin na makauwi si Kelley sa bansa sa lalong madaling panahon upang makuha natin ang kanyang panig.

Kung totoo ang mga tsika, nangangamba tayo para sa kaligtasan ni Kelley.

NOEL FERRER:

Maganda ang naging karanasan ng mga mulat na pageant organizers ng Miss Grand International.

Kailangang matuto tayo rito sa nangyari sa Miss Eco International para meron tayong protocol or guidelines para sa mga susunod pa nating sasalihan o gagawing paligsahan.

Nalalapit na ang Miss Universe, nais din nating malaman kung anong pag-iingat at safeguards na gagawin ng lahat sa pagdaraos ng pinakahihintay na pageant na ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The top finalists of Miss Eco International: Miss Eco International titlist Gizzelle Uys of South Africa (center), first runner-up Kelley Day of Philippines (fourth from left), and second runner-up Alexandria Kelly of USA (second from left). Also part of the top five: Miss Eco Venezuela 2020 Steffanía Alejandra Rodríguez Vivas (right) and Miss Eco Costa Rica 2020 Kristel Ruiz Freeman (left).
PHOTO/S: Pawel Ventura / MISSOSOLOGY
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results