ABS-CBN stars Pokwang, Beauty Gonzalez, Ejay Falcon lilipat na sa GMA-7?

by PEP Troika
Jun 3, 2021
Wala pang kumpirmasyon ngunit maugong ang balitang mapapanood na sa Kapuso network ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Pokwang, Beauty Gonzalez, at Ejay Falcon.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Walang sagot ang manager at ilang taong involved sa ilang dating Kapamilya stars na ngayon ay pinag-uusapang tatawid na sa Kapuso network.

Nagsimula ito sa post ni Pokwang, na naka-finger heart, na kuha sa GMA-7 noong Miyerkules, Hunyo 2. Nag-comment pa si Carla Abellana na wini-welcome siya.

Meron ding isang kuha na kasama niya si Katrina Halili sa isang taping noong araw na iyon.

Continue reading below ↓

Pokwang with Kapuso star Katrina Halili

Ang nasagap ng PEP Troika, nag-guest si Pokwang sa isang Kapuso comedy show, at meron din siyang nakatakdang taping sa isang weekly drama anthology. Pero wala pang kinukumpirma ang ilang napagtanungan namin.

Ang isa pang nabalitaan namin ay iha-handle na raw ng GMA Artist Center si Pokwang. Pero wala ring sagot ang ilang taga-GMAAC na napagtanungan ko.

Continue reading below ↓

Bukod kay Pokwang, napabalitang magiging Kapuso na rin daw si Beauty Gonzalez. Isasama raw siya sa isang drama series, pero hindi pa ito nakumpirma sa amin.

Napag-alaman namang kasama sa cast si Sid Lucero sa The World Between Us. Pero sa totoo lang, patawid-tawid naman si Sid at marami na rin siyang nagawa noon sa Kapuso network.

Nasagap din ng PEP Troika na magiging bahagi naman daw si Ejay Falcon sa isang afternoon drama ng GMA-7. Wala ring sagot dito ang manager niyang si Perry Lansigan.

Kapag kasi walang denial o confirmation, puwedeng totoo, di ba?

Kaya may nakikita na kaming post sa TikTok na inilalatag na ang mga dating Kapamilya na magiging Kapuso na raw. Bukod sa mga nabanggit, nandoon din sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at pati si Piolo Pascual.

Matutuloy kaya silang lahat?

JERRY OLEA

Ayon sa source na nakausap ko, isang TV project lang ang in-offer kay Ejay Falcon—hindi kontrata sa network.

Continue reading below ↓

Nagtrabaho na si Ejay sa TV5, sa Christmaseryeng Paano Ang Pasko? (na ang Book 2 ay Paano Ang Pangako?), kung saan tampok din si Beauty Gonzalez.

Kung wala pang seryeng maibigay ang ABS-CBN para kina Ejay at Beauty, OK lang na magtrabaho muna sila sa Kapuso Network.

Di ba, noong 2018 ay kumalat ang haka-hakang magiging Kapuso na si Beauty matapos ang seryeng Pusong Ligaw? Nag-guest pa ang aktres sa Celebrity Bluff.

Pero bumalik si Beauty sa ABS-CBN, at ginawa ang Kadenang Ginto with Dimples Romana and the Gold Squad (KyCine at SethDrea).

Sabi ng Kapuso insider, kasama si Beauty sa cast ng isang bagong drama series ng GMA-7.

Naglaro si Pokwang sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! noong Hunyo 20, 2020, bago nagkaroon ng dalawang programa sa TV5—ang Fill in the Bank at Chika, BESH!

Tigok ever na ang dalawang programa ni Pokwang sa Kapatid Network. Kung wala pa ring mai-offer sa kanya na work ang ABS-CBN, keribels na maging Kapuso muna siya.

Continue reading below ↓

Ano kaya kung pagsama-samahin sina Pokwang, Ai-Ai delas Alas, at Eugene Domingo sa isang project ng GMA-7?

Sa Hunyo 6, Linggo ng 2:00 p.m., ay mapapanood si John Lloyd sa GMA Network kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Ito ay para sa TV special na 6-6 Shopee Super Mega Fiesta, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

NOEL FERRER

Survival—that is the name of the game.

Wala namang masama roon. Basta mapanatili ng mga artistang ito ang kanilang premium at maipagmamalaki nila ang kanilang ginagawa, walang kaso kung anong kumpanya o network ang kanilang pagsisilbihan.

Siyempre, dapat ay wala silang sabit sa kahit anumang kontrata, at wala silang masamang masasabi sa kanilang pinanggalingan.

Tama ang kasabihan na, “Hindi lahat ng tumatawid, namamatay!”

Basta mag-iingat lang lagi, magpakabait at magpakahusay!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang kumpirmasyon ngunit maugong ang balitang mapapanood na sa Kapuso network ang Kapamilya stars na sina (mula kaliwa) Pokwang, Beauty Gonzalez, at Ejay Falcon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results