NOEL FERRER
“Sana, meron pang time. Kasi, time is fleeting…
"The singing and performances will not be the same as how it used to but the friendship, I want to make it go deeper.
"Sana, kahit papaano, we can maintain the friendship because we have been through a lot!
"Iba na ang panahon. Let us continue being not just friends but brothers and sisters.”
Ito ang nasabi na Jaya na mensahe sa mga kaibigan sa pangunguna nina Sushi Reyes, Manolo Tanquilut, at Zebedee Zuniga ng The Opera kahapon nang paunlakan niya tayo sa palatuntunang Level Up sa Radyo Katipunan para sa kanyang farewell interview sa Manila.
Ngayong Sabado ang flight niya papuntang Estados Unidos at doon na sila maninirahan ng kanyang pamilya.
Walang retirement, sabi ni Jaya. It’s just more family time habang ang kanyang asawa na si Gary Gotidoc ang nagsabing ito ang magte-take charge.
Bago umalis, nakapag-record pa siya ng isang kantang pam-Pasko with Jonathan Manalo, at umaasa siyang matuloy ang concert tour nila ni Lani Misalucha sa U.S.
Sa pag-alis ni Jaya, baon niya ang maraming magagandang alalala ng Pilipinas.
Sabi niya, “We have to pray for our country. We have to pray for our leaders. We have to pray for our citizens because this is a pivotal moment for our country.
“If we do care about our children and the generations to come, kailangan iisipin talaga natin ang pangalan ng mga iboboto natin.
"It’s not about personalities anymore. It’s about what that personality can do for us.
"What’s the heart and integrity of that person. What’s the main goal for the country, baka mapag-iwanan tayo, kawawa naman tayo.
“So I don’t care who wins but sana it’s the leader we prayed for.
“Let’s also fight for what’s right for us. Let’s speak and let people know what we want. Ang hirap na hindi tayo magsasalita, mawawalan tayo ng freedom in life. Let’s fight for our freedom always.”
At bilang pagwawakas, heto ang sabi ng Soul Diva, “My heart is full. My music is there in all the platforms. Lahat niyan ay inaalay ko sa inyo.
“Let’s continue to listen to OPM. We have to let OPM live. Iyan ang puso ng Pilipino at diyan tayo mamamayagpag pagkatapos ng pandemya.
"I love you, guys! No goodbyes, just see you soon!”
GORGY RULA
Ang tindi rin kasi ng mga pinagdaanan ni Jaya at ng pamilya noong nagsimula ang pandemya at awa ng Diyos, nalagpasan nila ito.
Hindi maitatangging marami rin silang mga kaibigan na talagang nagmamahal sa kanila, kaya naayos at nagawan ng paraang makabalik ng Amerika si Gary at ang anak nito, at kaagad-agad ay nakahanap sila ng trabaho.
Lalo pang na-excite si Jaya nang may nakita na rin doon si Gary ng magandang bahay na inuupahan muna nila.
Sabi ni Jaya, kinakarir na nilang baka puwede nang bilhin.
Kaya pa niyang rumaket doon nang pakanta-kanta since nakakabalik na roon ang live performance.
Ang isa pa raw niyang balak ay ipagpatuloy ang pag-aaral at tapusin ang High School.
Lahat ng ito ay ipinapaubaya nilang mag-asawa sa Diyos.
Matindi ang kapit ni Jaya sa Panginoon. Iyon naman ang dapat nating gawin.
JERRY OLEA
Sa airport na yung litrato at video ni Jaya na pinost niya sa Instagram ngayong Sabado ng umaga.
Bagets ang outfit ni Jaya, suot ang paborito niyang church hoodie.
Aniya, oras na para simulan ang paglalakbay na plinano ng Panginoon para sa kanya.
Nagpasalamat si Jaya sa lahat ng nag-send sa kanya ng sweet messages sa Facebook, Messenger, Instagram, Twitter, text, at Viber.
Siyempre, lalo na sa nagdasal para sa kanilang pamilya, at nag-hugs (virtual syempre).
Sabi pa ni Jaya, “Basta, lahat po ng sinabi nyo ay nakakataba ng puso and I will always be grateful.
“O siya, pahinga na muna kasi daliri ko naman ang namamaga.”
Sa naunang IG TV post ngayon ding umaga ni Jaya ay maga na ang mga mata niya sa kaiiyak.
