PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sef Cadayona, Mikee Quintos on comparison with Bitoy and Mane

Mikee Quintos: "I hope makikita ninyo rin po na mas-effort pa namin lalo."
by PEP Troika
Published Jul 14, 2021
Sef Cadayona at Mikee Quintos (left) bagets ang look sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento dahil dekada '80 ang setting ng istorya. Sa kabilang banda, matunog pa rin na si Kelvin Miranda ang magiging leading man ni Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgitte.
PHOTO/S: GMA / @iamkelvinmiranda @beauty_gonzalez Instagram

GORGY RULA

Sa Hulyo 17, Sabado, magsisimula ang Pepito Manaloto: Unang Kuwento, na kapalit sa timeslot ng Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes.

Prequel ito ng kuwento ng mag-asawang Pepito at Elsa Manaloto.

Kaya nandiyan pa rin sina Bitoy at Mane na magbubukas ng unang episode at magtatahi ng kuwento kung paano nagkakilala sina Pepito at Elsa, na gagampanan ngayon nina Sef Cadayona at Mikee Quintos.

Aminado sina Sef at Mikee na may pressure sa kanila itong Unang Kuwento dahil hindi maiwasang maikukumpara ang istorya, acting ng mga artista, at pati sa ratings.

"I think inevitable na kahit anong mangyari, magkakaroon ng ganung pressure," pakli ni Sef sa virtual mediacon ngayong Miyerkules, Hulyo 14.

Patuloy ni Sef, "Yun nga ang ano namin ni Mikee na, kumbaga, magagamit namin siya in a positive way, na ito yung pressure na kailangan, nasa set kami, mabigay namin ang best namin.

"Kaya naming aminin kung saan kami medyo mahina at kung saan alam namin ang medyo malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natutulungan talaga namin ang isa’t isa para ma-portray siya kung ano yung gusto nina Direk."

Talagang papakialaman pa rin ito ni Bitoy dahil concept niya ito, at kailangang hindi lumayo sa look ng original na Pepito Manaloto.

Gusto naman ito ni Sef.

Sabi ni Sef, "Very fortunate din kami na nandun sina Kuya, sina Ate Mane. Na ang daming study materials na pwede naming aralin and yung mga nuances na pwede naming makuha paunti-unti.

"Kasi, since ito na yung high school life nina Pepito and Elsa, kung ano sila nun, yun na yun sila nung Pepito.

"Kaya para sa akin, yung pressure at saka yung pagku-compare, tine-turn ko siya into something positive para talagang mabigay namin yung best outcome for a scene sa aming dalawa ni Mikee."

There’s always room for improvement naman daw, sabi ni Mikee.

"Kaya, at this point siguro, mas excitement na po ang napi-feel ko, e. Ngayong papalapit na nga po tayo sa July 17, ang airing ng first episode, kasi na-edit na rin po yata, kaya hindi na babaguhin yun," pahayag ni Mikee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag niya, "Pero aaminin ko po, pressure din po ang naramdaman ko sa first few days nga po ng aming taping.

"Pero nawala dahil nga po sa mga kasama ko na magagaling na artista, at rest assured naman po and we can promise that throughout the next episodes, I hope makikita ninyo rin po na mas-effort pa namin lalo."

Nakikitang masaya silang lahat na cast nitong Unang Kuwento, lalo na’t ‘80s ang setting nito, may mga natutunan ang mga bagets stars sa mga nauuso at kuwento nung dekada '80.

Sayang at wala sa mediacon si Pokwang, na kasundo rin ng iba pang cast na sina Gladys Reyes, Archie Alemania, Edgar Allan Guzman, Kokoy de Santos, Kristoffer Martin, Denise Barbacena, at Jay Arcilla.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Lost recipe na talaga ang MiKel tandem nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na nabuo sa seryeng The Lost Recipe ng GTV.

Kay Sef na muna syempre si Mikee!

Makikipag-bonding sina Sef at Mikee sa kanilang fans sa Hulyo 16, Biyernes ng 8:00 a.m. sa "Kapuso Fans Day on TV" hatid ng GMA Regional TV.

Napapanood ang "Kapuso Fans Day on TV" sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA RTV sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Binibigyang pagkakataon ng programa na maka-bonding ng fans ang kanilang favorite Kapuso stars—right from the comforts of their homes.

