JERRY OLEA
“OG!!!!! Madam Dorinaaa …Balutin mo po ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal mamplez!!!”
Facebook hanash iyan ni Kim Molina nitong Hulyo 5, Lunes ng gabi, when she shared the trailer of the Viva film Revirginized, starring Sharon Cuneta, directed by Darryl Yap.
Si Dorina (Pineda) ang karakter ni Sharon sa Viva movie na Bituing Walang Ningning (1985) na mega-blockbuster.
Ang theme song ng movie ay kapareho ang title, at bahagi ng lyrics nito ang linyang “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal,” na madalas ipatungkol sa mga nagte-take home ng pagkain sa handaan.
Comment ni Sharon sa FB post ni Kim, “Kim, I just watched ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ two nights ago! Ang galing-galing mo!
“Si Jerald din na matagal ko nang gustong makasama at fan niya ako sa teatro pa lang! Congrats! Hope to meet you soon! God bless and thanks so much!”
Reply ni Kim, “Sharon Cuneta HOMAYGOSH MEGASTAR OMG. MARAMING SALAMAT PO. Onga po na kwento ni Jerald nameet na niya kayo before.
“Hope to meet and work with you in the future kahit po passerby lang galingan ko paglalakad. Love you po Ms Mega! Thank you supporting us as well.”

Si Darryl Yap ang nagdirek ng launching film ni Kim Molina, ang #Jowable (2019) na sleeper hit—maging ng ikalawang pelikula na bida si Kim, kung saan katambal niya ang boyfriend na si Jerald Napoles, iyong Ang Babaeng Walang Pakiramdam na nag-streaming sa VivaMax umpisa noong Hunyo 11, 2021.
Iprinodyus din ng Viva ang dalawang pelikulang pinagbidahan ni Kim.
NOEL FERRER
Isang malaking risk kay Sharon ang gumawa ng pelikulang tulad ng Revirginized.
Iba-iba ang reaksyon dito, but I will reserve my opinyon pagkatapos kong mapanood ang pelikula.
Oo, support ako kay Mega! And I support efforts to get out of one’s comfort zone.
Umaasa ako na, sana, hindi lang shock value ang mapanghahawakan ng pelikula.
Sana’y maghatid ito kay Sharon ng bukod sa bagong audience ay paghanga dahil sa paggawa ng matinong pelikulang makakagulat na bumasag sa kanyang nakasanayang imahe.
Ang tanong ko, si Direk Darryl ba ay mala-Ishmael Bernal, o Joey Reyes, o Danny Zialcita, o Chris Martinez? Sana, sana!!!
GORGY RULA
Totoong mahirap magbigay ng komento sa pelikulang ito ni Sharon Cuneta dahil hindi pa natin napapanood.
Pero sa sariling opinyon ko lang, parang hindi na kailangan ng Megastar na gawin pa ito.
Tama rin naman sa isang magaling na aktres na gumawa ng isang proyektong out of the box. Marami na siyang napatunayan at pwedeng sumubok siya ng ibang material na never pa niya nagagawa.
Sa panahon ngayon ng digital at sa gitna ng pandemya, sa aking pananaw lang ay puwedeng huwag na lang muna.
Pero malay naman natin. Mas mabuting panoorin na lang muna siguro.
Since bago ito para kay Sharon, sana itatabi niya itong Revirginized sa mga pelikulang nagawa niya.
Ang pagkakaalam ko, may mga ilan din siyang pelikulang nagawa na gusto na niyang kalimutan.
Samantala, hindi ko rin masasabi, Sir Noel, na pwedeng ikumpara si Direk Darryl Yap sa mga nabanggit mong kinikilalang direktor. Ang mga pelikulang nagawa ng mga naturang direktor ay patuloy pa ring pinupuri sa panahon ngayon.
Hindi matatawaran ang mga all-time classics na likha nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Danny Zialcita, at marami pa.
Hindi ko lang tiyak ang takbo ng panahon. Hindi ko masasabing ang mga pelikulang likha ni direk Darryl Yap ay patuloy pa ring pupurihin at panonoorin pagkalipas ng napakaraming taon.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
