PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor namigay ng ayuda sa kanyang 68th birthday

Ano ang birthday wish ng original Superstar?
by PEP Troika
Published May 21, 2021
Namigay ang Superstar na si Nora Aunor ng bigas, itlog, at gulay sa mga taga-San Roque St., Barangay Bagumbayan, Eastwood, Quezon City, sa mismong kaarawan niya ngayong May 21.
PHOTO/S: Courtesy of Rodel Fernando

GORGY RULA

Idinaan sa community pantry at pamimigay ng ayuda ang selebrasyon ni Nora Aunor ng kanyang 68th birthday ngayong Mayo 21, Biyernes.

Sinimulan ito ng Superstar noong Miyerkules, Mayo 19, kung saan ay inuna muna niya ang mga lolo at lola sa Emmaus House of Apostolate at sa Tahanang Mapagpala Home for the Aged sa Malolos, Bulacan.

Namigay roon si Ate Guy ng biscuits, kape, alcohol, adult diapers, at disinfectant cleaner.

Kinabukasan, Mayo 20, ay mga batang cancer patients naman sa Child Haus sa Maynila ang dinalaw niya at binigyan ng diapers, gatas, at vitamins.

Ngayong Mayo 21, sa mismong kaarawan niya, ay may community pantry siya sa San Roque St., Barangay Bagumbayan, Eastwood, Quezon City.

Namigay ang award-winning actress ng bigas, itlog, at gulay sa mga tagaroon. Dinagsa si Ate Guy ng mga matatanda na obviously mga fans niya.

Mabuti raw at nakipag-coordinate sila sa barangay kaya maayos ang pamimigay ng ayuda at nasunod ang safety protocols na ipinatutupad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Disiplinado raw kasi ang mga tagaroon, at hindi sila nagkakagulo at sumusunod sa mga taga-barangay na nagbabantay.

Masaya ang original Superstar kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan dahil ayaw raw niyang maghanda pa.

“Sa totoo lang, ayoko na mag-celebrate pa ng birthday ko. Mas gusto ko yung makapag-share kahit konti sa mga tao. Kaya sobrang gusto ko ‘tong ginagawa kong outreach.

“Kung marami lang sana akong pera, mas madami pa sana matulungan.

“Mas memorable ang birthday ko kapag gumagawa ako ng ganitong kawanggawa,” pahayag ni Ate Guy sa panayam sa kanya sa community pantry niya sa Bagumbayan, QC.

Sa totoo lang, hindi lang sa ganitong pagkakataon nakikita ang pagiging matulungin ni Nora, kahit sa trabaho.

Halos lahat ng staff ay may kuwento kung gaano kagalante ang Superstar sa mga staff. Basta may pera raw ito, lahat ay pinapakain niya at inaabutan pa ng tulong ang ibang staff.

Ang gusto lang iparating ni Nora sa mga sumusuporta sa kanya, “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagmamahal sa akin dito at sa buong mundo, na kaisa ko rin sa aking mga proyekto, at hindi nila ako iniwan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kilala natin si Ate Guy na mapagbigay at tumutulong talaga sa kapwa niyang nangangailangan. Kaya nasa naturalesa niya ang pagbabahagi sa mga kapos sa buhay.

Hindi rin ako magtataka kung may malaking platform na pagtulong sa kapwa pa siyang magagawa sa hinaharap. Puwedeng elective office or puwedeng party list. Susuportahan ko siya!

Pero isa pang wish natin ay tanghalin na siyang National Artist para ang mga ganitong protekto sa ngalan ng sining ay puwedeng may pondo galing sa kanyang well deserved na parangal!

Happy Birthday sa ating nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor!

JERRY OLEA

Nabalitaan nating organized ang birthday pantry ni Ate Guy, at tumalima ang mga tao sa social distancing.

Super-coordinated sa barangay ang kanyang pa-community pantry, maski itanong pa ninyo kay Brgy. Capt. Alex V. Cruz, at kay John Rendez na sumuporta sa nasabing project.

Nora Aunor

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nora Aunor with John Rendez and Brgy. Capt. Alex V. Cruz

Ano kamo ang birthday wish ni Ate Guy?

“Wala akong wish kundi sana, maging masaya ang lahat, magwakas na po ang pandemyang nararanasan natin ngayon,” tugon ni Ate Guy.

“Masaya po ako dahil sa dami ng mga nagmamahal sa akin.”

Nakibalita kami kay Direk Adolf Alix Jr. kaugnay sa latest movie ni Ate Guy na Kontrabida.

“Currently in post-production po,” sabi ni Direk Adolf nitong Biyernes ng hapon via Messenger.

So far, hindi pa masabi kung saan at kailan ipapalabas ang Kontrabida.

Inaasam ni Direk Adolf na maipalabas ito sa mga sinehan, maging iyong isa pang movie ni Ate Guy na idinirek niya, ang Laro (na meron pang eksenang kailangang kunan).

“May hinihintay lang po kaming crucial location na payagan kaming mag-shoot because last time po, hindi pumayag,” pahayag ni Direk Adolf.

“Inabot lang po ng pandemic but we were discussing na po with Ate Guy. Schedule and timing na lang po given the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But this year po, hopefully, we will be able to do it. Important po kasi iyon sa story.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namigay ang Superstar na si Nora Aunor ng bigas, itlog, at gulay sa mga taga-San Roque St., Barangay Bagumbayan, Eastwood, Quezon City, sa mismong kaarawan niya ngayong May 21.
PHOTO/S: Courtesy of Rodel Fernando
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results