JERRY OLEA
Pumanaw na ang beteranong action director na si Toto Natividad—Federico Natividad Jr. sa totoong buhay—nitong Abril 27, Martes ng umaga, sa edad na 63 dahil sa COVID-19.
Abril 21, Martes, nang manawagan sa Facebook ang anak niyang si John Isaac Natividad, “ako po ay mapagkumbababang humihingi ng tulong po para sa aking ama na si Direk Toto Natividad, kailangan po maconfine ni papa sa ospital.
“nahihirapan po kami ngayon makahanap ng ospital dahil puno po lahat. baka po makahingi ng tulong niyo.”

Taga-Navotas si Direk Toto, na barangay chairman sa Barangay NBBS Kaunlaran.
Makalipas ang ilang oras ay napag-alaman naming naka-confine si Direk Toto sa extended ICU ng Green City Medical Center, San Fernando City, Pampanga.
Nagpasimula ng fundraiser sina Janica Ribo at Lui Ribo sa gofundme, “Master Director Toto Natividad’s medical fund.”
Ni-repost iyon ni John Isaac.
Inilahad sa fundraiser ang pinagdaanan ng beteranong direktor: “On April 20th Direk Toto had a difficulty breathing He was rushed to Navotas Gen Hospital. They were struggling to put his oxygen levels up that he had to be intubated.
“With the increase in Covid19 patients in the metro there were no available hospitals that can accommodate him so he had be transferred to Green City Med Center at San Fernando, Pampanga which was the only hospital that is willing to accommodate him.
“He is still in the ICU and currently intubated. The diagnosis of his Pulmonologist is Severe Covid Pneumonia. He also suffered from Cytokines storm and acute Renal Failure.
“Haemoperfusion is needed to clean his blood of the toxins and dialysis as well to help kick-start his kidneys.
“I am starting this gofundme to help cover any possible expenses. It’s his 2nd day and their running bill as of writing is already 430,000php.
“Isaac’s family is our family too, and we know what it feels like to have hospital bills ballooning on us, to lose hope and not have a fighting chance...
“Please keep his father and family in your thoughts and prayers.
“Any possible donations would be greatly appreciated. We will continue to update you all as things go from here.”
Ipinost din ni John Isaac ang kanyang bank accounts para sa mga nais mag-donate.
Kabilang sa mga idinirek ni Direk Toto ang mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano (Coco Martin), Cain at Abel (Dingdong Dantes, Dennis Trillo), Dugong Buhay (Ejay Falcon), Panday (Jericho Rosales, Heart Evangelista), at Pieta (Ryan Agoncillo, Cherie Gil).
NOEL FERRER
Five days ago, I came across the Facebook post of a certain Ayette Natividad de Guzman (anak ni Direk Toto Natividad) ng nagsasaad ng kalagayan ng ama.
Ani Ayette, “Hi. I hope you are doing well during these trying times. I’m reaching out now to inform you that our father, DIREK TOTO NATIVIDAD is currently fighting for his life due to Covid-19.
“He is currently in the extended ICU of Green City Med Center, San Fernando, Pampanga.
“Our Father needs all the help he can get to get through this. Please include him in your prayers.
“Thank You and Stay Safe.”
Kahapon ay nakita ko pa ang post ni Ayette, “I am blessed to be surrounded by good people. Mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin at sa buo kong pamilya.
“Sa sitwasyong aming kinakaharap kayo ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob para malagpasan ito. Ako kasama ang aking mga kapatid ay taos pusong nagpapasalamat sa patuloy niyong pagdarasal para sa aming ama Direk Toto Natividad.
"Let us continue praying for his fast recovery."
At nito lang, sa gitna ng pagtulong ng mga kasamahan sa ating industriya, bumungad sa atin itong malungkot na balita.
GORGY RULA
Ma-PR si Direk Toto. Ang gaan niyang kausap, dala na rin ng pagiging pulitiko niya.
Malapit siya sa action stars dahil iba talaga ang action scenes na nadidirek niya.
Si Direk Toto ang isa sa unang nagdirek ng FPJ’s Ang Probinsyano, at tumawid ng GMA-7.
Nakakalungkot at nakakatakot na talaga dahil sa padami nang padami na ang kilala natin sa showbiz na tinamaan ng nakakamatay na virus na ito.
