PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Paubaya" new lyrics President Noynoy Aquino

KMJS, babalikan ang legacy ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
by PEP Troika
Published Jun 25, 2021
Babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang legacy sa politika ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Gugunitain dito ang mga alaala ni PNoy, sa pamamagitan ng lente ng kanyang official photographer na si Gil Nartea, mga malalapit na kakilala, at mga panayam sa kanya ni Jessica Soho.
PHOTO/S: Gil Nartea

NOEL FERRER

Nag-collab sina Kris Aquino at Moira dela Torre para i-relyric ang kantang "Paubaya" at i-dedicate kay dating Pangulong Noynoy Aquino, na alam nating sobrang mahilig sa musika.

Sa Heritage Park at sa Ateneo, naghanap talaga ng maganda at tamang puwang para kumanta ng non-religious song na paborito ni PNoy.

Paborito ni PNoy ang kantang "Minsan Ang Minahal Ay Ako" (composed by National Artist Ryan Cayabyab) na originally sung by Celeste Legaspi at Mitch Valdes. Pero ang laging pinakikinggan ni PNoy ay ang version ni Ice Seguerra.

Nagpasalamat si Kris kay Jaya sa pag-aral ng kanta na first time nitong pinerform kanina.

The other song is "Paubaya" na rewritten by Moira with Kris, accompanied by Jason Hernandez (Moira’s husband) na nag-iba ang konteksto ng pagpapaubaya:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tama, paubaya sa Diyos para sa pagpanaw ni PNoy.

Tomorrow, after the Mass by Bishop Soc Villegas sa Ateneo Church of Gesu, nagpapasalamat na si Kris sa mga kasamahan sa industriya na naghahanda ng musical para kay PNoy.

May isa pang misa para kay PNoy ngayong Biyernes ng 8:00 p.m.

JERRY OLEA

Babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang legacy sa politika ni PNoy sa Hunyo 27, Linggo ng 8:25 p.m., sa GMA 7.

Gugunitain dito ang mga alaala ni PNoy, sa pamamagitan ng lente ng kanyang official photographer na si Gil Nartea, mga malalapit na kakilala, at mga panayam sa kanya ni Jessica Soho.

Samantala, ipapalabas ang pelikulang Noy ni Coco Martin sa Linggo ng 9:45 p.m., sa Kapamilya Channel sa cable, at A2Z sa free TV, at digital.

GORGY RULA

Maaga pa lang ay nag-all out ang Ateneo sa pag-welcome sa dati nitong mag-aaral. Grade School ‘73, High School ‘77, AB Eco ‘81 sa Honor Rites kaninang 9-10 a.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nun, nagkaroon ng public viewing mula 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.

Nagpasalamat sina Rapa Lopa at Miguel Abelleda sa mga tumulong sa pamilya at sa publiko sa maayos na seremonya ngayon.

Si Kris naman ay nagpasalamat sa Ateneo—dahil true-blue Atenista si PNoy from prep to college.

Sabi ni Kris, “Kahit iba ang pananaw niyo (mga Heswita) at ni PNoy sa RH Bill, you were there when it matters the most!”

Kasama rin sa celebrities na nagkiramay sa pamilya Aquino sa Ateneo si Angel Locsin at ang mapapangasawa nitong si Neil Arce.

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang legacy sa politika ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Gugunitain dito ang mga alaala ni PNoy, sa pamamagitan ng lente ng kanyang official photographer na si Gil Nartea, mga malalapit na kakilala, at mga panayam sa kanya ni Jessica Soho.
PHOTO/S: Gil Nartea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results