PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres bukas sa bagong pag-ibig: "Pag ibinigay, why not?"

Andrea Torres 13 years and counting ang pagiging Kapuso.
by PEP Troika
Published Jul 16, 2021
Kapuso star Andrea Torres: "Very happy po ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng family at ganitong set of friends, na talagang pinu-push nila ako talaga. Na every time na mapi-feel nila na sad ako, aksyon agad para maging okay ako ulit, yung ganun."
PHOTO/S: @andreaetorres / @rapyuphotos Instagram

GORGY RULA

Humarap si Andrea Torres sa ilang miyembro ng media ngayong Biyernes, July 16, pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA Network.

Sobrang na-touch daw siya sa magandang pagtrato na ipinakita sa kanya ng mga boss ng GMA-7.

Nakakatuwa na sa inihandang VTR para sa kanya, ipinakita ang pagsisimula niya sa GMA-7 thirteen years ago. At hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang maging Kapuso.

Kaya paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa lahat ng blessings na ibinigay sa kanya ng Panginoon, at napunta siya sa isang network na itinuring siyang pamilya.

Sa mga pinagdaanan niya, lalo na sa kanyang buhay pag-ibig, nandiyan ang suporta ng Kapuso network at ang patuloy na pag-alalay sa kanya ng pamilya, mga kaibigan, at mga kaibigan sa press.

Pahayag ni Andrea: "Gusto ko pong magpa-thank you sa press for understanding me. Nakakatuwa na yung friendship na nabuo rin with us, makikita na kahit papaano, nage-gets nila na... parang nabibigyan ka nila ng time na yung space mo ba, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakatuwa rin talagang malaman na may nabuo rin talagang solid na friendship sa atin.

"Yun nga po, very happy po ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng family at ganitong set of friends, na talagang pinu-push nila ako talaga. Na every time na mapi-feel nila na sad ako, aksyon agad para maging okay ako ulit, yung ganun."

Tamang-tama ring nang kailangan niyang mag-move on, dumating ang magandang project—ang Legal Wives na magsisimula nang iere sa GMA Telebabad sa Hulyo 26.

Ang ganda raw ng samahan nila sa set. Kaya nang natapos ang lock-in taping nila, nalungkot silang lahat. Pero nag-promise daw silang magkikita-kita sila.

Happy na siya sa work, pati sa pamilya, pati sa mga kaibigan. Karapatan din naman ni Andrea na sumaya ang puso niya.

Kaya sinabi niyang open siya sa panibagong pag-ibig at mag-e-entertain siya ng suitors.

"Oo naman po. Siyempre naman, dapat may time din for that, di ba?" pakli niya kasabay bitaw ng pagkatamis-tamis na ngiti.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ni Andrea, "Pag ibinigay, why not,"

JERRY OLEA

Sa tamang panahon, nagaganap ang mga bagay-bagay.

Engaged na ang ex ni Andrea na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna. Kaya okay lang mag-entertain muli ng suitors si Andrea.

Noong Hunyo 21 sana ieere ang cultural drama series na Legal Wives. Naurong ang pilot telecast nito sa Hulyo 26.

Mas naging interesting ang Legal Wives nang maghiwalay ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, at pinayuhan si Kylie ng amang si Robin Padilla.

"Pag-Muslim-in mo na lang si Aljur!"

Mas naging makabuluhan ang Legal Wives upang imulat ang ating mga mata sa mundong puno ng mahahalagang aral, at buksan ang ating puso't isipan sa tradisyon ng mga Maranaw.

Payanig ang pag-ober da bakod nina Pokwang, Beauty Gonzalez, Bea Alonzo, at Mr. M o Johnny Manahan.

Event ang pagpirma nila ng kontrata sa Kapuso Network.

Noon pa natin hinihintay ang official announcement na Kapuso na rin si Xian Lim, pero hinahanapan pa iyon ng right timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lovi Poe, urong-sulong pa yata kung mananatili sa GMA-7.

Itong renewal ng kontrata ni Andrea sa GMA ay hinog sa panahon, at nasa tamang pagkakataon.

Abangan natin ang pagganap ni Andrea bilang Diane San Luis, ang beloved wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo) sa Legal Wives.

NOEL FERRER

Mukhang mabait na tao si Andrea kaya kahit ano pa man ang pinagdaanan niya, nasa kanya ang simpatiya ng mga tao.

Sana maging markado siya sa Legal Wives, para sa susunod na project niya sa GMA-7, hindi na siya one of the three leading ladies, kundi siya talaga ang lead at masasabing definitive piece para maging hudyat para kilalanin hindi lang ang kanyang husay kundi ang bankability niya bilang actress!

Carry on, Andrea! Ngayong marami kang hugot sa buhay, gamitin iyan para sa pagpapakuhusay at pag-unlad mo bilang aktres!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Andrea Torres: "Very happy po ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng family at ganitong set of friends, na talagang pinu-push nila ako talaga. Na every time na mapi-feel nila na sad ako, aksyon agad para maging okay ako ulit, yung ganun."
PHOTO/S: @andreaetorres / @rapyuphotos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results