Petsa at lugar ng kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, inanunsiyo ng isang simbahan

by PEP Troika
May 12, 2021
Ayon sa marriage banns ng Parokya ni San Guillermo sa Tagaytay, gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa October 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands.
PHOTO/S: Pat Dy / @popoycaritativo on Instagram

GORGY RULA

Lumabas ngayong Miyerkules, May 12, ang marriage banns ng Parokya ni San Guillermo sa Tagaytay.

Kabilang sa ipinost na "Tawag sa Ikakasal" ay ang nakatakdang pag-iisang dibdib ng Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Kalakip ng post ang litrato ni Tom at katabi nito ang ilang impormasyon tungkol sa kanya:

Mr. BARTOLOME MOTT, 33 y/o

Father: William Mott

Mother: Teresita Abinguna

Address: Quezon City

Sa ibaba ng litrato ni Tom ay ang litrato ni Carla, at nakalagay ang mga sumusunod na impormasyon:

Ms. CARLA ANGELINE ABELLANA, 34 y/o.

Father: Reynaldo Abellana

Mother: Ma. Aurea Ingrid Reyes

Address: Quezon City

Sa ibaba nito ay ang petsa ng kanilang kasal: October 23, 2021; at ang lugar na pagkakasalan: Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands.

Tom Rodriguez and Carla Abellana wedding details

Continue reading below ↓

Sa huling check ko sa FB post ng naturang simbahan, mahigit limang libo ang nag-react at may 252 comments. Karamihan sa mga komento ay kinu-congratulate na ang magkasintahan at nakakatuwa raw dahil pinili nilang magpakasal sa simbahan.

Nag-text ako kay Carla at sa manager ni Tom na si Popoy Caritativo para hingan ng pahayag at kumpirmahin ang tungkol sa marriage banns, pero wala pa akong nakukuhang sagot.

NOEL FERRER

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy! Ito na ang kasasapitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

At ang challenge ngayon ay paano maging simple, intimate, unique, at heartfelt ang gagawin nilang seremonya lalo pa’t magaganap ito sa panahon ng pandemya.

Nakakatuwa lang na sumusunod sila sa ganitong ritwal pa rin ng simbahan—ang pag-aanunsiyo ng kanilang wedding details.

Noong sinaunang araw, ang layunin nito ay dalawa:

1. Para masuportahan ang ikakasal ng komunidad in terms of their needs—whether materially or spiritually.

Continue reading below ↓

2. At dahil public, open ito for questioning bago pa man dumating ang takdang araw ng kasal.

Siguro, wala nang sisigaw ng pagtutol. Hindi ito sine o teleserye, totoong buhay na ito.

Pagbati sa mga MOTT!!!

JERRY OLEA

Nasa tamang edad at estado na CarTom.

Nagkalapit sila nang magkasama sa Kapuso primetime series na My Husband’s Lover (Hunyo-Oktubre 2013), na nagtampok din kay Dennis Trillo.

Matagal nang pinaghahandaan nina Carla at Tom ang pag-iisang dibdib.

Ang ex ni Carla na si Geoff Eigenmann ay may tatlo nang anak sa fiancée na si Maya Flores—sina Arabella, Angus, at Penelope Rose.

Masaya tayo para kina Mr. & Mrs.-to-be Mott, at inaasam natin na agad silang biyayaan ng supling!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa marriage banns ng Parokya ni San Guillermo sa Tagaytay, gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa October 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands.
PHOTO/S: Pat Dy / @popoycaritativo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results