PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dear Uge ni Eugene Domingo may bagong format

Direktor ni Eugene Domingo sa Instant Mommy na si Leo Abaya, pumanaw na.
by PEP Troika
Published May 26, 2021
Isang magandang balita ang hatid ni Eugene Domingo (kaliwa) dahil balik-taping na siya para sa all-new episodes ng kanyang weekly comedy anthology na Dear Uge; malungkot naman ang balitang pumanaw na ang production designer, director, at visual artist na si Leo Abaya (kanan), na naging direktor ni Uge sa pelikulang Instant Mommy.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Ipinasilip ni Eugene Domingo ang kanyang bagong hairstyle sa maikling video clip noong Mayo 16, Linggo, sa Instagram.

Noong Mayo 20, Huwebes, ay nag-post siya sa IG ng BTS (behind-the-scenes) photos sa set ng comedy anthology niyang Dear Uge Presents.

Caption niya, "Watch out for #DearUge fresh na fresh episodes! We are always happy to resume. #TheMostFlexible show in the planet! Ty Lord. Simula May 30 sa GMA. #StaySafe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa all-new episodes at exciting lineup ng celebrity guests sa Dear Uge umpisa sa Linggo ng 3:35 p.m., may bagong format ang programa.

Waley na ang tindahan ni Uge. Sa halip ay may iinterbyuhin na resource person ang comedienne-host.

Ani Eugene, “Ang nakaka-excite naman sa akin dito bilang artista ay meron akong resource person but let's not take our guest seriously, ha?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comeding-comedy tayo rito. Kasi, dito naman… kung sa dating kuwentuwaan, I play different characters sa cameo roles…

"Dito naman sa ating bagong format ay I play different characters as the resource person na ini-interview ni Dear Uge.”

Sa kabila ng mga pagbabago sa show, patuloy pa rin ang Dear Uge sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw na kuwento na kapupulutan ng aral.

“But definitely, the stories are funnier and the format is funnier. Lahat naman nito, gusto namin dahil nakaka-entertain.

“Iyon talaga'yung gusto namin, matuwa ang loyal viewers at ma-entertain. We're still here to make you all very happy every Sunday,” sabi pa ni Eugene.

GORGY RULA

True na flexible ang Dear Uge dahil ilang beses na itong na-reformat. Pero kailangan para maka-adjust sa bagong normal na maraming bawal at kailangan pa rin talagang mag-ingat.

Naka-3.8% ang rating ng Dear Uge noong nakaraang Linggo, Mayo 23, kung saan tampok sina Thea Tolentino at David Licauco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Replay episode pa ito, kaya kailangan talaga ng bago para may bagong papanoorin kay Eugene Domingo.

Malaking challenge ito sa kanya na sana, swak sa ating mga manonood.

Tama rin yung sinasabi niyang komeding-komedi. Kailangan pa ng mga nakakatawang panoorin at kering-keri iyan ni Uge.

NOEL FERRER

Pero katulad ng dalawang mukha ng showbiz, I’m sure, sa gitna ng saya ni Uge sa new episodes ng Dear Uge, nagdadalamhati siya sa pagyao ng direktor at kaibigan na si Leo Abaya, na nagdirek ng kanyang Cinemalaya 2013 film na Instant Mommy.

Kilala si Uge sa pagbasbas ng husay at suporta sa pinaniniwalaan niyang makaaangat ng kanyang sining, at isa si Leo Abaya doon— isang propesor sa UP, manlilikha, production designer, writer, at director.

Ikinalulungkot ko rin ang pagyao ni Leo dahil siya rin ang nagdisenyo ng aming first ever SUDI National Music Awards. Isang importanteng bahagi siya ng buhay sining at disenyong biswal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming salamat, at nakikiramay tayo sa mga kaanak at kaibigan ni Leo Abaya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang magandang balita ang hatid ni Eugene Domingo (kaliwa) dahil balik-taping na siya para sa all-new episodes ng kanyang weekly comedy anthology na Dear Uge; malungkot naman ang balitang pumanaw na ang production designer, director, at visual artist na si Leo Abaya (kanan), na naging direktor ni Uge sa pelikulang Instant Mommy.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results