PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy actors stalk hunky Spanish actor on Instagram

Ang Spanish actor ay bida sa isang mapangahas na Netflix series.
by PEP Troika
Published May 23, 2021

JERRY OLEA

Instant crush ng isang mahinhing showbiz bading ang yummylicious pogilicious na Kastilang aktor na tampok sa isang mapangahas na Netflix series.

Sinilip kaagad-agad ng mahinhing showbiz bading ang Instagram ng 22-anyos na Kastilang aktor.

Naispatan ng mahinhing showbiz na kabilang sa 5.6M followers ni Kastilang actor ang ilang kilalang Pinoy personalities—kabilang ang isang seksing aktres, isang multi-awarded director, isang metikulosong photographer, isang mahusay na make-up artist, at limang bortalicious actor.

Masipag mag-like sa IG posts ng Spanish actor ang limang Pinoy actors, na pawang matalinhaga ang mga ngiti.

Tili ng mahinhing showbiz bading na sakalam ang pang-amoy: “Eureka Uranus! Naunahan pa ako ng limang hitod sa pag-follow kay Papa!”

NOEL FERRER

I saw this particular post at hindi lang ang kilala nating mahinhing showbiz bading ang nahumaling dito, pero pati na rin ang isang mapanuring reporter na pak sa online world.

For a while, hindi ko naintindihan kung bakit may tatlong Kapamilya at dalawang freelance actors silang pinagsasalit-salit sa kanilang pag-uusap tungkol sa Espanyol na aktor, yun pala ay mga karibal nila sa pagnanasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Prepared naman ako sa ibang nabanggit maliban sa isang galing sa prominent political family, at yung isang bagong leading man na, ano yun, natuluyan na lang from his roles? Hehehe!

The IG stalkings make this item truly juicy and interesting.

GORGY RULA

Sa totoo lang, tila may sariling hukbo ng pananampalataya itong bortalicious actors na ito. Nagkakaintindihan sila at nagsusuportahan sa kanilang hilig.

Ang lagay, e, tayo-tayo lang ang nag-e-enjoy sa ating lahi? Siyempre, sila rin!

Baka mas masaya at makulay ang mga ginagawa nila kapag nagkikita-kita sila, di ba?

Kagaya nitong guwapo at medyo lelembot-lembot na aktor na matagal nang pinagdududahang badikla.

Nakasabay niya sa isang guesting ang hunkylicious actor na maraming kuwentong patola sa mga bading.

Kapansin-pansing masaya silang nagtsitsikahan sa dressing room habang hinihintay mag-start ang taping ng TV program. Ilang sandali, nawala sa dressing room si lelembot-lembot na aktor.

Maya-maya, nagpaalam si hunkylicious aktor na magsi-CR lang. Hanggang hinahanap na silang dalawa para sa taping…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkalipas ng mahigit 30 minutes ay saka sila nakabalik.

Kung anu-ano ang naglaro sa isip ng mga kabadingan kung saan sila nanggaling, at ano ang pinagkaabalahan nila sa mahigit 30 minutes nilang pagkawala.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results