GORGY RULA
Nabahiran ng intriga ang Miss World Philippines 2021 pagkatapos itong ma-postpone at i-reschedule sa August 8.
Nagsalita ang kandidatang si Joy Barcoma, ng Quezon City, dahil sa matinding anxiety at stress na inabot niya gawa ng intrigahan sa mga co-candidates niya.
Ayon kay Joy, nagsimula ang isyu nang may nagkalat ng kuwentong nagda-drugs umano ang ilang kandidata ng pageant.
Naging isyu ito sa kanilang grupo, at siya ang pinagbintangang nagkalat ng kuwento. Nagalit siyempre ang co-candidates niya at hindi na siya kinakausap.
Hanggang sa pinagharap-harap at pinag-ayos silang lahat ni Arnold Mercado, general manager ng Miss World Philippines Organization (MWPO).
Ang sabi ni Joy, doon nagkaalaman na ang roommate niya umano ang nagpasimuno ng tsismis, at hindi siya. Inamin daw ito ng roommate niya.
Ang ikinasama ng loob ni Joy, kahit alam na ng mga kapwa kandidata niya na hindi siya ang nagkalat ng tsismis, hindi pa rin umano maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga ito.
Apektado raw siya dahil pakiramdam niya ay nabu-bully siya.
Sa tulong ng kanyang supporters, at pati ang boss na pinagtatrabahuan niya, humarap siya sa ilang entertainment press kahapon, Miyerkules, July 28.
Dito niya ipinaliwanag na wala siyang kinalaman sa kumalat na tsismis.
Pahayag ni Joy: "The reason we decided to go public na po is because a lot of people na knew about this issue. And I was the one who was put in the bad light.
"Ako po yung parang pinag-iisipan na culprit. Ako yung pinag-iisipang nagsimula nung story.
"One of the reasons po iyan kaya kami nag-go public is because derogatory talaga yung information.
"And since ako po yung parang nasa unahan nung kuwento, dahil ako raw yung source, I have to speak."
WAITING FOR A PUBLIC APOLOGY FROM HER ROOMMATE
Nilinaw ng dalaga na walang kinalaman ang Miss World Philippines Organization sa kanyang pagharap sa media.
Pero hiling niya, sa tulong ng WMPO, ay maglabas ng public apology ang roommate niya para malinis ang kanyang pangalan.
"We’re still waiting for their decision," ani Joy.
Sabay giit niya: "Pero yun nga po, kailangan namin siyang i-end kung saan man siya ngayon na hindi ako, it’s not me, I’m not the source of the kuwento.
"Again, it’s not about the organization naman po kasi. It’s the candidate, kasi she admitted naman into it na. Umamin na siya."
Nakausap ng PEP Troika ang general manager ng MWPO na si Arnold Mercado, at nilinaw niyang nagkaharap na ang mga kandidata, at sa pagkakaalam niya ay naayos na ito.
Nagkaiyakan at naghiwalay raw silang magkasundo na, at naayos naman.
Pero ayon kay Joy, ganun pa rin ang trato sa kanya at siya pa rin ang itinuturong nagkakalat ng di magandang tsismis.
Hindi birong nahaluan pa iyon ng isyung drugs, kaya gusto niyang tapusin na ito, kapag naglabas ng public apology ang kanyang roommate na ayaw niyang banggitin ang pangalan.
Inaasahan ni Joy na maaksyunan din ito ng mga taga-Miss World Philippines Organization.
JOY: NOT GOOD TO BADMOUTH OTHERS
Ang ipinupunto lang daw ni Joy, ayaw niyang i-tolerate ang ganitong kultura—ang paninira at paggawa ng kung anu-anong kuwento laban sa kapwa kandidata.
Nalulungkot si Joy dahil ang gusto raw niya ay ma-develop ang magandang samahan sa mga kapwa kandidata ng Miss World Philippines 2021.
Saad niya, "It’s not okay to be the person who will accuse someone, and to be the cause of character assassination.
"So, it’s not okay to foster a community, especially in the pageantry, na ginagawa nating normal ang pagkukuwento sa ibang tao o paninira sa ibang tao.
"We are here to be an avenue for women empowerment. And for that, I don’t think we are empowering women if we are gonna allow women to drag each other down."
Sana raw ay maiwasan ang tsismisan lalo na kung nakakasira sa reputasyon ng ibang tao.
Litanya pa ni Joy: "So, I think po yun ang gusto kong lesson for everyone.
"And that is one lesson that I learned also, na hindi porke’t ginagawa ng karamihan, na hindi porke’t na-normalize siya throughout these years ay tama siyang gawin.
"It’s not right to talk about other people. It’s not right to speak ill about other people.
"It’s not right to fabricate stories just to be able to come out as someone who is good for the org or who is good for the crown.
"So, I think yun dapat ang i-uplift natin, na as a queen, we should lift each other and not to bring each other down."
NOEL FERRER
Si Joy at dating intern sa programa ni Raffy Tulfo. Pero ayaw na raw niyang iparating o ipa-Tulfo ito para hindi na lalong mapasama ang roommate niya na nagkalat ng maling tsismis.
Nag-work si Joy kay Cong. Nina Taduran, na boss niya ngayon at sumusuporta sa laban niya sa Miss World Philippines.
Nakausap din ng Troika si Arnold L. Vegafria, franchise holder ng Miss World Philippines. Hindi raw niya alam ang isyung ito.
Ayaw na raw niyang pakialaman ito dahil away-babae lang umano ito. Ang buong akala niya ay naayos na dahil pinagharap na silang lahat ni Arnold Mercado na general manager ng MWPO.
Samantala, hindi pa masagot ni Arnold kung matutuloy ang Miss World Philippines sa August 8 dahil extended hanggang August 15 ang GCQ sa NCR.
Makikipag-meeting daw siya tonight sa IATF. Kung ano raw ang decision ng IATF, iyon daw ang susundin niya.
JERRY OLEA
Sari-sari at kabi-kabila ang mga timpalak—pambabae, panlalaki, pambading. Meron ding pambata, pangmatanda, pangmataba, at kung anu-ano pa.
Sa pagwawagi ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa Tokyo Olympics, pinagsabihan ang iba na sa halip mag-TikTok ay ibaling sa sports ang atensiyon.
Akma rin iyon sa mga nahuhumaling sa paglahok sa iba’t ibang paligsahan ng kariktan?
Alin ba ang mas prestigious, at mas bonggacious ang cash prizes at incentives—gintong medalya sa Summer Olympics, o korona ng Miss World, Miss Universe, Miss International, Miss Intercontinental o kung ano mang beauty pageant?
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
