Derrick Monasterio, ibinalandra ang kadakilaan sa Instagram

by PEP Troika
Apr 16, 2021
Pinainit ni Derrick Monasterio ang Instagram nang i-post niya ang kanyang underwear photos para sa isang clothing brand.
PHOTO/S: @derrickmonasterio Instagram

JERRY OLEA

Naka-3.7M views na sa Facebook page ng ABS-CBN ang video clip ng eksena sa teleseryeng Init Sa Magdamag kung saan naka-white brief si Gerald Anderson sa harap ni Yam Concepcion.

Magpapaalab ang Init Sa Magdamag umpisa Abril 19, Lunes ng gabi, sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Nitong Abril 15, Huwebes ng tanghali, ibinalandra naman ng isang clothing brand sa Facebook, Twitter, at Instagram ang litrato ni Derrick Monasterio na naka-white brief.

Sa IG account niya ay nag-post si Derrick ng ibang litrato na naka-Bench brief siya.

Ang caption niya, "Best part of being a [underwear brand] model is having UNLIMITED UNDERWEAR!

"Seriously though been wearing them since I was in highschool and it’s an honor to represent this brand."

Instagram Photo: Derrick Monasterio in white brief

Continue reading below ↓

Matapos ang limang oras na i-post iyon ni Derrick sa IG ay mahigit 38K na ang nag-like.

Nag-comment pa si Sanya Lopez ng raging flames emojis at text na nagsasabing, "Oy ohhhhh."

Sanya Lopez, IC Mendoza, Mark Bumgarner react to Derrick Monasterio underwear photo

Will Devaughn reacts to Derrick Monasterio underwear photo

Continue reading below ↓

Si Derrick ay regular Celebrity Spotter sa Catch Me Out Philippines, na palabas tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.

Si Markki Stroem naman, nagwo-work out nang naka-underwear sa Tiktok at Facebook.

Sa Patreon, mas mapangahas ang posts ni Markki para sa kanyang subscribers.

NOEL FERRER

Bagay na bagay si Derrick Monasterio sa ganitong pa-underwear.

Kasi, siya mismo ang nagsasabi na gifted child siya! Game!

Sana makatulong sa kanya ito para magkainteres muli sa kanya ang mga tao.

Sayang... Ang tanong ko, bakit ba hindi siya pinag-sexy nang ganito sa launching film niyang Wild and Free with Sanya Lopez noong 2018? Nadagdagan sana ang mga nanood ng pelikula.

Pero does Derrick have a paying crowd?

We’ll see... depende kung ano ang output! The next time, I hope it will be worth it!!!

GORGY RULA

Ang dami nang tindahan sa malls ang nagsara.

I'm sure, hindi maitatanggi ng clothing brand na iniendorso ni Derrick na apektado rin sila ng pandemyang ito.

Continue reading below ↓

Pero nakatutuwang nandiyan pa rin ang sikat na Pinoy clothing brand, at nandiyan pa rin ang karamihan ng endorsers nila.

Narinig ko kasing may ilan silang endorsers na hindi na nila na-renew ang kontrata.

Keri ni Derrick na manatiling mag-endorse ng underwear brand sa angking kakisigan niya.

Ang dami na ngang nag-react sa ganda ng katawan niya at lalo pang gumuwapo.

Mabigyan sana si Derrick ng magandang project para ma-improve lalo ang kanyang pag-arte.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinainit ni Derrick Monasterio ang Instagram nang i-post niya ang kanyang underwear photos para sa isang clothing brand.
PHOTO/S: @derrickmonasterio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results