Andrea Torres, inspirasyon ang 40-year marriage ng magulang

by PEP Troika
May 9, 2021
andrea torres and parents emerita and bobby
Andrea Torres, idolo ang marriage ng magulang na sina Emerita at Bobby Torres.
PHOTO/S: @andreatorres Instagram

GORGY RULA

Natuwa si Andrea Torres na hindi natuloy noong nakaraang linggo ang pagsisimula ng lock-in taping nila sa Legal Wives, dahil makakasama pa niya ang kanyang pamilya at kasama pa rin siya sa ilang selebrasyon nila sa bahay sa mga sumunod na araw.

Pagkatapos niyang i-celebrate ang kanyang kaarawan noong Mayo 4, kasama pa raw si Andrea sa birthday ng kanyang sister, ang Mother’s Day, at sa Mayo 11, Martes na 40th wedding anniversary ng kanyang magulang.

Simpleng selebrasyon at sa bahay lang daw silang buong pamilya, pero thankful si Andrea dahil kasama siya sa mahalagang araw na ito ng kanyang magulang.

Proud si Andrea sa kanyang mommy at daddy na sa 40 years nilang pagsasama ay never daw siyang nakasaksi na nag-aaway.

“Nakakatuwa nga po, mas tumatagal, lalo sila nagiging sweet sa isa’t isa.

“Ang daddy ko po, ayaw kumain nang hindi kasabay si Mommy. Siya rin ang nagpi-prepare ng mga gamot ni Mommy.

Continue reading below ↓

“Si Mommy naman, of course always maalaga and always does extra.

“May mga hirit sila na ‘kala mo nagliligawan pa rin, hehe,” text ni Andrea sa PEP Troika.

Isa ito sa values na natutunan ni Andrea sa kanyang magulang na dala-dala niya hanggang sa kanyang pag-aasawa.

“Minsan, napapag-usapan po namin iyan. Ang sabi nila sa akin, importante raw po talaga na nagbibigayan kayo.

“Example po, pag may misunderstanding… pag mataas ang isa, hindi sasabayan ng isa. Grabe rin po ang respeto nila sa isa’t isa.

“In my 31 years, I have never heard my parents scream at each other. Ni kurot din po, hindi nagawa ng daddy ko sa dommy ko.

“Ideal po talaga ang atmosphere na nabigay nila sa amin. Our house really feels like a home,” pagmamalaki ng Kapuso actress.

Gusto ko sanang ihirit ang love life, na kung handa na ba itong umibig muli, pero nakiusap ang aktres na ang Legal Wives na lang muna ang aming pag-usapan.

Continue reading below ↓

Mas kampante raw siya ngayon sa pagpasok nila sa third cycle ng lock-in taping ng Legal Wives dahil mas mahigpit ngayon ang safety and health protocols na ipinapatupad, para matiyak lang na safe silang lahat.

“Organized yung team. Nasusunod po yung guidelines na diniscuss sa amin kaya we’re very comfortable sa set.

“Dire-deretso lang kami at nakaka-focus po sa trabaho. Nakaka-rest din po lagi nang mabuti, kasi, gusto nila, mataas ang immune system namin.

“This time po, may dalawa kaming tests before going in. We’ll have another swab in the middle of our stay there and before going home, may exit swab din po kami,” saad ni Andrea.

JERRY OLEA

Inamin ni Derek Ramsay na magkaiba sila ni Andrea ng core values, at naging mitsa iyon ng kanilang paghihiwalay.

Heto ngayon si Andrea at ipinagmalaki ang kanyang value formation, mula sa mga magulang na lubos ang paggalang at pagmamahal sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Ang Instagram post ni Andrea ngayong Mother’s Day kung saan may black and white photo sila ng kanyang ina, “No words can truly capture how amazing you are.

“You take whatever role is necessary and all those hats you pull off better than anyone else. It’s a mother’s touch.

“Always the very thing I need at any given moment. What would I do without you Mommy? Happy Mother’s Day!

“It is the greatest honor to be your daughter.”

Nasasabik na tayo sa cultural drama series na Legal Wives kung saan papapel si Andrea bilang Diane, na isa sa tatlong asawa ni Ismael Macadato (karakter ni Dennis Trillo).

Inaabangan din natin kung kailan magiging legal wife ni Derek ang fiancée in na si Ellen Adarna.

NOEL FERRER

Maganda na intact ang pamilya ni Andrea for support, at iyon ang kanyang example sa pangmatagalang relasyon at pagsasama.

Sukatan din talaga ng kabutihan ang pagiging mapagmahal at maalaga sa magulang.

Continue reading below ↓

Sana, pagpalain pa si Andrea. Hindi man siya pinalad sa buhay pag-ibig, makakabawi siya.

Pagpapalain din siya dahil mabuti at mapagmahal siyang tao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres, idolo ang marriage ng magulang na sina Emerita at Bobby Torres.
PHOTO/S: @andreatorres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results