PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedian Petite disappointed at stablemates Gabo and Buknoy

Malaki raw ang naitulong ni Vice sa career ni Petite.
by PEP Troika
Published Apr 18, 2021
Petite and Vice Ganda
Malaki raw ang naitulong ni Vice Ganda (kanan, naka-yellow shirt) sa career ni Petite (kaliwa at nasa kanan, nakaitim). Kaya naman hindi niya maitago ang pagkadismaya sa ginawa ng kapwa niya Star Image Artist Management talents na sina Gabo at Buknoy Glamurrr (wala sa photo).
PHOTO/S: @petitebrokovich Instagram

GORGY RULA

Nag-Facebook live ang Star Image Artist Management nitong Abril 18, Linggo ng hapon, kung saan humarap ang dalawang managers na sina David Cabawatan at Vince Apostol.

Kasama ang mga Star Image talent na sina Gabo at Buknoy Glamurrr, humingi sila ng paumanhin kina Awra Briguela, Vice Ganda, at Ion Perez dahil sa offensive na TikTok live nina Buknoy Glamurrr at Gabo kung saan pinaglaruan si Awra at nadamay sina Vice Ganda at Ion.

Sa bandang huli ng live public apology, pumasok ang isa pang artist ng naturang management group, ang komedyanteng si Petite.

Nagpahayag si Petite ng pagkadismaya sa ginawa nina Gabo at Buknoy kay Awra, at pati sina Vice Ganda at Ion ay pinaglaruan ng dalawa.

Ani Petite, “I feel sad para sa management. Kasi, walang natawa. Puro bash talaga. Puro bash.

“At hindi ko maipagtanggol yung management ko. Marami sa akin ang nag-message na, di ba, Star Image ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako kasi, sobrang mataas ang respeto ko kay Vice at sa mga katrabaho ko. Lalo sa mga nakatrabaho ko sa GGV. Kasi si Meme [Vice], walang ipinakitang masama sa akin.”

Malumanay na pinagsabihan ni Petite sina Gabo at Buknoy na mangiyak-ngiyak pagkatapos nilang magbigay ng public apology para sa tatlo at sa netizens.

Pagpapatuloy ni Petite, “Sana, maging lesson sa inyo ‘to. Actually, si Gabo, tinawagan ko siya, ‘Bakit may ganitong content?’

“Sabi ko, ‘Hindi ka pa ba natututo sa unang pagkakamali? Mas mabigat ‘tong ginawa mo. Saka nag-drop kayo ng names, nandamay kayo ng mga tao.’

“Yung dalawang tao, masaya sa buhay. Huwag n’yong dautin.

“Unang-una, bakla kayo. Maging masaya na lang kayo. Hindi ‘to papatulan ni Meme, kaso, sobrang foul! Sobrang foul!” bulalas pa ni Petite.

Inamin na rin ni Petite na kaya hindi na raw siya madalas na pumupunta sa tanggapan ng Star Image Artist Management dahil sa hindi na raw niya nagustuhan ang malaking pagbabago nina Gabo at Buknoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinamad na raw siyang pumunta, kasi, napapansin na raw niya ang kayabangan ng dalawa.

“Sa ipinapakita n’yong pangit na ugali, hindi nakakatuwa. Ang management, may disciplinary action na gagawin. Tanggapin ninyo. At sana, matuto kayo sa pagkakamaling ito.

“Kung may ibibigay man sa inyo na anumang kaparusahan, tanggapin ninyo.”

Mensahe ni Petite kay Gabo, “Kasi, unang-una, kahit minor si Buknoy... Hindi ko maintindihan, dapat ikaw ang nagsabi nun.

“Kasi, ikaw ang hindi minor... Dapat, ginuide mo siya. E, parang nagkakaroon ng ano, e... sabwatan sa ginagawa nila.

“So, mali. Kahit saang anggulo, mali,” malungkot na pahayag ni Petite.

JERRY OLEA

Pasabog ang TikTok live ni Gabo Adeva noong Abril 17, Sabado, kung saan kachika niya si Buknoy na nagkunwaring si Awra.

Matagal na ang hidwaan nina Awra at Buknoy, pero itong role playing ni Buknoy na kunwari siya si Awra ay idinawit ang nananahimik na sina Vice Ganda at Ion.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabanggit pa sa TikTok live si Carlo (Mendoza), talent ng Star Image na tinulungan ni Vice.

Maging si Petite na talent din ng Star Image ay tinulungan din ng Unkabogable Superstar.

Bago pa ang Facebook Live, naglabas na ng public apology ang Star Image sa kanilang FB page:

“This is to inform the public that Star Image Artist Management will not tolerate the irresponsible actions of Gabriel ‘Gabo’ Adeva and Andrew Luis Lapid a.k.a. ‘Buknoy Glamurrr,’

“With the recent incident involving Ms. Vice Ganda, Mr. Ion Perez and Ms. Awra Briguela in a tiktok live video, the management decided to impose immediate disciplinary action and to suspend Gabo and Buknoy for 1 month without pay, and penalize them with a fine of One Hundred Thousand pesos each due to misconduct.

“We sincerely apologize to the involved personalities and rest assured that we will do necessary disciplinary actions as stated beforehand.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Star Image Artists Management official statement on Gabo, Buknoy vs Awra, Vice Ganda, Ion Perez issue

NOEL FERRER

Sa nangyari, parang knee jerk reaction at hindi masusing pinag-isipan ang naging aksyon sa nangyari.

Bilang manager, na para ka na ring magulang, mano bang kinausap muna ang mga talent nang masinsinan, ipinaalam sa kanila ang pagkakamali, at ang consequences nito nang mahinahon bago nagbigay ng joint statement na nagpapakita rin ng maayos na command responsibility.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nangyari, pare-pareho silang nagpadala sa kanilang emosyon na alam natin ay hindi nakakabuti.

Parang nakakawala ng urbanidad.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki raw ang naitulong ni Vice Ganda (kanan, naka-yellow shirt) sa career ni Petite (kaliwa at nasa kanan, nakaitim). Kaya naman hindi niya maitago ang pagkadismaya sa ginawa ng kapwa niya Star Image Artist Management talents na sina Gabo at Buknoy Glamurrr (wala sa photo).
PHOTO/S: @petitebrokovich Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results