PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong segment ng All-Out Sundays, threat ba sa ASAP Natin 'To?

Bagong bagets stars, hahataw sa #FYP segment ng All-Out Sundays
by PEP Troika
Published Jun 26, 2021
Makahataw kaya sa ratings ng All-Out Sundays ang bago nitong segment na #FYP or Fresh Young Peeps? (L-R) Lexi Gonzales, Julie Anne San JOse Mavy Legaspi, Cassy Legaspi
PHOTO/S: @alloutsundays7 on Instagram

GORGY RULA

Ilulunsad ang mga bagong talents ng GMA Artist Center sa All-Out Sundays bukas, Hunyo 27, sa bagong segment nilang #FYP, o Fresh Young Peeps.

Ang unang batch na ipakikilala sa Linggo ay sina Pam Prinster na galing sa Starstruck, Mitzi Josh na dating nagsu-show sa Enchanted Kingdom, Sheemee Beunaobra na produkto ng The Clash, Brianna Bunagan na anak ni Michael V, Sandro Muhlach na anak naman ni Niño Muhlach, at si Gabrielle Hahn.

Mitzi Josh

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Shemee Buenaobra

Isa si Gabrielle sa pumila at dumaan sa series of auditions bago siya nakapasok sa GMAAC.

Gabrielle Hahn

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging kontrobersyal naman noon ang buhay ni Sandro na itinago ng kanyang ina kay Niño.

Sandro Muhlach

Naalala pa raw ni Sandro na grade one daw siya noong nagkita sila ng kanyang ama nang pinuntahan siya nito sa kanyang eskuwelahan.

Pero ngayon ay okay na raw ang magulang niya dahil nasa Amerika na ang kanyang mommy kasama ang bago nitong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They’re friends. Nag-uusap naman po sila about me,” pakli ni Sandro sa kanilang virtual mediacon noong Biyernes, June 25.

May kapatid na rin daw siya sa kanyang mommy na nasa Amerika, pero mas naka-bonding daw niya ang half-brother niyang si Alonzo.

“Nakita ko naman pong lumaki si Alonzo, ang we’re really close na magkapatid.

“Kasi malaki po ang age gap namin, pero kapag magkakasama kami, we’re really close,” dagdag niyang pahayag.

Si Brianna ay hindi raw nahirapang magpaalam sa magulang niya nang sinabing gusto niyang pasukin ang pag-aartista.

Brianna Bunagan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang payo lang daw ng daddy niyang si Michael V, “Sinabihan lang nila ako na be prepared for a lot of criticisms, be open to learning and just be prepared for… na baka ma-burnout ako.

“Pero siyempre a lot of those are to be expected naman din especially in this industry and this career path.

“Their only advice talaga is to be ready for anything and be open-minded.”

Si Pam ay isa sa paboritong candidate nang sumali siya sa Starstruck.

Pamela Prinster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-link siya kay Andre Paras noong nagkasama sila sa That’s My Amboy, pati rin kay Edgar Allan Guzman.

Natawa na lang si Pam dahil naintriga lang daw siya, pero wala raw katotohanan iyun.

“Matagal na kaming magkakakilala. But nothing romantic,” pakli ni Pam.

“Kasi siguro po, we both have a very similar sort of family life. Same humor, same likes, dislikes. But you know, I look up to him as my kuya and I’m like his little sister,” napapangiti niyang pahayag.

Lalong hindi raw totoo iyong sa kanila ni Edgar Allan Guzman.

“He’s been a nice guy. Parang mini-misconstrue lang siguro iyong intention.

“Both great guys. They’re both very sweet,” sabi pa ni Pam.

Isang buwang magpi-perform ang unang grupong ito sa AOS, at meron pang ibang mga bagong talents ang itatampok sa segment na ito ng All-Out Sundays.

JERRY OLEA

Kaabang-abang muli ang pagtatanghal ng Kapamilya stars sa ASAP Natin ‘To bukas, Hunyo 27, Pride Sunday sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maghahatid ng proudly Pinoy OPM performances sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Elaine Duran, Nina, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, Jed Madela, Jason Dy, at Martin Nievera.

Hahataw sa SexBomb dance showdown nina AC Bonifacio, Vivoree Esclito, at Kim Chiu.

May exciting treats si Janella Salvador, ang all-girl P-Pop group na BINI, at ang single launch ni Maymay Entrata kasama ang ASAP dance hotties na sina Enchong Dee, Jameson Blake, at Joao Constancia.

Magko-collab sa ASAP stage sina Gary Valenciano, Kyle Echarri at Darren. Mainit ang pagsasama nina KZ Tandingan at Morisette.

Patuloy ang show-stopping biritan ng new-gen ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin, at maging loud and proud sa pride performance ni Regine Velasquez sa ASAP Transformation.

Bibigyang-pugay naman ng ASAP Natin 'To ang ika-10 anibersaryo ng ABS-CBN Film Restoration sa paglulunsad ng "Nais" music video.

Ang "Nais" ay inawit ni Erik Santos, at sasamahan siya rito nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Angeline Quinto, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Zsa Zsa Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makulay ang Linggo dahil sa all-star performances mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin 'To, 12:00 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

NOEL FERRER

I admit, in this age of remote controls, palipat-lipat ako ng channel kapag Sunday noontime show so I am able to survey what’s in and out, the trends and the pulse of the public.

Ok naman, nakakaaliw naman sila pareho, pero mukhang kailangan talagang lumikha ng bagong musika dahil karamihan sa mga ginagawa ngayon ay mga throwback hits, at iyong iba nga ay existing numbers nila na nagawa na sa ibang shows.

Pero siguro, function na rin ito ng economics ng TV production ngayon. Ok pa rin ang musical variety as a format, pero kailangan sigurong maghanap ng bagong paraan ng presentation at mas relevant na materyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At teka, kailan nga ba babalik si Sarah G sa noontime musical variety format? O babalik pa ba siya sa ASAP? Bakit nga ba wala siya sa TV ngayon? Baking na ba ang bago niyang masarap na career?

Nakaka-miss na si Sarah G sa TV!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makahataw kaya sa ratings ng All-Out Sundays ang bago nitong segment na #FYP or Fresh Young Peeps? (L-R) Lexi Gonzales, Julie Anne San JOse Mavy Legaspi, Cassy Legaspi
PHOTO/S: @alloutsundays7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results