JERRY OLEA
Bonggang-bongga sa ratings ang First Yaya ng GMA-7. Laging 20%+ ang rating nito sa AGB Nielsen, kaya madalas (o lagi?) na ito ang first sa Top 20 programs of the week.
Akala natin ay mae-extend ito indefinitely dahil sa pag-ariba sa ratings, kaya nagulat tayo nang mag-last taping day na ito noong Mayo 24, Lunes.
Papalitan ba ito ng cultural drama series na Legal Wives?
So, hindi si Sanya Lopez o Yaya Melody ang magpapataob kay Cardo Dalisay (Coco Martin) ng FPJ’s Ang Probinsyano.
If ever, ang magpapatumba kay Cardo ay ang tatlong asawa ni Ismael (Dennis Trillo) na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).
At any rate, isa na namang malaking sagupaan ang haharapin ni Cardo at ng Task Force Agila sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa pagbabalik ni Cardo kasama ang bihag na si Lia (Jane de Leon) sa hideout nila ng Task Force Agila, patuloy na malalagay sa panganib ang buhay niya.
Ibinunyag kasi ni Lito (Richard Gutierrez) ang kanilang kinaroroonan kay Renato (John Arcilla), ang mortal na kaaway ni Cardo. Umaatikabo ang kanilang pagtutuos!
Patuloy na kumakapit ang mga manonood sa maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano matapos nitong magtala ng pinakamaraming viewers apat na beses ngayong Mayo sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Nitong Mayo 25, Martes, nakakuha ng all-time high na 120,256 peak concurrent viewers ang episode nito.
Subaybayan ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.
Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
NOEL FERRER
At this point na parehong may following ang FPJ’s Ang Probinsyano at First Yaya, masaya tayo na marami pa ring sumusubaybay sa bagong contents sa TV, sa panahong palasak ang reruns at replays. Tapos, may digital meter pa rin.
Sana naka-input din ang growing online followers ng TV shows, ha?!
And the very promising Legal Wives ba ang makakatapat eventually ng The Broken Marriage Vow nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez?
Aabangan natin iyan!
GORGY RULA
Ginagawan ng paraan ng FPJ’s Ang Probinsyano na mapanood sila sa iba pang digital platforms.
Ipinost ni Lorna Tolentino sa kanyang Instagram ang plug ni Coco Martin na pinu-promote na napapanood ang teleserye nila sa Kapanilya online live, sa You Tube, Facebook, at sa iba pang streaming platforms para sa mga Kapamilya sa ibang bansa.
Pero hindi kaya dapat na ring tapusin na itong kuwento ni Cardo Dalisay?
Ang dami nang nagpaparating sa akin ng mensahe na may "sawa factor’"na itong teleserye ni Coco. Sana tapusin na raw at palitan ng bago.
Nang ibinalita namin sa aming radio program sa DZRH ang finale ng Pepito Manaloto sa darating na Sabado, Mayo 29, pagkalipas ng labing-isang (11) taon, may mga nag-comment na bakit hindi na lang daw ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Cardo Dalisay ang tapusin at huwag muna si Pepito Manaloto.
Samantala, ang dami pa ring naaaliw sa group picture ng First Yaya ladies na naka-swimsuit sila. May mga nagsasabing bakit hindi raw sumali si Sanya Lopez sa Miss Universe Philippines.

Nakita ko sa isang TikTok post na nagpaparating ng mensahe si Pia Wurtzbach kay Sanya na willing siyang mag-train sa Kapuso actress kung gusto nitong sumali sa Miss Universe Philippines.
Sabi ni Pia sa kanya, “Whenever you’re ready, we’re here waiting for you. Kung gusto mong mag-train, kung gusto mong sumali, alam mo na kung sino ang lalapitan mo.
“Would be happy, happy, happy to help you.”
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
