PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, solid Kapuso pa rin kahit kaliwa't kanan ang raket

Allen Dizon, palaban pa rin sa frontal nudity scenes
by PEP Troika
Published Jul 10, 2021
Lubos ang pasasalamat ni Allen Dizon sa Kapuso Network kaya't hindi siya nagdadalawang-isip na lumipat, kahit may mga dumarating na alok mula sa ABS-CBN: “Dahil siyempre, nakagawa ako sa GMA ng dalawang project during pandemic, ang First Yaya at Agimat ng Agila. Siyempre, kahit paano, sila yung priority ko ngayon.”

JERRY OLEA:

Hindi nag-plaster si Allen Dizon sa maselang eksena sa pelikulang AbeNida.

“Ok naman. Ok naman yung ginawa ni Direk Louie [Ignacio],” napangiting sambit ni Allen sa product launch ng Oracur solution spray nitong Hulyo 10, Sabado, sa Marco Polo Hotel, Meralco Ave., Pasig City.

“Kumbaga, dark siya. Kahit naka-nude ako, dark yung mga ilaw, ganyan. Wala nang plaster, kasi, madilim! Haha!

“Madilim na. Hindi na makita. Hahahahaha!” mataginting na halakhak ng multi-awarded actor, na mahigit dalawang dekada na sa showbiz.

Palaban sa frontal nudity ang mga aktor na inilunsad ngayong 2021, kabilang sina Sean de Guzman (Anak ng Macho Dancer), Rob Gomez (A Girl + A Guy), Marco Gomez (Silab) at Paolo Gumabao (Lockdown).

Si Allen ay nag-umpisa rin sa mga mapangahas na pelikula. Ano ang maipapayo niya sa mga bagong aktor na ito para tumagal sa industriya?

“Siguro, iyon ang stepping stone ng mga baguhan, di ba? Para pag-usapan,” matamang sagot ni Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, nagdaan din ako sa sexy. Hindi nga lang ako nag-frontal. Ngayon kasi, patapangan. Na kaya nilang gawin iyon. Lakas ng loob.

“Dahil din siguro hindi dumadaan sa MTRCB ang mga pelikulang nag-i-streaming ngayon online.

“Siguro, more on… after nilang sumikat, after nilang magkapangalan, pagbutihan nila.”

If ever, willing pa ba siyang mag-frontal sa isang project?

“Hindi na tayo bata para sa ganoon, e. Kumbaga, baka matawa sila sa atin! Hahahaha!

“Siyempre, mga bata lang ang gumagawa nu’n! Siguro, kung yung time nila, na iyang time ko, e, yung edad ko noon… why not, di ba?

“Kung talagang gusto mong magkaroon ng pangalan, gusto mong mag-showbiz, gusto mo talagang sumikat, di ba?

“Siguro, kung dumating yung ganu’n na walang-wala ka na, yun na ang gagawin mo, di ba?”

Ang Oracur ay anti-Covid oral medicine. Kasabay ni Allen si Kate Brios at ang film producer na si Madam Baby Go na inilunsad bilang endorser nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama si Allen sa katatapos na Kapuso primetime series na First Yaya, maging sa weekly action-adventure series na Agimat ng Agila.

GORGY RULA

Nabalitaan namin na kinukuha si Allen ng ABS-CBN para sa isang teleserye, pero mas gusto ng aktor na manatili sa GMA-7.

“Nag-e-enjoy ako sa GMA, at ayoko rin kasing may masabi sila sa akin, ang GMA,” pag-amin ni Allen.

“Dahil siyempre, nakagawa ako sa GMA ng dalawang project during pandemic, ang First Yaya at Agimat ng Agila.

“Siyempre, kahit paano, sila yung priority ko ngayon.”

Sinabihan na raw si Allen na kasama pa rin siya sa second season ng Agimat ng Agila.

Maging si Sen. Bong Revilla ay gustong sama-sama pa rin silang grupo ng Agimat ng Agila sa second season nito, dahil masaya ang kanilang grupo. Magaan ang pagtatrabaho nila sa isa’t isa.

“Ayaw kasi ni Sen. Bong ng paiba-iba. So, kami pa rin iyong sama-sama,” pakli ni Allen.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniluklok na si Allen bilang Hall of Famer sa pagiging pinakaPASADONG aktor ng Gawad Pasado.

“Minsan nga, parang hindi ako makapaniwala sa mga awards na ganoon, e. Marami pa pala, ganyan,” pahayag ni Allen.

“Hall of Famer ako sa ganitong klaseng award-giving body. Nakakataba ng puso. Nakaka-inspire na magtrabaho nang magtrabaho pa rin.

“Feeling ko nga, pag sinabing Hall of Famer… parang ang tagal-tagal ko na sa showbiz! Parang ang tanda ko na! Hahahaha!

“Pero kahit anong sabihin ng isip mo, proud ka pa rin. Dahil may mga ganoong award, may natatanggap kang recognition, di ba?”

Marami pang artistang gustong makatrabaho si Allen.

“Si Boyet de Leon, si Ate Guy, hindi ko pa nakakatrabaho. Si Vilma Santos. Si Sharon Cuneta,” tugon ng aktor.

“Sila yung… alam mong bata ka pa, hinahangaan mo sila, and nandito ka na showbiz, pero hindi mo pa rin sila nakatrabaho.

“Parang hindi pa time. Pero siyempre, lahat gusto mong makatrabaho. Lahat ng magagaling, lahat ng kilala sa industriya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Wow, in demand si Allen, ha?! Pinag-aagawan ng dalawang network at kailangang mamili.

He must really be thankful that he has work at puwede pa siyang nakapamili, samantalang ang iba ay nakatengga na nang matagal at kailangang lunukin ang paycut.

Iyan talaga ang adjustment at sakripisyo ngayong pandemya!

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lubos ang pasasalamat ni Allen Dizon sa Kapuso Network kaya't hindi siya nagdadalawang-isip na lumipat, kahit may mga dumarating na alok mula sa ABS-CBN: “Dahil siyempre, nakagawa ako sa GMA ng dalawang project during pandemic, ang First Yaya at Agimat ng Agila. Siyempre, kahit paano, sila yung priority ko ngayon.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results