NOEL FERRER
Day off ng ating First Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Hulyo 31, Sabado since her hectic homecoming sa ‘Pinas after over a year.
Makakapag-work out siya! Makaka-yoga at meditation exercises.
May klase rin daw siya ngayon. Pero naglaan din si Hidilyn ng oras para suportahan ang mga atlentang may mga laban ngayon at hindi niya mapigilan ang saya niya sa pagtatagumpay ng boxer na si Nesthy sa kalaban nitong Italyana.
Heto ang nasabi ni Haidie bilang ate ng mga atleta, “Good work, Nesthy! Proud kami sa ‘yo! We’ll keep on praying for you! ‘Wag tayong susuko. Laban Team Pilipinas! Go for Gold! Kaya mo ‘yan!!!”
Mamayang 8:30 pm ay ire-replay na ng Maalaala Mo Kaya ang life story ni Hidilyn sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC at A2Z Channel 11.
Si Jane Oineza ang gumanap na Hidilyn sa episode na ito.

Nakaabang na rin ang pag-e-air muli ng istorya ni Nesthy Petecio sa mga susunod na araw.
Ang galing lang, dahil may foresight ang MMK for greatness at nagawan na nila ng lifestory episode ang mga magbibigay karangalan sa ating bansa!!!
JERRY OLEA
Nagkakaubusan nga ba ng ‘miraculous medals’ sa religious stores?
Facebook post ng katotong Ed de Leon ngayong Sabado ng umaga, “A priest who is a very good friend of mine told me he noticed that a lot of people now see him after mass to have their ‘Miraculous Medals’ blessed.
“When I also went to a religious store yesterday, I was told by the people there that they have ran out of ‘miraculous medals’ because a lot of people have been buying lately.
“That was after Hidilyn Diaz won in the Olympics, which people attribute and even she herself said, because of the Miraculous Medal that she wore…”
Si Nesthy kaya, naniniwala sa kapangyarihan ng ‘miraculous medals’?
Kung ano’t ano man, dalangin natin na magkamit din si Nesthy ng gold medal sa Tokyo Olympics!
GORGY RULA
Sana talaga, another gold sa ating bansa.
Talagang umaariba ang kababaihan natin ngayon.
Pero kahit hanggang silver ang makukuha ni Nesthy, malaking karangalan pa rin iyon at sana, mabigyan din siya ng pabuya mula sa ating gobyerno at ilan pang sponsors.
Pero kasabay nito ay ang ECQ na ang ibig sabihin, marami na naman sa ating mga kababayan ang matitigil ang trabaho.
May ilang waiters akong nakausap kagabi na sinasabi nilang huling gabi na muna nila kagabi at matitigil sila ng ilang linggo na walang kikitain.
Sana, mapansin din muna sila.
