Sunshine Dizon lilipat na sa ABS-CBN; hindi na na-renew ang kontrata sa GMA-7

by PEP Troika
Apr 19, 2021
Pagkatapos ng 25 taon ay lilisanin na ni Sunshine Dizon ang GMA-7 upang lumipat sa ABS-CBN. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, hindi na ni-renew ng Kapuso network ang kontrata ni Sunshine kaya freelancer na ito ngayon.
PHOTO/S: GMA-7

GORGY RULA

Lumilitaw na si Sunshine Dizon ang isa sa dalawang Kapuso stars na napapabalitang lilipat na sa Kapamilya network.

Napag-alamang dumalo na raw ang aktres sa story conference ng bagong drama series na pagbibidahan nila nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

So, kumpirmadong wala na si Sunshine sa GMA 7 pagkatapos ng 25 taon.

Ikinagulat ito ng ilang Kapuso stars na nakaka-text ko. Bakit daw nagawa iyon ni Sunshine gayong hindi naman daw ito pinababayaan ng Kapuso network.

Magaganda naman daw ang mga project na ibinigay sa kanya at maganda rin ang feedback mula sa mga manonood. Saka parang nakasanayan na nating sa GMA-7 napapanood ang magaling na aktres mula pa noong young actress siya.

Pero napag-alamang hindi na pala ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Sunshine, kaya free siyang tumanggap ng proyekto kahit saang network.

Hindi ko lang alam kung may pinirmahan siyang exclusive contract sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Nagtanong ako sa manager niyang si Perry Lansigan, pero hindi pa niya sinasagot ang aking text message.

Abangan na lang natin kung may pahayag si Sunshine kaugnay sa kanyang paglipat.

Ano sa tingin ninyo, mga Ka-Troiks?

NOEL FERRER

Wow, Janine Gutierrez, Paulo Avelino with Sunshine Dizon. Reunion ng mga Kapuso na naging Kapamilya!

Sina Janine at Paulo, kinilala sa kanilang kahusayan sa pagganap lalo na nang nakaalis na sa kanilang sinimulang network.

Career move ang karaniwang dahilan ng paglipat. Moving forward, not backwards. And definitely not standing or sitting still.

Maraming trade-offs at adjustments sa paglipat, lalo pa’t walang franchise ang ABS-CBN.

So while it may not be an entirely money move... anong movement ba ang nakita natin sa mga dating Kapuso na ngayo’y naging Kapamilya—Angel Locsin, Anne Curtis, Toni Gonzaga, Iza Calzado, at maging si Regine Velasquez?

I’m sure, like Sunshine (and Janine and Paulo na rin), they are grateful to the Kapuso network for starting them up. But like any growing child, they felt the need to move.

Continue reading below ↓

All the best!!!

JERRY OLEA

Andaming nabulabog sa blind item natin noon na dalawang Kapuso actress ang malamang na mag-over da bakod.

Sa halos 100 new shows kasi ng GMA-7, walang naka-line up para sa dalawang kilala at mahusay na aktres.

Iyong isang premyadong aktres, kapani-paniwala raw na lumipat. Sabi pa, dalawang taon na itong nililigawan ng Kapamilya Network.

Ang isa pang aktres, malabo raw lumipat dahil alaga naman ito sa projects ng Kapuso Network—si Sunshine Dizon nga ito, na huli nating napanood sa teledramang Magkaagaw kung saan mas pinag-usapan ang maiinit na eksena nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales.

At iyon na... kumpirmado na ang pag-over da bakod ng anak ni Dorothy Laforteza!

Sunshine Dizon is Sunshine Dizon is Sunshine Dizon, maski itanong n’yo pa kay Charlie Dizon!

Kaabang-abang ang kumbinasyon nina Sunshine, Janine, at Paulo sa isang teleserye.

Wagi si Janine bilang best actress sa pelikulang Babae at Baril, at first teleserye niya ito bilang Kapamilya.

Continue reading below ↓

Panalo si Paulo bilang best actor sa pelikulang Fan Girl, kaya kaabang-abang ang next TV project niya after Walang Hanggang Paalam.

Ano na pala ang balita sa pelikulang Ngayon Kaya? nina Janine at Paulo? Entry sana iyon sa 1st Summer MMFF noong Abril 11-18, 2020?

Sa napiling entries ng nadiskaril na Summer MMFF, itong Janine-Paulo starrer at ang A Hard Day ni Dingdong Dantes ang hindi pa naipapalabas.

Siyanga pala, iyong pelikulang Dito at Doon nina Janine at JC Santos ay mapapanood sa video-on-demand service na TBA Play umpisa Mayo 1.

Available ang TBA Play sa mahigit 60 bansa, kabilang ang USA, Canada, at piling sa Middle East, maging sa North Africa.

TBA Play is also partnered with international distribution and sales company, TVCO to bring TBA Play contents to key markets in Europe.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 25 taon ay lilisanin na ni Sunshine Dizon ang GMA-7 upang lumipat sa ABS-CBN. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, hindi na ni-renew ng Kapuso network ang kontrata ni Sunshine kaya freelancer na ito ngayon.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results