JERRY OLEA
Facebook post ni Navotas Mayor Toby Tiangco nitong Martes ng hapon:
“Isa na namang masipag na serbisyo publiko at matapat na katuwang ng pamahalaang lungsod sa paglaban sa pandemya ang nawala sa atin. Ikinalulungkot po nating ibalita ang pagpanaw ni Kap. Toto Natividad, punong barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran.
“Kahit na senior citizen na at bahagi ng bulnerableng sektor na may mas mataas na tyansang mahawa ng COVID-19, hindi nagpapigil si Kap. Toto sa pangunguna sa pag-asikaso at pangangalaga sa kanyang mga kabarangay.
“Palagi ang kanyang paalala sa kanyang nasasakupan, mapa-personal o sa social media, na mag-ingat para makaiwas sa sakit. “Nakikiramay tayo sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng mahal sa buhay, at sa lahat ng mga taga-NBBS Kaunlaran. Malaking kawalan si Kap Toto, hindi lamang sa inyo, kundi sa buong Navotas. Hindi matatawaran ang kanyang paglilingkod, at nawa’y manatili sa atin ang mga aral na kanyang naituro at kabutihan na kanyang nagawa.”
Patotoo sa FB ng part-time singer-performer na si AJ Raj, na constituent ni Kap Direk Toto sa Brgy. NBBS Kaunlaran, “Kap Direk Toto Natividad ang hirap isipin na hindi totoo ang lahat ng to, masakit sobra, alam ko lumaban ka hindi lng para sa sarili mo, para sa mga taong nasasakupan mo sa brgy, ikaw lng ang kapitan na walang pinipiling araw para tumulong, napatunayan ko yan ng ako'y lumapit sainyo ni madam Luz Naraga, kahit napakabago mo palang sa serbisyo, para sa akin, ikaw ang pinakamabait, masipag at matulungin saksi ako sa lahat ng yan, halos magdamag ka nakaantabay lagi sa barangay “kahit wala man camera, sa personal sobrang busilak ng puso, wala akong masabi at may pagpapahalaga sa kanyang mga kawani. Diyos na gumanti sa lahat ng kabutihan mo ng ikaw pa'y nabubuhay
“Maraming salamat kap, utang ko po lahat sainyo ang tulong nyo sa akin, we will miss you kap... till we meet again! -ang sakit pa rin isipin, kap”
Salaysay ng staff ni Direk Toto na si Katherine Molina Despa, “REST IN PEACE Direk Toto Natividad. Salamat po sa lahat ng kabutihan mo sa amin. Sa masasayang kwentuhan at magaang na ka trabaho bilang director, cool na director, hindi madamot sa kaalaman.
“Hindi kita narinigan ng masamang salita o manigaw sa set , cool na cool ka po at smile lang. Mabait na tao at napaka matulungin, madaling lapitan sa oras ng pangangailan. Salamat, salamat ng marami po.
“Dalaga palang ako at Bit Player magkatrabaho na po tayo at magkaibigan. Hanggang sa mag asawa at naging SCRIPTCON mo at STAFF po. Nakakabigla at napaka sakit kasi nga naging pamilya narin po tayo.
“Salamat sa pagtitiwala din po sa asawa ko kay Elmer na mula noon mga bata-bata pa po tayo hanggang ngayon naging mag partner din po kayo sa trabaho. Hindi ka po namin makakalimutan.
“Salamat po Direk may you Rest In Peace. Ma mimiss ka namin. We love you po.”
Bumuhos sa Facebook ang mga mensahe at shout out ng mga nakatrabaho at nakasama ni Direk Toto.
Mensahe ng action star na si Jess Lapid Jr.: “Nakakalungkot.. Paalam Direk Toto Natividad.”
Sabi ng kapwa direktor na si Francis Jun Posadas: “Paalam Kap Direk ToTo Natividad. Rest in Peace.”
Mula sa beteranong character actor na si Dido dela Paz: “Direk Toto Natividad ...Rest in Peace...ANG SAKIT!!!”
Shout out ni Direk Crisanto Aquino: “We lost another pillar in the industry. Paalam Direk Toto Natividad.”
Taghoy ng character actor na si Dindo Arroyo: “Rest in Peace My director, My friend, My kumpare Director Toto Natividad. Salamat. Masakit man. Mahal kita direk toto”
