PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz, Paolo Contis plan to visit Caridad Sanchez

John Lloyd at Paolo, nagbalik ang komunikasyon sa isa't isa.
by PEP Troika
Published May 17, 2021
Isa sa balak ng magkaibigang sina John Lloyd Cruz (kaliwa) at Paolo Contis (kanan) kapag nagkita silang muli ay ang dalawin ang dating co-star nila sa Tabing Ilog na si Caridad Sanchez (gitna).
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Isa sa natuwa sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz ay ang best friend at dating kasamahan sa Tabing Ilog na si Paolo Contis.

Noong nagpahinga si Lloydie sa pag-aartista ay natigil din ang komunikasyon nila ni Paolo.

Muli silang nagtawagan at nagpalitan ng mensahe sa Viber noong nagsisimula nang magkainteres si Lloydie na bumalik sa pag-aartista.

Bahagya raw nilang napag-usapan ang pagpapa-manage ni John Lloyd sa talent management company ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management (CAM). Pero tama raw na meron talagang mag-aalaga sa career ng kaibigan.

Napapadalas na raw ang pagti-text nila nang nagsimulang mag-shoot si John Lloyd sa pelikulang Servando Magdamag, na idinirek ni Lav Diaz. Dapat ay magkikita na raw sila pero hindi nagtatagpo ang kanilang schedule.

Sabi ni Paolo, minsan ay nauubos ang araw niya sa self-quarantine bago siya bumalik sa taping ng Bubble Gang at All-Out Sundays.

Ang gusto sana ni Paolo ay magkita sila ni John Lloyd bago siya isalang sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon with Heart Evangelista and Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka next week, magkikita na kami,” text ni Paolo sa akin.

Ang isa sana sa balak nilang gawin ay dalawin si Tita Caridad Sanchez na close sa kanilang dalawa. Naplano na nila noon na dalawin ang veteran actress pero nabalik lang daw tayo sa ECQ kaya naudlot na naman.

“Sana matuloy na kami next week,” sabi pa ni Paolo.

Nakasama nina Paolo at John Lloyd si Tita Caridad sa dating youth-oriented drama ng ABS-CBN na Tabing Ilog.

JERRY OLEA

Kaytamis ng ngiti ni Tita Caridad Sanchez nang matanggap ang tropeyo niya bilang isa sa Icons awardees ng 4th Eddys.

Caridad Sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Eddys 2021 ay nag-streaming noong Abril 4, Easter Sunday, sa FDCP Channel. Magkatuwang dito ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) at FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Siguradong pagkatamis-tamis din ng ngiti ni Tita Caridad kapag dinalaw siya nina John Lloyd at Paolo!

NOEL FERRER

Nakaka-miss si Tita Caridad Sanchez at oo, pati na si JLC.

Sana nga, matuloy ang pagdalaw nila sa veteran actress na nami-miss na rin ng marami.

Speaking of Tita Caring, isa rin iyan sa mahal na artista ni Ate Guy na magbi-birthday na sa Mayo 21, Biyernes.

Excited tayo na makagawa sila ng mga passion projects at susubaybayan natin ang mga ito!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa balak ng magkaibigang sina John Lloyd Cruz (kaliwa) at Paolo Contis (kanan) kapag nagkita silang muli ay ang dalawin ang dating co-star nila sa Tabing Ilog na si Caridad Sanchez (gitna).
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results