PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Check out ninyo itong mga bagong kantang nalikha dahil sa mga nanay

Nalikha ang "Payakap Inay" mula sa pangungulila sa ina ng lumikha nito.
by PEP Troika
Published May 9, 2021
poppert bernadas, joey benin
Nalikha ni Poppert Bernadas (kaliwa) ang awiting "Payakap Inay" dahil sa pagdadalamhati niya nang yumao ang kanyang ina. Samantalang si Joey Benin na siyang gumawa ng awiting "Forevermore" na pinasikat ng bandang Side A, pagsaludo sa mga ina ang inspirasyon sa likod ng kanyang awiting "Nanay."

GORGY RULA

Isinabay sa pagdiriwang ng Mother’s Day ang promo ng bagong single na pinamagatang "Payakap Inay."

Kanta ito ng theater actor/singer at nag-aartista na rin na si Poppert Bernadas.

Kuwento ni Poppert sa radio program namin sa DZRH, nang pumanaw ang kanyang ina tatlong taon na ang nakaraan, nagsulat siya ng love letters para sa kanyang ina.

Isa ito sa mga ginagawa niya para harapin ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang ina.

Isa sa isinulat niya na pinamagatang "Payakap Inay" ay ginawa nang kanta na nilapatan ng musika ni Toto Sorioso at ini-record sa A Team ni Ogie Alcasid at na-distribute ng Star Music.

Natitiyak ni Poppert na matutuwa ang kanyang ina na nakapag-record na siya ng kanta dahil gusto nito na nakikita siyang kumakanta.

Kaya raw siya sumali sa The Voice of the Philippines dahil request daw iyon ng mama niya na makita siyang kumakanta sa TV.

Kaya sa burol ng kanyang ina ay mistulang nagpa-concert daw siya na halos limang oras daw siyang nagkakanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think iyon ang best performance of my life na buhos na buhos na wala na akong tinira na boses.

“Nanatili kasi yung sakit. Nanatili yung pain na kahit kinakanta ko yan, maya-maya, hagulgol na naman ako, and it’s been three years,” pahayag ni Poppert.

Si Poppert ay isa sa talents under A Team ni Ogie Alcasid, at nagpapasalamat ang singer/actor sa management team ni Ogie dahil natupad ang pag-record ng kantang ito para sa kanyang ina, at pati na rin sa lahat na mga nanay.

NOEL FERRER

Bukod kay Poppert na nakalikha ng magandang awit sa kanyang nanay, heto rin ang batikang Side A member na si Joey Benin, na lumikha ng hitsongs na "Forevermore," "I Believe In Dreams," "Eva Marie," at iba pa.

Nakapaglabas siya ng kantang "Nanay" na accessible na sa YouTube.

Sabi ni Joey, “Salute to all Mothers! You have always been our #1 fan, who always believes in us like no one else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There is no comfort and care that compares to what you give to your children. We love you! #happymothersday2021”

Anak ni Joey sa asawang si Bing ang magaling na singer-composer na si Clara Benin.

Kahit based na sa Bacolod si Joey, at siyang in-charge ng napakagandang lugar na Punong Gary sa Silay, buti naman at nakakagawa pa rin siya ng magagandang kanta.

Pakinggan ninyo ang kanta at siguradong maluluha, mata-touch at mapapayakap kayo sa inyong nanay.

JERRY OLEA

Sa kabila ng pandemya, tuluy-tuloy ang Pinoy artists sa paglikha at paglulunsad ng mga bagong kanta.

DANGER BY Iñigo

Ilu-launch ni Iñigo Pascual ang bagong single niyang "Danger" sa Mayo 14, Biyernes sa iba't ibang digital music services. Ang music video nito ay sa Mayo 21 lalabas.

Ka-collab ni Iñigo sa "Danger" ang Fil-Am Grammy-nominated producer na si DJ Flict, at island reggae group na Common Kings.

