Sharon Cuneta na-depress dahil di natuloy sa Hollywood film ni Jo Koy

by PEP Troika
May 28, 2021
Sharon Cuneta sa tsismis na sinasaktan daw siya ni Senator Kiko Pangilinan: "A lot of the fake news are politically motivated. Dahil malapit na naman ang eleksyon. Tatakbo ang asawa ko with my full support… Kiko never hurt me! He cannot hurt me!"
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

NOEL FERRER

Nag-IG Live si Sharon Cuneta nitong Mayo 28, Biyernes ng hapon (1:21 a.m. sa Amerika).

Nilinaw ng Megastar ang mga balitang naglabasan tungkol sa pag-alis niya papuntang Los Angeles, California.

Tsismis 1: Umalis siya dahil sinasaktan siya ng asawang si Kiko Pangilinan.

Sabi ni Sharon, “Ang asawa ko, ni dulo ng darili niya, hindi dumadapo sa akin para saktan ako.”

Tsismis 2: Na kaya siya sinasaktan, dahil may boyfriend si Sharon na mas bata sa kanya. Cougar?!

Sagot ni Sharon, “Kung si Keanu Reeves iyan o any member, any NCT or Shinee member, pero hindi po talaga. Wala po talaga!”

Tsismis 3: Na buntis na naman si Mega.

Ito ang pinagtawanan ni Sharon nang todo! Kahit si Kiko, di makapaniwala.

“Hindi na ako 30s, 55 na ako! Ok na kami kay Miguel,” sabi ni Sharon.

Ngayong she is in a happier place and a better position, nagkuwento na si Shawie sa pinagdaanan niya… na binigyan ng napakaraming interpretasyon ng mga tao.

Continue reading below ↓

Just to set the record straight, inamin ni Sharon na dumaan siya sa depression.

Kuwento niya, “I was coming to Hollywood for a film for cinematic release with Jo Koy. I was gonna play his Tita Therese na supportive sa kanyang career as a stand-up comedian from the start.

“I was to fly to LA but when I had my swab in preparation for my flight to LA then to Canada where shooting will be held, I tested positive for COVID.”

Hindi pa raw makapaniwala si Sharon sa resulta dahil sa mga susunod na tests, mga pito raw na iba’t ibang lab companies, negative na raw ang resulta ni Sharon.

Dagdag ni Sharon, “It broke my heart. It breaks my heart that I lost the chance of being in a film with an all-Filipino team with Jo Koy, with Steven Spielberg as the producer.

“I licked my wounds here. Para akong namatayan. Na-depress siya hangga’t I felt kailangan ko lang palipasin ang sama ng loob, so I had to fly here.”

Continue reading below ↓

We feel for Sharon, sabi nga ng asawa niya na si Senator Kiko, marami pang opportunities at blessing na darating sa Megastar.

At sinabi nga ni Shawie na she is in talks with her manager in the U.S. and they are about to start a production company!

All the best, Shawie!

GORGY RULA

Sabi nga ni Senator Kiko Pangilinan, cliché man, pero totoo raw na “when He closes the door, He opens a window. Many windows are now being opened for you.”

Patuloy ang pagdarasal nila kay Sharon na may akma talagang trabahong ibibigay sa kanya ng Diyos.

Kaya mukhang magtatagal pa raw siya roon dahil may mga inaayos na possible show roon dahil unti-unti nang bumabalik ang dating normal.

May ilang inquiries na raw kay Sharon, at inaayos na ito ng kanyang team.

“My team in the Philippines is now trying… because some places here, some venues, like casinos, other performance venues, have already got in touch with my team. Medyo we are slowly getting back to normal here in the States,” ani Sharon.

Continue reading below ↓

Parang halos normal na raw doon, pero nag-iingat pa rin ang mga tao at sumusunod sa ipinapatupad na safety protocols.

Nawindang man siya sa pagkawala ng Jo Koy project sa kanya, naniniwala siyang meron talagang ibang plano sa kanya ang Diyos.

Niyaya na ni Sharon na pumunta roon sa Amerika si Senator Kiko, pero marami pa itong ginagawa rito.

Pero meron silang nilu-look forward na isang malaking event ng pamilya, kaya inaasahan niyang magkita-kita sila roon, na magkakatipon silang pamilya.

Nakikita namang ang saya-saya ng mukha ni Shawie sa pag-uusap nila ni Senator Kiko sa IG live.

JERRY OLEA

Napunta kay Tia Carrere iyong role sana ni Ate Shawie sa Jo Koy movie.

Pahayag pa ni Mega, “A lot of the fake news are politically motivated.

“Dahil malapit na naman ang eleksyon. Tatakbo ang asawa ko with my full support…

“Kiko never hurt me! He cannot hurt me! It’s a move para siraan ang asawa ko. Ang tiwala namin, nasa Panginoong Diyos.”

Continue reading below ↓

Naaawa si Sharon sa asawa, na patuloy na ginagawan ng mga paninira.

“Wala po kaming kinita sa politika,” pagdidiin ni Sharon.

“Maraming naninira, maraming nagugutom at di naalagaan. Sana imbes na manira, magsilbi na lang sila ng maayos sa mga Pilipino.

“Sana, ang mga tao namumulat na sa mga nangyayari…

“Lahat ng ginagawang masama, babalik at babalik sa gumagawa.

“Hindi kami papayag na sirain ang asawa at pamilya ko.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta sa tsismis na sinasaktan daw siya ni Senator Kiko Pangilinan: "A lot of the fake news are politically motivated. Dahil malapit na naman ang eleksyon. Tatakbo ang asawa ko with my full support… Kiko never hurt me! He cannot hurt me!"
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results