PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez stars in Wish Ko Lang; Rhian Ramos in Magpakailanman

Catch Me Out Philippines, magbabalik kapalit ng Agimat ng Agila.
by PEP Troika
Published Jul 28, 2021
Fresh episodes ang handog ng weekend shows ng GMA. Makakatambal ni Sanya Lopez (kaliwa) si Anjo Damiles sa isang kakaibang love story sa Wish Ko Lang, habang si Rhian Ramos (kanan) ay makakasama naman sina Pancho Magno at Muriel Lomadilla sa Magpakailanman.
PHOTO/S: GMA

JERRY OLEA

More and more ang mga paandar ng Kapuso Network sa Sabado, katapusan ng Hulyo.

Bibida si Sanya Lopez sa huling installment ng month-long special episodes ng Wish Ko Lang para sa 19th anniversary nito.

Sa episode na “To Love Again” ay nauwi sa hiwalayan ang marriage nina Yasmin (Sanya) at Rex (Anjo Damiles) dahil kay Sophie (Arny Ross), ang best friend ni Yasmin.

Naapektuhan nang husto sa hiwalayan nila ang nanay ni Yasmin na si Teresa (Rita Avila) dahil napalapit rito ang manugang.

Makalipas ang apat na taon, nag-uulyanin na si Teresa. Ang naalala lang nito ay ang good memories nina Rex at Yasmin. Magkabalikan kaya ang mag-asawa?

Ang Wish Ko Lang ay hino-host ni Vicky Morales, at napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Sa pagtatapos ng unang season ng Agimat ng Agila, magbabalik ang Catch Me Out Philippines sa Sabado, 7:15 p.m., sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa teaser ng programa, ipinagmalaki na world-class performances ang ipapamalas ng mga baguhang talents.

World-class, hindi basura! Maski itanong pa ninyo sa host na si Jose Manalo, at spotters na sina Derrick Monasterio, Ai-Ai delas Alas, at Mark Bautista.

Fresh episode na naman ang matutunghayan sa award-winning drama anthology na Magpakailanman, alas otso ng gabi sa Sabado.

Sa episode na “Biktima ng Gayuma,” malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Ella (Rhian Ramos) at German (Pancho Magno).

Mahuhumaling si German sa textmate na si Jenny (Muriel Lomadilla), at pakakasalan. Magbabago ang ugali ni German. Tila papanawan ito ng katinuan… dahil daw sa gayuma!

Nag-o-overlap ang Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya (MMK) tuwing Sabado night.

Ire-replay ng MMK ang life story ni Hidilyn Diaz sa Sabado, 8:30 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 11.

GORGY RULA

Sa Huwebes, Hulyo 29, magre-renew si Sanya Lopez ng kontrata sa GMA Artist Center.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron pa kayang taga-Kapamilya na iha-handle na rin ng GMAAC?

Haharap si Sanya bukas sa ilang miyembro ng entertainment press, kaya abangan na lang natin kung ano ang plano ng GMA-7 sa kanya pagkatapos ng success ng First Yaya.

Tuloy kaya ang book two ng kuwento nina Yaya Melody at President Glenn Acosta?

Tsika naman ng taga-Catch Me Out, kuwela ang aabangan sa Sabado.

Aliw raw ang comments ni Ai-Ai kung saan huhulaan nila ang accountant and financial analyst na sinubukang mag-Wushu, at ang college student na sinubukang sumayaw habang naka-rollerskates.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Makakasama naman ng mga Kapuso si Rayver Cruz sa Kapuso Fans Day on TV sa Hulyo 30, Biyernes, 8:00 a.m.

Mapapanood ito sa morning shows na umeere sa local channels ng GMA Regional TV—ang “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bidang lalaki si Rayver sa teledramang Nagbabagang Luha, na mag-uumpisa sa Agosto 2, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Co-stars dito ni Rayver sina Glaiza de Castro at Claire Castro. Kasama pa rin si Rayver sa All-Out Sundays tuwing Linggo.

Isa rin si Rayver sa Clash Masters ng The Clash Season 4 na malapit nang magbalik sa ere.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fresh episodes ang handog ng weekend shows ng GMA. Makakatambal ni Sanya Lopez (kaliwa) si Anjo Damiles sa isang kakaibang love story sa Wish Ko Lang, habang si Rhian Ramos (kanan) ay makakasama naman sina Pancho Magno at Muriel Lomadilla sa Magpakailanman.
PHOTO/S: GMA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results