Anthony Taberna, dinemanda ang trusted aides na pinagnakawan umano siya ng P15M

by PEP Troika
Apr 15, 2021
Anthony Taberna, sinampahan na ng qualified theft complaint ang dalawang personalidad na nagsabwatan umano para magnakaw sa kanyang kumpanya. Aniya, "Wala namang masama magtiwala.Subalit, pag abusuhin mo yung tiwalang binigay sa ‘yo, mukhang yun ang masama."
PHOTO/S: @iamtunying28 Instagram

GORGY RULA

Noong Miyerkules ng umaga, Abril 14, dumulog si Anthony "Ka Tunying" Taberna sa Quezon City Prosecutor’s Office para pormal na sampahan ng reklamo si Ernie Patrick Aquino, ang finance head ng Taberna Foods, Inc., at si Gualberto Baluyot II, branch manager ng East West Bank UP Village Branch sa Quezon City.

Umabot sa 175 counts ng qualified theft ang reklamo ni Ka Tunying laban kina Aquino at Baluyot.

May kinalaman ang reklamo sa diumano'y pagsasabwatan at pagnanakaw ng dalawa sa higit PHP15M na pondo ng Taberna Foods Inc. na pag-aari ni Ka Tunying.

Binanggit ni Ka Tunying sa panayam ng DZRH na inamin na raw ni Aquino ang kasalanan nito at humingi na ito ng tawad sa kanya.

Pero sabi nga ng broadcaster, madali lang ang magpatawad pero hindi madaling ayusin ang mga naperhuwisyo nito.

Dagdag na pahayag ni Ka Tunying, "Wala namang masama magtiwala.

"Subalit pag abusuhin mo yung tiwalang binigay sa ‘yo, mukhang yun ang masama.

Continue reading below ↓

"Sa tanong kung nagsisisi ba ako, kahit sa malaking pinsala na inabot ngayon, baka nga natuto tuloy ako dun.

"Na ang naging lesson ko dun ay huwag kang magbibigay ng buong-buong tiwala sa isang tao, kahit gaano mo siya katagal na kilala basta ang pag-uusapan ay pera."

Malaki ang pasasalamat ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel sa Diyos dahil sa dami ng mga pinagdaanan nila noong nakaraang taon, unti-unti na raw silang nakakabangon dahil sa patuloy na panalangin at suporta ng mga malalapit na kaibigan.

Noong nakaraang buwan lang ay inilunsad si Ka Tunying bilang brand ambassador ng PA Properties, ang real estate company na nagsisimula ng projects sa Laguna, Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga, at Metro Manila.

Sabi nga ni Rossel sa amin, unti-unti na silang bumabawi ngayong 2021, at sana tuluy-tuloy na raw ito hanggang sa makamit nila ang hustisya sa pagnanakaw na ginawa sa kanilang negosyo.

Noong Abril 13, unang ibinahagi ni Ka Tunying ang litrato niyang kuha sa tanggapan ng Gana Atienza Avisado, kunsaan mayroon siyang mga legal counsel.

Continue reading below ↓

Bahagi ng caption nito, "Bukas, abangan ang isang malaking hakbang sa paghahanap ng hustisya kasama ko ang Law Firm na ito.

"Ganun naman ang katarungan - mailap kung minsan pero iyo ring matatagpuan!"

Komento ng asawa ni Ka Tunying na si Rosell: "Salamat sa Ama [praying emoji] Dininig Niya ang ating panata at paghahanap ng hustisya [praying emoji]."

Anthony Taberna

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Isang nakita kong post ni Anthony Taberna ay ang pagpapabakuna niya under A3 na may comorbidity.

Maganda ring balita na okay na ang anak ni Anthony, si Zoey, na nagka-cancer.

Blessing na ito sa gitna ng pinagdadaanan niyang pagdedemanda sa dating katiwala.

I wonder kung saan hahantong ang legal dispute na ito.

Sa lambot ng puso ni Anthony, baka sa huli ay hindi rin niya maatim ang magpakulong ng isang dating trusted aide.

Ano sa tingin ninyo, gusto lang kayang bigyan ng leksyon ni Tunying ang dating katiwala?

Posible kayang magkaroon din ito nga amicable settlement? Let’s wait and see talaga!

JERRY OLEA

Kuwela ang Facebook post ni Ka Tunying matapos magpabakuna noong Abril 10, Sabado, sa Quezon City.

Aniya, "Noon ko pa sinasabi... basta puwede na, papaturok ako! Iba talaga pag media, kasama sa priority!

"Ooops teka muna. Hindi media na mamamahayag ha?! Mediabetes! Pasok ang mga Media-betes at iba pang may comorbidity sa kategorya ng A3.

Continue reading below ↓

"Sinovac ang itinuhog este itinurok sa akin. No problem! Kahit ayaw pa ng iba, kahit duda pa sila—ayos na ayos sakin!"

Anthony Taberna receives COVID-19 vaccine

Ipinaliwanag din ni Ka Tunying na ang pagpapabakuna ay proteksiyon hindi lamang para sa kanya kundi para sa pamilya.

"Sabi nga ng mga Doktor na kaibigan ko, sa giyera laban sa Covid—'the best vaccine is the one that’s available.'

Continue reading below ↓

"Kung may adverse effect? Di ko pa alam. At kung magkakaroon man, no problem dahil kusa at desisyon ko ito. Hindi lang para sa akin kungdi para sa pamilya ko at sa mga taong aking nakakasalamuha araw araw.

"Nga pala, libre ito. Mahaba man ang proseso dahil sa dami ng nagpapabakuna, sulit naman sa pakiramdam pagkatapos.

"Salamat sa gobyerno. Salamat sa QC government. Salamat sa mga frontliners at mga katulong nila dito sa Placido Elementary School. Salamat din sa mga kapwa kong nagpabakuna—makakatulong ito para mas marami pang magpabakuna.

"At sa mga naghihintay pa sa ibang brand ng vaccine, sana ay dumating na. Ano pa hinihintay ninyo, tara... paturok na!!! Ingat po tayong lahat! Happy weekend, Wuhooo!!"

Anthony Taberna vaccinated

Continue reading below ↓

Tungkol sa mga kaibigang nagkasala sa kay Ka Tunying... ilang beses na nating napatunayang maraming pagkakaibigan ang nasisira dahil sa pera.

Inaasam nating makamit ni Ka Tunying ang katarungan, at makabawi siya sa milyones na ninakaw sa kanya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna, sinampahan na ng qualified theft complaint ang dalawang personalidad na nagsabwatan umano para magnakaw sa kanyang kumpanya. Aniya, "Wala namang masama magtiwala.Subalit, pag abusuhin mo yung tiwalang binigay sa ‘yo, mukhang yun ang masama."
PHOTO/S: @iamtunying28 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results