PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Migo Adecer nag-quit na sa showbiz?

Sa kanyang Instagram kagabi, nagpaalam na si Migo sa kanyang fans.
by PEP Troika
Published Apr 10, 2021
Migo Adecer
Kagabi, Abril 9, lumipad pabalik ng Australia ang Kapuso hunk na si Migo Adecer matapos na mag-post sa Instagram ng mensahe ng pamamaalam sa kanyang fans.
PHOTO/S: GMAAC / Instagram

GORGY RULA

Lumipad na pabalik ng Australia nitong Abril 9, Biyernes ng gabi ang Kapuso hunk na si Migo Adecer at tuluyan nang nag-quit sa kanyang showbiz career.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, pagkatapos ng seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ay nakakaramdam na ang Starstruck Ultimate Male Survivor ng anxiety dahil sa COVID-19 situation ng bansa.

Okey sana kung tuluy-tuloy ang trabaho pero hindi naman puwede dahil sa bagong normal na hinaharap natin.

Maaring nabagot na siya at nami-miss na ang kanyang pamilya. Puwedeng nami-miss din ni Migo ang non-showbiz girlfriend niya na naka-base sa Hongkong.

Sa mga nakaraang panayam namin kay Migo, nabanggit niyang marami pa siyang plano sa kanyang showbiz career.

Gusto pa niyang subukan ang music na hindi pa niya nasisimulang mag-record ng sariling kanta.

Marami na raw siyang nagawang kanta, pero hindi lang daw niya natitiyak kung kakagatin ito ng mga tao, lalo na ang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nasa pandemya pa rin tayo, mahirap gawin ang lahat lalo na’t wala pa ring nababago at lumala pa ang ating sitwasyon.

Kaya nag-decide na siyang tumigil at uuwi na siya sa kanyang pamilya sa Land Down Under.

Text ni Migo sa isang katrabaho bago siya lumipad kagabi, “Decided to hang up the coat. Just wasn’t feeling it anymore! And I wanted to be closer to my family.”

Isa sa pinaka-promising na Kapuso actor si Migo, at nakakapanghinayang din dahil hindi pa niya gaanong napatunayan ang pagiging artist at naipakita ang iba pa niyang talento.

Bata pa naman siya. Puwede pa siyang bumalik kapag maayos na ito at mabigyan siya ng magandang offer sa TV, o sa music at pelikula.

JERRY OLEA

Sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday ay kay Ginalyn (Barbie Forteza) siyempre napunta si Cocoy (Migo Adecer) sa ending. Nagparaya si Caitlyn (Kate Valdez) sa kanyang half-sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Akala natin ay tuluyang ipu-push na ng Kapuso Network ang love team nina Migo at Kate afterwards.

Nagbida sina Migo at Kate sa second installment ng My Fantastic Pag-ibig anthology sa GTV (dating GMA News TV) noong Pebrero.

Ito ay sa “Exchange of Hearts” na nagtampok din kina Jordan Herrera, Maureen Larrazabal, Kevin Sagra, at Karenina Haniel.

Nag-guest din ang tandem nina Migo at Kate sa seryeng Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na ipapalabas din sa GTV.

Kaya nagulat na lang tayo sa Instagram post ni Migo nitong Biyernes nang 11:00 pm, “Alright peeps, this is it. Time for me to head out with a bang!

“Thank you for the memories and thank you for the support! There was a lot of good (and bad) memories that were made during my stay here but they all made me who I am today!

“Met the love of my life here and worked with some hectic people! To the Philippines I bid you farewell...”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinasalamatan ni Migo ang GMA Network at GMA Artist para sa “epic opportunity to work for you guys.”

Nagpasalamat din si Migo sa kanyang fans na tinaguriang Migonatics para sa kanilang pagmamahal at suporta.

Mensahe pa ni Migo para sa fans, “And for one last time, Keep Up The Hype! See you on the flip side (get it?)!”

Mukhang batid ni Cassy Legaspi ang balak ni Migo na iwan ang showbiz. Ang comment ni Cassy sa IG post ni Migo, “He finally announced it! We’ll miss you Douglas!!!!!”

Douglas Errol Adecer ang tunay na pangalan ni Migo, na Ultimate Male Survivor sa 6th season ng StarStruck (Setyembre-Disyembre 2015).

NOEL FERRER

Anyare?

Hindi ba bida na siya dapat sa isang bagong show?

Baka nga showbiz is really just a phase ni Migo’s life.

At least, self-aware siya at may options na mangibang-bansa.

Sa Australia, medyo nako-contain ang covid (sa kanayunan) at mas may pag-asa sa bakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good luck na lang, Migo!

GORGY RULA

Ayon sa mga nagha-handle kay Migo sa GMA Artist Center, hindi pa nila kinu-consider na magki-quit na si Migo sa pag-aartista.

Pinayagan daw nilang magpahinga na muna, dahil nami-miss na raw niya ang kanyang pamilya. Kaya gusto na muna niyang umuwi.

Under pa rin daw sa GMAAC ang young actor.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kagabi, Abril 9, lumipad pabalik ng Australia ang Kapuso hunk na si Migo Adecer matapos na mag-post sa Instagram ng mensahe ng pamamaalam sa kanyang fans.
PHOTO/S: GMAAC / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results