PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Damay At Dangal event for those who perish during pandemic

Para rin ang event na ito sa mga yumao hindi lang dahil sa COVID-19.
by PEP Troika
Published May 9, 2021
Bukod sa mga dasal at pag-alaala sa mga yumao mula nang mag-umpisa ang pandemya, may performances din mula kina Miah Canton, Arman Ferrer, Rafa Siguion-Reyna, at Gary Valenciano. Kasama rin sa event na ito ang mga broadcast journalist mula sa limang nangungunang network at hosted by Iza Calzado.
PHOTO/S: Damay At Dangal Facebook

NOEL FERRER

Madalas nasasabi ngayon na parang nagiging running obituary na ang social media.

Araw-araw na lang, nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay na kadalasan ay walang closure dahil ang mga nakasanayan nating mga ritwal, sama-samang pagdarasal at pagbibigay-dangal at pagpahalaga ay hindi na naibibigay.

Nagmula sa tweet ni Dr. Raquel Fortun, na-pick up ni Dr. Carol Araullo na sumangguni kay dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo, nabuo ang Damay At Dangal. Remembering Our Loss.

Damay at Dangal event

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This online event is a means to remember and honor the fallen of the pandemic across faiths, and to offer a virtual space for collective grief, reflection, and action.

Damay At Dangal launch event will be in the form of an ecumenical prayer, with songs and a litany of names of the fallen recited towards the end.

This follows after the special anticipated mass at Manila Cathedral that prayed for the thousands of people who died of COVID-19.

We hope to hold more memorials every 9th day of the succeeding months, until April 2022.

The program will be hosted by my very own Iza Calzado (herself a covid survivor) at magpe-perform sina Miah Canton, Arman Ferrer, Rafa Siguion-Reyna, and Mr. Gary Valenciano.

Gaganapin ito online ngayong Mayo 9, Linggo, 5:00 PM sa FB Page ng Damay At Dangal.

GORGY RULA

Ang Damay At Dangal ay parang community pantry for the soul to collectively commemorate the loving memories of our loved ones who now rest, as we continue our votive call of justice.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

To participate, you may post a photo of an altar for loved ones lost during the COVID-19 pandemic with our hashtags: #DamayAtDangal #RememberingOurLoss

Magbabasa ng mga pangalan ng mga yumao nang panahon ng pandemya na hindi lang dahil sa covid.

Yung mga hindi natin napaglamayan.

Sa showbiz, kasama sa first batch sina Menggie Cobbarubias, Peque Gallaga, April Boy Regino, Claire dela Fuente, at Victor Wood.

Magdadagdag ng mga pangalan habang lumalaon at isasama sa monthly commemoration every 9th of the month.

Ang broadcast journalists na sina Atom Araullo (GMA-7), Cheryl Cosim (TV5), Karen Davila (ABS-CBN), Christian Esguerra (ANC), at Rico Hizon (CNN) ang magbabasa ng mga first batch ng mga pangalan ng mga namatay na pararangalan.

Ang Damay At Dangal ay in-organize ng Cure Covid, Concerned Artists of the Philippines, Promotion of Church People’s Response, at concerned citizens.

Sana, sa susunod, represented din ang NET 25, PTV, at iba pang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ipinagdiriwang natin ang Mother’s Day tuwing ikalawang Linggo ng Mayo.

Sadya bang itinapat dito ang pag-uumpisa ng Damay At Dangal na ang acronym ay D.A.D.?

Wala naman siguro itong konek sa pelikula nina Janine Gutierrez at JC Santos na Dito At Doon.

Ito bang Damay At Dangal ay pagdadalamhati ng Inang Bayan?

Ang Panalangin, Panaghoy at Paninindigan (PPP, kagaya ng Pista ng Pelikulang Pilipino) ng Damay At Dangal:

Aming Bathala, huminga Kayo sa kimpal na putik

At nilikha kaming Inyong kawangis: Marangal, malaya, may angking talino at likas na pag-ibig sa kapwa.

Hiningahan Ninyo kami bilang pamayanan,

Binilinan kaming maging mapagkalingang ‘sambayanan.

Nananaghoy ang bayan, pati na buong daigdig

Mga kapatid, kaibigan, kaanak, at kakilalang sa pagkakasakit ay nadaig

Habang ang sistemang walang pagkalinga’y naging pabaya at sa pananakot ay nagmalupit,

Namaalam ang aming kapwa nang gayon na lamang at ang Inyong handog na hininga ay napatid

Ngayon kami sa Inyo’y nananaghoy at lumalapit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na tulungan kaming huwag silang sa alaala namin ay mawaglit,

Na kaming nabubuhay ay mangakong sa ngalan nila ay manindigan

Tungo sa sistemang matuwid at ang katuwiran ay maigigiit.

Pagningasin po Ninyo ang libong kandilang tatanglaw sa aming landas

Na magsilbing gabay sa aming paglalakbay tungo sa katarungan.

Amen.

Damay at Dangal prayer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa mga dasal at pag-alaala sa mga yumao mula nang mag-umpisa ang pandemya, may performances din mula kina Miah Canton, Arman Ferrer, Rafa Siguion-Reyna, at Gary Valenciano. Kasama rin sa event na ito ang mga broadcast journalist mula sa limang nangungunang network at hosted by Iza Calzado.
PHOTO/S: Damay At Dangal Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results