McCoy de Leon, Elisse Joson nagkabalikan na; mommy ni Elisse, hindi aprub?

by PEP Troika
Jun 20, 2021
Isang matamis na ngiti ang sagot muna ni McCoy de Leon tungkol sa pagbabalikan nila ni Elisse Joson. Pero may problema ba ang mommy ni Elisse sa pagbabalikan nilang ito?
PHOTO/S: Gorgy Rula (McCoy) / @elissejosonn Instagram (Elisse and mom)

GORGY RULA

Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang unang sagot ni McCoy de Leon nang tinanong sa kanya kung nagkabalikan na sila ni Elisse Joson.

Nakatsikahan ng PEP Troika si McCoy noong nakaraang Huwebes, June 17 nang mag-courtesy call sila ni Xian Lim kay Manila Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall kaugnay sa pelikula nilang Yorme: The Musical na tumatalakay sa kuwento ng buhay ng alkalde ng Maynila.

Hindi na lang idinetalye ni McCoy kung paano sila nagkabalikan, pero bago pa dumating ang pandemic ay okey na raw sila.

“Hindi ko ini-expect yung mga nangyari. Pero sa lahat na mga nangyari, sobrang thankful po ako, wala nang problema. Grateful po ako, at lahat po talaga, naniniwala ako na pag ipagpasa-Diyos mo yun,” pakli ng dating Kapamilya actor.

Marami raw silang natutunan sa relasyon nila ni Elisse, pero masaya raw siya sa kanyang love life.

“Basta sobrang happy po lahat. Hindi ko lang po ma-explain in words,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Pero hindi lang masagot nang deretso ni McCoy kung okey na ba sila ng mommy ni Elisse.

Napabalita noong nagalit daw ang Mommy ni Elisse nang nalamang nagkabalikan sila.

Pero sabi naman ni McCoy, okey raw ang lahat, pero hindi nga lang sila pa nagkausap.

“Ang masasabi ko lang, lahat naman tayo, tumatanda. Siguro, may timing, may panahon din. Siyempre, nandun pa rin po ang malaking respeto ko po.

“Kahit na anong mangyari, habang buhay, hindi po mawawala yung respeto ko,” safe na sagot ni McCoy de Leon.

JERRY OLEA

Ang hidwaan noon ng McLisse ay nagdulot ng negatrons sa pelikula nilang Sakaling Maging Tayo (2019).

May mga kadramahan pa sila na masakit sa hinliliit. Nakakalukring ang mga pangangatwiran nila.

Sa mga pagsubok na pinagdaanan nila sa panahon ng pandemya, nawa’y natanto nina McCoy at Elisse kung anu-ano ang priorities nila sa buhay at career.

NOEL FERRER

For a time, na-link si Elisse kay Jameson Blake pero mukhang hindi rin nagtagal.

Continue reading below ↓

Si McCoy ay nagpaka-cool lang, at heto, sana ay may naghihintay na mas magandang Part 2 ang love story nila ni Elisse.

Now that McLisse is back, let’s see kung magiging kasim-formidable sila ng KathNiel at LizQuen, o magiging level-MayWard sila o RitKen.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang matamis na ngiti ang sagot muna ni McCoy de Leon tungkol sa pagbabalikan nila ni Elisse Joson. Pero may problema ba ang mommy ni Elisse sa pagbabalikan nilang ito?
PHOTO/S: Gorgy Rula (McCoy) / @elissejosonn Instagram (Elisse and mom)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results