JERRY OLEA
Obsessive-compulsive ang kilalang hunk actor, 'tsura ni Bree (Marcia Cross) sa seryeng Desperate Housewives (2004-2012).
Gusto ni hunk actor na nasa ayos ang lahat sa kanyang bahay. Kailangan, may sistema ang mga bagay-bagay.
Ang mga basura ay dapat nasa basurahan. Ang mga gamit na underwear, dapat nasa laundry basket, and so on, and so forth.
Pero nagbago ang lahat nang dumating sa bahay at buhay niya ang sexy actress. Ngayon, OK lang kay hunk actor kung panay-panay ang kalat sa bedroom.
“Isabel! This must be love!” tili ni Suzanne (Carmi Martin) habang kausap si Isabel (Rio Locsin) sa landline sa pelikulang Working Girls (1984) na idinirek ni Ishmael Bernal.
Love na love ni hunk actor ang sexy actress, pero irita rito ang household staff dahil makalat ito.
Mas bet daw ng household staff ang ex ni hunk actor, na bukod sa masinop sa bahay ay generous pa sa kanila.
GORGY RULA
Narinig ko rin ang ganitong kuwento na nanggaling daw mismo sa ilang staff ni hunk actor. Pero may magagawa ba tayo kung nagkakainlaban ang dalawa?
Kaya iyan din ang kainaman ng live-in para malaman kung magkakasundo kayo sa loob ng bahay o hindi.
Mabait kasi si hunk actor at, tingin ko, kaya niyang mag-adjust sa ngalan ng pag-ibig.
Pero dapat matuto na rin si sexy actress makisama sa gusto ng partner niya. Bahagi ito ng adjustment para sa kanilang future.
Ang mahalaga, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal. Susunod na riyan ang iba pang mga bagay-bagay na dapat nilang mapagkasunduan.
Huwag lang magkasawaan para hindi na mapansin ang diperensiya ng bawat isa. Sa ngayon ay maging masaya na lang tayo para sa kanila.
Dapat na ring ma-check ni hunk actor kung sino sa mga staff niya ang may pagkadaldalera kaya nakakalabas ang mga ganoong kuwento.
NOEL FERRER
Buhay nila iyan at mukhang super in love talaga ang hunk actor at sexy actress!
At yung lalaki ay nabighani at parang nakahanap daw ng katapat…. siya ang maasikaso at in love daw talaga!
Sa ganitong pagmamahalan, wala na sigurong makakakontra.
