PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Muñoz ambassador of "Disiplina Muna" campaign of DILG

Arci Muñoz, hinihikayat ang lahat na magpabakuna.
by PEP Troika
Published Jul 29, 2021
Arci Muñoz: "I would do anything and everything in my power to help influence and encourage people especially the youth, the young ones."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram

GORGY RULA

Active ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz sa bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang isa ring reservist ng Philippine Air Force.

Kinuha siyang ambassador sa bagong campaign ng naturang ahensiya na tinatawag nilang "Disiplina Muna."

Kaagad itong tinanggap ni Arci nang kinausap siya ng kanyang superior tungkol sa alok ng DILG.

Sa ngayon ay abala siya sa proyektong ikinakampanya, ang pagpapabakuna.

Ani Arci nang nakatsikahan namin sa isang lunch sa restaurant niyang Shanghai Saloon sa The Podium noong Miyerkules, July 28, “I’m very humbled to be approached by DILG to be representing their new campaign ngayon na Disiplina Muna.

“Sabi ko nga sa kanila, I would do anything and everything in my power to help influence and encourage people especially the youth, the young ones.

“Sabi kasi nila, ‘You know what, Mona, you can influence kahit saan banda o sa social media, kasi you are part of television, music, you’re Air Force.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have so much on my plate right now. And sabi ko sa kanila, it will be a great privilege for me if I can help you this little way to encourage people to get vaccination.”

JERRY OLEA

Bilang reservist ng Air Force, proud na proud si Arci para kay Hidilyn Diaz, at baka speechless daw siya pag makita niya ito nang personal.

Saludo tayo sa adhikain ni Arci na hikayatin ang mga Pinoy na magpabakuna, lalo pa’t andiyan ang banta ng Delta variant ng coronavirus.

Ngayong Hulyo 29, Huwebes ng 4:00 p.m., nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,735 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 1,572,287 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.

Ayon pa sa DOH, sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (56,273) ang aktibong kaso, 94.7% (1,488,437) na ang gumaling, at 1.75% (27,577) ang namatay.

GORGY RULA

Kasama rin s lunch ang chairman ng Bespren ng Bayan Foundation na si Renan Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ni Arci, active din si Renan sa adbokasiya nilang pagtulong, lalo na sa mga kababayan niya sa Nueva Ecija.

Nagkakilala silang dalawa sa isang outreach program sa Batangas, at nagkasundo silang mag-partner sa ilang projects, lalo na sa campaign sa vaccination.

Nasa Facebook page na Bespren ni Renan Morales ang campaign nilang magbibigay sila ng konting halaga sa mga mababakunahan.

Sinimulan ito ni Renan sa Gapan, Nueva Ecija kung saan sumama si Arci.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Renan, “Last week nag-start na po kami ng campaign na kung sino man ang magpapabakuna, bigyan po namin ng tig-200 pesos, and then yung second dose, bibigyan po namin ng 100 pesos.

“Nag-start po kami ng campaign through my page [Bespren]. What I did, sabi ko, ‘Mona, okay lang ba samahan mo ako sa Nueva Ecija?’

“Si Ramona [tunay na pangalan ni Arci] po ay sinamahan po ako. Nandoon kami.

“Simple lang naman po. Nag-half po kami sa 500,000 na budget at binigay po namin doon sa lahat na 417 na tao. Tapos, yung remaining po na 80,000 for their food.”

May mga iba pa raw silang nakalinyang projects para sa vaccination campaign, at kahit pakonti-konti ay nakakapagbigay sila ng tulong.

NOEL FERRER

Pahayag pa ni Arci, “I’m also encouraging a lot of people kung sino man ang tumulong dito sa advocacy namin, because of course our goals, me and Renan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong sinabi ni Renan na he wants to help, he wants to do this… kasi, we have the same advocacy, same vision, same mission. So, sabi ko, ‘Yes, of course, let’s do this.’

“This is just the beginning of our partnership and of course it will go a long way.

“We’re thankful sa mga taong kagaya ni Renan na willing to donate, to help."

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz: "I would do anything and everything in my power to help influence and encourage people especially the youth, the young ones."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results