PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guwapitong aktor, nami-miss ng mga beking production staff dahil sa kanyang kaharutan

Guwapitong aktor, mahilig yumakap sa mga beki from the back.
by PEP Troika
Published Apr 21, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Gusto na sanang bumalik sa taping ang ilang programa ng ilang TV networks, pero takot pa ang karamihan ng mga artista.

Ang ilang drama series ay pinaghahandaan na ang lock-in taping. Medyo kampante na kasi ang ilang artista dahil karamihan ng eksena ay sa labas ang location at hindi nasa loob ng studio o sa isang lugar na sarado at hindi well-ventilated.

Pero alam ba ninyong ang mas nalulungkot sa di pa pag-resume ng taping sa studio ay ang mga bading na production staff?

Kasi naman, may ilang programang kasali itong si baguhang guwapitong aktor at tuwang-tuwa ang mga kabadingan sa kanya.

May pagkaharot itong si guwapitong aktor na ang hilig paglaruan ang mga beking katrabaho niya. Wala siyang pakialam sa social distancing.

Kapag nag-break ang taping, type na type ni guwapitong aktor na makipaglaro sa mga beking staff.

Merong yayakapin niya from the back at nadudunggol si ‘junjun’ sa bandang likuran ni beki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hay, naku! Naloloka sina beking staff, make-up artist, at stylist na kalaro ni guwapitong aktor.

Napapansin din nilang pati sa mga post ni guwapitong aktor sa kanyang social media account, lalo na sa Tiktok, ay may pasilip sa “karug” o “bulex” kapag naka-topless.

Ang hilig pa raw nitong mag-jersey shorts na may pa-Felix Bacat. Kaya yun daw talaga ang nami-miss ng mga kabadingan sa taping.

May ilang nagtatanong na raw kung kailan na ba ang taping sa studio.

Pero ito raw ang sinasagot sa kanila: “Anong type ninyo, pabukol o pa-COVID?”

JERRY OLEA

Kapansin-pansin these days ang kakisigan ni guwapitong actor, na kasama sa isang pelikulang kagigiliwan ng mga becky at peppermint community.

Masarap na tanawin ang topless photos niya sa Instagram, nakadadarang sa mga marupok at madaling matupok.

Produkto ng isang reality show ang guwapitong aktor, at ang kanyang screen surname ay “female version” ng isang isla sa Southeast Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana, pagkatapos ng blind item na ito ay makaalpas na sa pagka-Da Who ang guwapitong aktor.

Wala pa man siyang achievement sa showbiz, at least, pwede na siyang tawaging Dunggol King!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results