Michael V at Manilyn Reynes, inanunsiyo ang season finale ng Pepito Manaloto

by PEP Troika
May 25, 2021
Michael V on helming a prequel for Kapuso sitcom Pepito Manaloto: "We have to step back and reassess kung ano ang puwedeng gawin dito sa situation na ito. We’ve come up with something better and that would be the next book or the next chapter ng Pepito."

GORGY RULA

In-announce nina Michael V at Manilyn Reynes ang pagtatapos ng season ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.

Mapapanood ang finale nito sa Mayo 29, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Nakausap namin sa isang virtual mediacon sina Bitoy at Mane ngayong Martes, Mayo 25.

Inamin nilang mahirap talagang itawid ang isang sitcom kagaya nitong Pepito Manaloto sa panahon ng pandemya.

Sabi ni Nichael V, "Nung nag-start ang pandemic, aminin ko, nahirapan talaga kami and we have to find ways para to keep with the times, and at the same time makapagbigay ng quality entertainment sa audience."

Dagdag na pahayag ni Manilyn, "Alam naman natin na mahirap talaga ang taping nitong mga nakaraang months or a year.

"Happy pa rin naman kami na kahit papaano, ang mga tao, hindi bumibitaw. Nandiyan pa rin sila simula noon hanggang ngayon na nakakapagbigay kami ng entertainment sa panahon na ito."

Sabi pa ni Bitoy, "We have to step back and reassess kung ano ang puwedeng gawin dito sa situation na ito. We’ve come up with something better and that would be the next book or the next chapter ng Pepito."

Continue reading below ↓

Dito nilinaw ni Michael V na bahagi pa rin siya sa susunod na programa ng GMA-7.

Ipapalit muna ang Unang Kuwento na prequel ng Pepito Manaloto. Ilalahad kung paano nagsimula ang pagmamahalan nina Pepito at ni Elsa, na ginagampanan nina Michael V at Manilyn.

Pepito Manaloto cast

Pero hindi muna nila ibinigay ang buong detalye ng ipapalit na programa. Hindi pa alam kung sinu-sino ang gaganap na young Pepito at young Elsa.

Continue reading below ↓

Malaki ang koneksiyon nito para makatawid sa kuwento ng susunod na book ng Pepito Manaloto. Mas mabuting abangan na lang sa darating na Sabado kung ano ang magiging finale ng Pepito Manaloto.

Ano nga ba ang ending nito?

Saad ni Bitoy, "Without spoiling anything, you will be glad na mapapanood niyo eto, kasi…natutuwa ako sa GMA dahil pinalabas nila iyung Super Stream ng Pepito Manaloto.

"It will help a lot iyung audience para mas maintindihan iyung takbo ng istorya ng daigdig ni Pepito Manaloto.

"Sa lahat na sumubaybay talaga since day one, I’m pretty sure, ma-gets nila itong season finale na ito, and it’s also a great way to prepare for the next chapter."

Ipinalabas sa YouTube Super Stream ng GMA-7 ang buong kuwento ng Pepito Manaloto. Kaya sa mga nakapanood nito, hindi sila maliligaw kapag mapanood nila ang ending nito.

Abangan natin iyan sa darating na Sabado.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Naiintindihan ko si Bitoy. Galing sa isang dumaan sa COVID-19, alam niya ang hirap na pinagdaraanan ng mga taga-creative at production ngayong pandemya.

I think yung desisyon niya to temporarily let go of Pepito Manaloto is a decision prioritizing his safety and to control the stress since sa papalit na programa ay parte naman siya sa creative, pero wala na ang physical burden para maging present sa taping.

Excited din ako sa pinare-renovate na bahay nina Bitoy dahil diyan usually nagaganap ang aming nga huntahan at videoke nights.

Kailan kaya ulit mangyayari ito?

JERRY OLEA

Nabalitaan natin noong Marso na ayaw munang mag-renew ni Michael V ng kontrata sa GMA.

Naulinigan nating tatapusin na ang Pepito Manaloto: Kuwento! Kuwento!, na ipinag-alala siyempre ng ibang cast members.

Pero bibigyan daw ng bagong show ang co-stars ni Bitoy.

Noong Marso ay nakalabing-isang taon na ang Pepito Manaloto. Meron bang clamor para sa prequel nito?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V on helming a prequel for Kapuso sitcom Pepito Manaloto: "We have to step back and reassess kung ano ang puwedeng gawin dito sa situation na ito. We’ve come up with something better and that would be the next book or the next chapter ng Pepito."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results