PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male TV Personality's ex-wife reportedly jailed

Madamay pa kaya si Male TV Personality sa mga atraso ng kanyang ex-wife?
by PEP Troika
Published May 8, 2021
Ang nakaka-shookt pa raw, nag-attempt pa ang dating asawa ni Male TV Personality na yayain sa isang business venture ang kasalukuyang partner ni TV personality.

GORGY RULA

Totoo kaya itong nasagap natin, mga ka-Troiks, na nakakulong na ang dating asawa ng isang sikat na Male TV Personality?

Ang dami ko nang pinagtanungan pero wala pa akong nakuhang kumpirmasyon.

Narinig din daw nilang ipinakulong na itong dating asawa ni Male TV Personality dahil sa malaking halagang nakatransaksyon.

Hindi lang nilinaw kung nagkaroon ng lokohan, pero malaking halaga raw ang sangkot mula sa isang mayaman at maimpluwensyang tao.

Kaya nagawan niya ng paraang mahabol itong dating asawa ni Male TV Personality at naipakulong.

Matagal nang may isyu sa kadatungan ang dating asawa ni Male TV Personality, pero hindi na ito pinapakialaman ng huli dahil matagal na silang hiwalay.

Sa pagkakaalam ko, may kani-kanya na silang partner, at ang mga anak na lang nila ang nag-uugnay sa kanila.

Kaya kahit anong tanong kay Male TV Personality tungkol dito, ayaw niyang sagutin dahil ang mas inaalala niya ngayon ay ang kanyang mga anak na may sarili nang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang concern ng ilang taong malapit kay Male TV Personality, sana’y hindi ito madamay dahil nalagpasan na niya ang problemang ito.

JERRY OLEA

Walang magwawagi sakaling magsalita ang Male TV Personality sa usaping ito.

Bago natin naulinigan ang pagkakulong ni Dating Asawa, nakaka-shookt ang tsika na tumawag pa si Dating Asawa sa current dyowa ni Male TV Personality at may iniaalok na negosyo.

Susmaryosep!

Siyempre, umiwas na si Current Dyowa.

Hindi judgmental si Current Dyowa, pero batid niyang kahibangan kung magsososyo sila ni Dating Asawa.

Ayaw ng mga bilanggong birhen, pati ng mga bulaklak sa city jail!

NOEL FERRER

Grabe, unending saga pala talaga itong ex-couple.

Hindi ba’t nakaapekto rin ito sa career ng sikat na Male TV Personality nang mag-leave ito sa kanyang kinabibilangang proyekto?

But this time, can he escape the liabilities ng kanyang dating asawa?

Masalimuot ito. Pero bilib ako sa Male TV Personality na ito kung paano niya kinakayang magpatawa sa gitna ng kinahaharap ng ina ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ay, kailangan ng kakaibang tatag at tibay ng loob!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang nakaka-shookt pa raw, nag-attempt pa ang dating asawa ni Male TV Personality na yayain sa isang business venture ang kasalukuyang partner ni TV personality.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results