GORGY RULA
Kapwa masaya ang dating magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres na may ipinagdiwang nitong Mayo 4, Martes.
Three months na ang relasyon nina Derek at Ellen Adarna, pero hindi sila magkasama sa araw na ito.
Nasa lock-in taping ng John en Ellen si Ellen. Kaya nag-post siyang nami-miss niya ang fiancé sa kanilang third monthsary.
Pero nakabalik na rin si Ellen, kaya nag-post na si Derek ngayong Miyerkules ng “welcome home love!”

Si Andrea naman ay ipinagdiwang ang kanyang 31st birthday nitong Mayo 4.
Mabuti na lang at na-move ng isang linggo ang naka-schedule nilang lock-in taping ng Legal Wives kaya nasa bahay pa siya at hindi naka-quarantine.
Masayang ipinagdiwang ni Andrea ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya.
Sabi niya sa kanyang text message sa PEP Troika, “Simple lang po ang naging celebration ko. Lahat ng paborito kong pagkain, hinain ng pamilya ko at nagsalu-salo kami.
“Sobra naman po akong na-touch din sa pagbati ng mga tao, sa mga edit and fan art nila. Yung iba po, nag-celebrate pa sa mga bahay nila, may banner at handa rin, tapos pinicturan nila at sinend sa akin.
"Napakarami rin pong nagpadala ng food at cake sa atin.”
Mas marami raw siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos at sa mga supporters niya kesa sa iwi-wish sa kanyang kaarawan.
Ani Andrea, "Talagang gusto ko lang po iparating yung pasasalamat ko sa kanila. Pati rin po sa inyo.
"Ang saya-saya po ng puso ko because you all showered me with love and support.
"It’s humbling and inspiring. With what I’m feeling it’s only right to spread positive vibes as much as I can.
"Sana, in my own little way I can do the same for them.”
Ni-remind pa kami ni Andrea na ingatan din ang aming mental health sa bigat ng pinagdadaanan natin ngayon.

JERRY OLEA
Fresh and blooming si Andrea sa kanyang Instagram post nitong Mayo 5.
Post ni Andrea (published as is), "THANK YOU. Thank you, Lord... For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement.
"The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough.
"Thank you, family and friends (who feel like family). You have given me so much of your time, effort, and care. I am surrounded by angels.
"Thank you to each and every one of you. You're all a big part of this. Everyday I make a list of the things I am grateful for and safe to say...
"I am bursting. I’ll bring all of this with me. Wishing good health, protection, strength and happiness for all of us.
"Looking at the future bright-eyed and eager."

Wala pa tayong nuulinigan na bagong project ni Derek matapos mapabalitang pinalitan siya ni Rocco Nacino sa teledramang To Have and To Hold with Carla Abellana and Max Collins.
Si Andrea naman ang pumalit kay Megan Young sa cultural drama series ng GMA-7 na Legal Wives, kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.
NOEL FERRER
Masakit ang pinagdaanan ng dalawang iyan, ha, pero ang husay at ang mature nilang na-handle ang lahat.
Pinili nilang manahimik mag-isa, hindi tulad ng ibang ipinangangalandakan ang bawat kibot sa buhay.
The best weapon is a good work. I hope they both come up with good, artistic projects na bale legacy nila sa industriyang ito.
I’m sure, gusto rin nilang magmarka bilang mga aktor at alagad ng sining kaysa mga pusong nagmahalan at naghiwalayan lamang.
And may they live happily ever after.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
