PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Love or Money, umaariba sa Netflix Philippines

Pinoy content, umaariba sa Netflix!
by PEP Troika
Published May 17, 2021
Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban, umariba sa Netflix Philippines. Love of My Life na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Coney Reyes, Rhian Ramos, at Mikael Daez, ipalalabas na rin sa May 28!
PHOTO/S: Love or Money / Love of My Life

JERRY OLEA

Love, love, love ng Netflix subscribers ang pelikulang Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

Nanguna sa Netflix Philippines ang Love or Money umpisa Mayo 16, Linggo ng gabi.

Noong Mayo 15, Sabado, nag-umpisa ang Netflix streaming ng nasabing movie na prinodyus ng ABS-CBN Films/Star Cinema.

Ang Love or Money ay isa sa napiling entries ng 1st Summer MMFF na gaganapin sana noong Abril 11-21, 2020. Dahil sa pandemya, naudlot ang nasabing film fest.

Naunang nag-streaming ang Love or Money noong Marso 12 hanggang Abril 6, 2021 sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV PPV, at Sky Cable PPV.

Sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar, ang Love or Money ay kinabibilangan ng cast members na sina Gelli de Belen, Ketchup Eusebio, Cai Cortez, Matet de Leon, Dante Rivero, Teresa Loyzaga at Pinky Amador.

Samantala, mag-i-streaming na ang Kapuso drama series na Love of My Life umpisa Mayo 28 sa Netflix Philippines. Pebrero 3, 2020 nag-umpisang ipalabas sa GMA prime-time block ang nasabing family drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok dito sina Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at Coney Reyes. Si Don Michael Perez ang direktor.

Dahil sa pandemya, natigil ang pag-ere nito, bago nag-rerun. Noong Marso 19, 2021 ito nag-finale. Nasa Netflix Philippines din ang Kapuso shows na Descendants of the Sun PH version at I Can See You (first season).

NOEL FERRER

Ang daming content ang nabibigyan ng second lease para mas ma-appreciate ng iba namang audience kapag ito ay naipapalabas na sa Netflix.

Dito ko na appreciate ang Through Night And Day nina Paolo Contis at Alessandra De Rossi, at Meet Me in St. Gallen nina Carlo Aquino at Bela Padilla. Pawang hindi sila kumita sa takilya pero sinuportahan nang maipalabas sa Netflix.

This weekend lang, ang dami kong kaibigan na nagpadala ng screen shot at film clip ng No Boyfriend Since Birth ng Regal Films kung saan binanggit ako.

Nakakaaliw lang at kahit yung mga hindi ko nakikita nang matagal na ay puma-punchline ng “Close kami ni Noel Ferrer!” iconic line ni Direk Joey Reyes. Naks!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Give the film a chance and let me know kung close tayo talaga... and yes, give the other Pinoy movies and TV shows on Netflix a second look—like Love Or Money and Love of My Life.

Kahit dito man lang, maaliw tayo sa mga ganap sa bahay lalo pa’t sobrang init na naman!!!

GORGY RULA

Napanood ko na itong Love or Money sa iWant TFC. Hindi ako gaanong na-impress. Parang nakulangan kasi ako, lalo na sa akting nila na napakagaling pa naman nilang lahat.

Kay Angelica Panganiban lang ako natuwa, dahil consistent siya sa role na ginagampanan niya. May ilang pa-action sila na eksena na ewan ko kung napakialaman yun ni Coco Martin dahil medyo bitin at limitado ang pagkuha sa action scenes.

Ewan ko lang, kasi parang basta na lang nila ito tinapos.

Pero kung natuloy yun sa Summer Metro Manila Film Festival noong 2020, baka isa itong Love or Money sa wagi sa box-office.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, bukod sa Love of My Life ng GMA Telebabad, marami pang programa ang inaasahang mapapanood na rin sa Netflix.

May mga nagtu-tweet sa aking ilang fans ni Julie Anne San Jose na hopiang-hopia silang mapapanood din daw nila ang Heartful Café sa Netflix. Parang K-drama ang dating ng Heartful Café na sana raw ay mapapanood din sa Netflix.

Pero sa ngayon ay tuluy-tuloy pang napapanood sa GMA-7 ang Heartful Cafe, at guests sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Siyanga pala, isa pang nasagap namin mula sa reliable source, sa September na raw talaga ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano (Brothers ang title sa Netflix).

Ikinakasa na raw ang last cycle ng taping na mukhang hanggang July ang taping nila. Tuluy-tuloy rin kayang mapapanood itong FPJ’s Ang Probinsyano sa Netflix?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban, umariba sa Netflix Philippines. Love of My Life na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Coney Reyes, Rhian Ramos, at Mikael Daez, ipalalabas na rin sa May 28!
PHOTO/S: Love or Money / Love of My Life
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results