Marami pang stars ang makiki-bonding sa weekly "Kapuso Fans Day on TV" every Friday at 8:00 a.m.

Mapapanood ito via Mornings with GMA Regional TV sa North Central Luzon, GMA Regional TV Live! sa Central and Eastern Visayas, GMA Regional TV Early Edition sa Western Visayas, at At Home with GMA Regional TV sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


KELVIN'S TEAMUP WITH BEAUTY AND WISH KO LANG GUESTING

Samantala, matunog na si Kelvin ang katambal ni Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgitte, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Ikinakasa na ang lock-in shooting nito umpisa Hulyo 21, Miyerkules, sa Tanay, Rizal, kaya magku-quarantine na ang mga artista at production staff ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una nang nabalita ng PEP Troika ang pahayag ni Beauty na excited siya dahil ngayon lang siya maipapareha sa "young man" dahil kadalasan ay mas matanda raw sa kanya ang mga nakakapareha niya noon.

Tampok naman sina Kelvin at Albert Martinez bilang mag-ama sa special episode ng Wish Ko Lang sa Sabado ng 4:00 p.m. sa GMA-7.

Ang episode nilang “A Second Chance” ay bahagi pa rin ng month-long 19th anniversary celebration ng GMA Public Affairs show na hino-host ni Vicky Morales.

Sa kuwento, nakulong si Fred (Albert Martinez) sa isang krimeng di nito sinasadyang magawa. Paglaya ni Fred, babalikan niya ang kanyang anak na si Lorenz (Kelvin) na lumaking may sama ng loob sa kanya. Akala kasi ni Lorenz ay basta na lang siya pinabayaan ni Fred.

Kasama rin sa episode na ito sina Crystal Paras, Cai Cortez, Akihiro Blanco, at Luke Conde.

LUKE CONDE'S FIRST APPEARANCE IN GMA

Opo, mga ka-Troika! Ito ang unang project ni Luke bilang Kapuso. Lubos ang pasasalamat ni Luke sa Wish Ko Lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Luke, "Isang karangalan po na ito ang aking unang project with Kapuso Network dahil nakasama ko ulit si Tito A [Albert], at first time ko naman makatrabaho si Kelvin. Isa ito sa mga programa na nakakakapagbigay inspirasyon sa mga manonood…

"Masaya po at magaan ang atmosphere sa set. Sa adjustment naman po, pakiramdam ko, isa po akong transferee from other school na nangangapa pa sa mga new classmates, pero naging madali naman po ang adjustment dahil welcoming at accommodating po ang mga Kapuso artists at staff."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

It is Sef Cadayona’s time to shine, and sana talaga, mag-pick up ang tandem nila ni Mikee sa Unang Kuwento.

At sana, magbigay-daan ito sa pag-develop at pag-highlight sa homegrown talents ng GMA!

Nakakatawa lang at itong format ng Unang Kuwento ang makakatapat ng Hoy! Love You ng talent kong si Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Hit comedy series ito sa iWant TFC na magka-Kapamilya network airing na by the end of July.

Hindi ba papasang magkapatid sina Sef at Joross, at parang galing sila sa iisang hulma? Good luck sa kani-kanyang programa!

GORGY RULA

Ayon kay Mikee, positive ang posts ng MiKel fans kaugnay sa tambalan nila ni Sef sa Unang Kuwento.

"Supportive sila even sa mga individual projects naming dalawa ni Kelvin and hindi naman po… sana po, hindi naman yun maging last," lahad ni Mikee.

"Huwag lang sila mawalan ng hope, kasi suportahan din nila ang tandem namin ni Sef. I can see that happy sila na may projects kami both."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Sef, "Sa totoo lang, yung support din nila, nabibigay din nila sa aming dalawa ni Mikee.

"Very grateful ako na ganun yung nagiging turn of events. Kaya ako nagpa-bangs."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sef Cadayona at Mikee Quintos (left) bagets ang look sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento dahil dekada '80 ang setting ng istorya. Sa kabilang banda, matunog pa rin na si Kelvin Miranda ang magiging leading man ni Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgitte.
PHOTO/S: GMA / @iamkelvinmiranda @beauty_gonzalez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results