PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla Kapamilya actor Agimat Ng Agila

Sen. Bong Revilla, kinumpirma na may Book 2 ang Agimat Ng Agila sa GMA-7.
by PEP Troika
Published Jun 19, 2021
Kinumpirma ni Senator Bong Revilla na may Book 2 ang GMA-7 fantasy-action mini-series na Agimat Ng Agila, kunsaan katambal niya si Sanya Lopez.
PHOTO/S: Screengrab from Agimat Ng Agila

GORGY RULA

Kinumpirma sa amin ni Senator Bong Revilla Jr. na magkakaroon ng book two ang Agimat ng Agila.

Ilang episodes na lang at matatapos na ang book one. Magkakaroon ng season break dahil iti-tape pa nila ang pangalawang book ng fantasy-action mini-series na napapanood sa GMA-7.

Tamang-tama naman, tapos na si Sanya Lopez sa First Yaya, kaya makaka-focus na siya sa lock-in taping ng Agimat ng Agila.

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na kung ano ang mga bagong tatalakayin sa mini-series na ito, at kung gaano kaaksyon.

Ang dinig namin, kilalang aktor mula sa Kapamilya Channel ang isa sa gaganap na kontrabida.

Pero hindi pa raw sila tiyak kung tutugma sa schedule dahil may iba pang ginagawang programa ang Kapamilya actor.

Parang hindi kasi ako sanay na magkontrabida ang aktor na ito. Sabi naman ni Senator Bong, saka na sabihin kapag confirmed na talaga.

Pero excited ang senador dahil ang daming naiisip ni Direk Rico Gutierrez para lalong pagandahin at magiging kapana-panabik ang mini-series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang ikinaka-excite ni Senator Bong ay ang nalalapit na kasal ng anak niyang si Gianna Revilla. Last December ay nag-propose kay Gianna si Jed Patricio.

Pinlano na nila ang wedding na nakatakda sa November 11 ng taong ito. Simpleng Christian wedding daw ang gusto nila na gagawin sa rest house ng namayapang dating Senator Ramon Revilla Sr. sa Silang, Cavite.

Malaki ang pamilya Revilla, kaya malamang na malaking selebrasyon pa rin ito kahit sila-silang magpapamilya lang ang magiging bahagi sa kasal.

Nandiyan lang daw si Senator Bong na sumusuporta sa preparasyon ng wedding ng kanyang anak.

Pero, typical father of the bride, hindi raw alam ng actor-politician kung ano ang kanyang mararamdaman kapag dumating ang araw na ihahatid na niya sa altar ang paboritong anak na babae.

JERRY OLEA

First death anniversary ni Mang Ramon sa Hunyo 26. Magpapamisa lang daw silang pamilya.

Sabi ni Senator Bong, ang bilis ng panahon na nakaisang taon na pala ang pagpanaw ng kanilang ama na nami-miss pa rin nilang magkakapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tungkol sa Agimat ng Agila, dapat lang na magkaroon ito ng Season 2.

Makabuluhan ang palabas, at mataas ang entertainment value kaya wagi sa ratings. Pero huwag sana nilang madaliin ito, bagkus ay pag-ukulan ng sapat na panahon para level-up ang mga bonggang eksena.

Ang Season 1 nito ay noong Nobyembre 2020 nag-lock-in taping sa Tanay, Rizal. Limang buwan ang post production nito para mapaganda ang special effects.

NOEL FERRER

Daming ganap sa pamilya Revilla, and at least puro good news na ngayon.

Gone are the days ng walang kasiguraduhan.

At ngayong active na ulit si Senator Bong sa politika at sa ating entertainment industry, sana talaga ay mas marami pa siyang matulungan sa kanyang adbokasiya.

Sang-ayon ako sa kanya, katatapos lang niyang makakuha ng fresh mandate sa mga tao.

Pagbubutihin niya muna ngayon sa kanyang kinaluluklukan kaysa umepal pa sa kung saan, na sinisimulan nang gawin ng ibang kapwa niya politiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Senator Bong Revilla na may Book 2 ang GMA-7 fantasy-action mini-series na Agimat Ng Agila, kunsaan katambal niya si Sanya Lopez.
PHOTO/S: Screengrab from Agimat Ng Agila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results