Iñigo Pascual Danger

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malamang na maging summer anthem ang kantang "Danger" na tungkol sa pagkakagusto sa isang matapang na babae.

Bago ang "Danger," nag-release si Iñigo ng version niya ng “All Out of Love” ng Air Supply, at nakibahagi sa multi-national song na “Goodbye” ng Korean-American artist na si Annalé kasama ang Brazilian-Japanese guitarist na si Mateus Asato at Malaysian trio na MFMF.

Ang mga international collaboration ni Iñigo sa nakalipas na dalawang taon ay magiging bahagi ng kanyang Options album na ilulunsad sa Hunyo 25.

JAKE SINGS "FIX ME"

Malalim ang hugot ni Jake Zyrus sa bago niyang love song mula sa ABS-CBN Music International na "Fix Me," na available na sa iba’t ibang digital music platforms.

Hatid ng "Fix Me" ang taghoy ng isang tao na nahihirapang tumanggap ng pag-ibig.

Jake Zyrus Fix Me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng depresyon at kawalan ng tiwala sa sarili, ipinapaalala nito na lahat ng tao ay deserving sa pagmamahal.

Isinulat at composed ng Grammy-winning composer na si Kenneth Mackey, Swedish singer-songwriter na si Andreas Moss, at American record producer na si Joshua Bronleewe ang "Fix Me."

Ito na ang pinakabagong kanta mula sa ABS-CBN Music International na may layuning ibida ang natatanging talento ng mga Pinoy sa musika sa buong mundo.

he's into her by bgyo

Dagdag-kilig ang dala ng P-Pop group na BGYO sa fans ng series na He's Into Her ang theme song nito na inawit nila, at kapareho ang pamagat.

Ang BGYO na binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ay isa sa rising stars ng P-Pop music na madalas maging trending topic sa social media.

“The song will make listeners fall in love again,” sabi ni Gelo.

BGYO He's Into Her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang series na He’s Into Her ay pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, at magsisimula sa Mayo 30 sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Very Meteor Garden ang dating ng official trailer ng He’s Into Her, na mahigit 1.7 million na ang views mula nang in-upload noong Mayo 1 sa YouTube channel ng iWant TFC.

Nasa cast din ng He’s Into Her sina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, Joao Constancia, Criza Taa, Ashley del Mundo, at Gello Marquez.

DI MAN NGAYON NI PJ

Tila nanghaharana ang FPJ’s Ang Probinsyano actor na si PJ Endrinal sa bago niyang awitin na pinamagatang "Di Man Ngayon."

Puno ng pag-asa ang bagong Star Pop single na kwento ng isang nagmamahal at naghihintay na siya ay mahalin din ng taong malapit sa kanyang puso.

PJ Endrinal Di Man Ngayon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gabriel Tagadtad ang sumulat ng "Di Man Ngayon" na produced naman ng Star Pop label head na si Rox Santos.

Si PJ ay isang Star Magic artist na napapanood sa longest-running Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Wally Nieves.

LONELY BY DAZE

Open letter para sa mga lalaking ayaw mag-commit ang bagong single ni daze na "Lonely."

Ang R&B single na "Lonely" ay follow-up sa debut single ni daze na "1996" na ini-release last year, at kasama sa upcoming debut EP niya ngayong taon.

Daze Lonely

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“With ‘Lonely,’ I wanted to analyze how men felt about love. It has helped me take their perspective into account and showed me a new understanding that I can apply into my future relationship,” pahayag ni daze.

“Just like women have difficulties trusting, so do men. I hope this song gives a sense of healing from that fear.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nalikha ni Poppert Bernadas (kaliwa) ang awiting "Payakap Inay" dahil sa pagdadalamhati niya nang yumao ang kanyang ina. Samantalang si Joey Benin na siyang gumawa ng awiting "Forevermore" na pinasikat ng bandang Side A, pagsaludo sa mga ina ang inspirasyon sa likod ng kanyang awiting "Nanay."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results