GORGY RULA
Sinagot ng kampo ni Richard Yap ang lumabas na video sa Twitter kung saan sumali siya sa isang community pantry sa Cebu.
Pinik-ap ang tweet ng isang Andrew Summer. Ayon dito, nasa Cogon Ramos sa Cebu raw si Richard at sumali sa isang community pantry. Nagpa-picture daw ang Kapuso actor sa ilang tagaroon at tinanggal pa raw nito ang kanyang face mask.
Sinabi pa sa tweet na nangangampanya na raw si Richard, na tatakbo umanong congressman sa North district ng Cebu.
Nagpadala ng statement si Kate Valenzuela ng KreativDen, ang management group ni Richard Yap.
Nakasaad dito: “Our artist, Richard Yap, recently attended a community pantry in Cebu. While there, people requested to have their picture taken with him, to which he obliged.
“As far as Richard Yap is concerned, contrary to what an online publication reported, the event he attended was not in any way political in nature as he merely accepted the invitation of a friend.”
Nakatakdang gawin ni Richard ang I Left My Heart in Sorsogon kasama sina Heart Evangelista at Paolo Contis. Sa pagkakaalam ko, sa susunod na buwan pa nila ito sisimulan at wala pang playdate.
Kung may balak si Richard na tumakbo sa darating na eleksyon, dapat ay mababakante na siya bandang October, ang schedule ng filing of candidacy. Dapat ay wala na siyang ginagawa sa huling quarter ng taon kung tatakbo nga siya sa 2022.
Pero so far, wala pang pahayag ang Kapuso actor kung balak ba niyang pasukin uli ang pulitika.
Bukod sa KreativDen ay mina-manage din si Richard ng GMA Artist Center. Bukod sa I Left My Heart in Sorsogon, tiyak na meron pa silang nakaplano para sa GMA-7.
NOEL FERRER
Sana makagawa muna si Richard Yap ng magtatatak na project bilang Kapuso bago siya tumakbo muli kung sakali man.
He is a good guy with a kind heart. He can put his celebrity to good use if ever man tumakbo muli siya sa politika.
He tried na before and failed. This time, if ever, sana magwagi na si Papa Chen aka Ser Chief!
JERRY OLEA
Naaliw ako sa tandem nina Richard at Eugene Domingo sa Dear Uge. Kaya nasasabik akong matunghayan ang dynamics ni Richard with Heart Evangelista and Paolo Contis sa I Left My Heart In Sorsogon.
We live in uncertain times. Kung kakandidato mang muli si Richard, abangan natin ang mga susunod kaganapan.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
