Julia Montes, pasok sa cast ng Ang Probinsyano; tambalang Coco-Julia balik-primetime

by PEP Troika
Jul 30, 2021
Balik-primetime ang tambalan ng rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes dahil papasok ang aktres bilang bagong karakter sa longest-running primetime series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Matapos ang balik-tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa pelikulang idinirek ni Brillante Mendoza, na syinuting sa Pola, Oriental Mindoro… CocoJul is back sa FPJ’s Ang Probinsyano!

Noong Hulyo 28, Miyerkules, ini-announce ng ABS-CBN na e-exit na si Jane de Leon sa buhay ni Cardo Dalisay, dahil sisimulan na ni Jane sa Setyembre ang lock-in taping ng Mars Ravelo’s DARNA The TV Series.

Ngayong Hulyo 30, Biyernes ng umaga, nag-storycon ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN kaugnay sa pag-entra ni Julia sa pambansang teleserye.

Maliban kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

Ilang taon na ang panawagan ng fans na pagtambalin muli sina Julia at Coco kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan, na umere noong Enero-Oktubre 2012.

Kapana-panabik ang pag-entra ni Julia sa ikaanim na taon ng longest-running action-drama series ng bayang magiliw!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa Ang Probinsyano pa rin ang tuloy.

Welcome addition si Julia Montes, of course, sa Probinsyano family. Iyan naman talaga ang logical progression ng lahat.

Ang tanong ng bayan, aamin na ba sila sa kanilang relasyon?

Ang sagot… kailangan pa bang i-memorize iyan?

GORGY RULA

Nagbubunyi ang fans sa balik-tambalang CocoJul.

Natatawa lang ako sa komento ng ibang netizens na parang utang-uta na kung bakit hindi pa rin natatapos ang teleseryeng ito ni Coco Martin.

May nagsabi pang bakit hindi na lang ipadala si Cardo Dalisay sa China dahil hindi raw namamatay-matay ang character niya sa kuwento ng teleseryeng ito.

Pero okay rin naman na kesa mag-isip sila ng kung ano ang dapat ipalit sa FPJ’s Ang Probinsyano, dito na lang sila mag-focus, kung ano pa ang puwedeng gawin, at ano ang pinakamagandang gawin sa pagtatapos nito.

Maaaring maglilikha ng ingay ang pagpasok ni Julia Montes. Magkakaroon kaya sila ng baby ni Julia sa kuwento ng FPJAP?

Continue reading below ↓

Totoo kayang hindi raw sila sa NCR magla-lock in taping? Maghahanap daw ng malayu-layo at magandang probinsya na hindi ganoon kahigpit ang COVID restrictions?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balik-primetime ang tambalan ng rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes dahil papasok ang aktres bilang bagong karakter sa longest-running primetime series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results