Xian Lim, next Kapamilya star na lilipat sa GMA Network?

by PEP Troika
Jun 23, 2021
Wala pang gustong magkumpirma sa balitang lilipat na sa GMA Network ang aktor na si Xian Lim. Pero ayon sa impormasyon ng PEP Troika, may negosasyon na raw sa pagitan ng GMA-7 at Viva.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram

GORGY RULA

Isa pang Kapamilya artist ang naririnig naming magiging Kapuso na.

Deadma, as in hindi talaga ako sinasagot ng ilang tinatanong ko kung totoong si Xian Lim ba ito.

Noong nakaraang linggo kasi ay naulinigan ng PEP Troika na may negosasyon na umano sa GMA-7 at Viva Artists Agency, na nangangalaga sa career ni Xian.

Pero hindi pa raw ito kumpirmado.

May tsika ring nakarating sa amin na baka si Xian ang ipa-partner kay Jennylyn Mercado sa isang Kapuso drama series.

Lahat yun ay haka-haka pa lamang. Kaya abangan na lang natin ang announcement ng GMA-7 kung si Xian Lim nga ba ang magiging bagong Kapuso.

Kung kumpirmado na ito, paano na kaya ang KimXi loveteam?

JERRY OLEA

Huling nagtambal ang KimXi sa Love Thy Woman (2020).

OK lang kung buwag na ang love team nina Kim at Xian. Pareho silang may projects na iba ang ka-partner.

Huling napanood si Xian bilang host ng 1,000 Heartbeats: Pintig Pinoy na nag-final telecast noong Hunyo 12, Sabado ng gabi, sa TV5.

Continue reading below ↓

Hopia tayo na si John Lloyd Cruz ang makakasama ni Jennylyn sa bagong Kapuso series nito.

Naaliw kasi tayo sa tandem nina Jennylyn at John Lloyd sa pelikulang The 3 Of Us (2016).

Ang naulinigan natin, nag-commit si John Lloyd ng isang pelikula at isang drama series sa GMA-7.

NOEL FERRER

Ang masaya lang, kung pagbabatayan ang posts nina Kim Chiu at Xian Lim noong nagdaang araw, tila sinulit nila ang bonding at pagbabakasyon bago itong career move na ito ni Xian.

After kasi ng last teleserye nila together sa Kamilya network ay wala na tayong narinig na susunod na gagawin ni Xian, samantalang si Kim ay araw-araw nang nasa TV—It’s Showtime at ASAP Natin ‘To.

Kung anuman ang magaganap, ito ay dapat makabuti at makapagpapatatag pa sa kanila.

Good luck, Xian!!!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang gustong magkumpirma sa balitang lilipat na sa GMA Network ang aktor na si Xian Lim. Pero ayon sa impormasyon ng PEP Troika, may negosasyon na raw sa pagitan ng GMA-7 at Viva.
PHOTO/S: @xianlim on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results