PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA has found a new star in Claire Castro

Claire Castro, matagal nang hindi nakakausap ang inang si Raven Villanueva.
by PEP Troika
Published Aug 2, 2021
Positibo ang feedback ng veteran actress-director na si Gina Alajar sa performance ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha: "Okay siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nagsimula na ngayong Lunes ng hapon, August 2, ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Nagbabagang Luha.

Tampok sa bagong afternoon drama na ito sina Glaiza de Castro, Mike Tan, Rayver Cruz, at ang baguhang si Claire Castro.

Dito mahuhusgahan si Claire kung may karapatan ba siyang sugalan ng GMA-7 para gawing big star.

Para sa mga di nakakaalam, si Claire ay anak ng dating T.G.I.S. stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Base sa trailer, okay si Claire sa role na dating ginampanan ni Alice Dixson sa pelikulang ito ng Regal Films.

Napakaganda ni Claire, makinis at ang bata pa, sariwang-sariwa, kaya bumagay sa kanya ang role.

Isa sa pumuri sa kanya ay si Direk Gina Alajar na gumaganap bilang si Calida Montaire dito sa Nagbabagang Luha.

Na-curious daw sa kanya si Direk Gina kaya minsan pag-take nito, pinapanood daw niya sa monitor ng direktor nilang si Direk Ricky Davao.

Ani Direk Gina, "Okay siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors.

"But it doesn’t mean that she will stop from learning. I think it’s a 24/7 job.

"So, hindi siya kailangan mag-rest. People will say… fans will say ang galing-galing mo. This can boost your ego and tend to believe it. It’s true naman.

"Kaya lang, mahirap dun kapag pinaniwalaan mo na nang sobra-sobra, there would be no more room for improvement. Marami pa, marami ka pang kailangang pag-aralan.”

Pinayuhan ni Direk Gina si Claire na i-practice pa ang dialogue lalo na ang pagbigkas ng ‘R’ dahil nagru-roll pa raw ito. Maliban dito, may bagong star na naman daw ang GMA-7 sa katauhan ni Claire Castro.

"A star is born again. GMA has proven once again na hindi ka kailangan mapagod sa pagdiskubre ng mga bagong artista,” pahayag ni direk Gina Alajar.

Mapapanood ang Nagbabagang Luha pagkatapos ng Eat Bulaga, kaya mauurong ang Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela.

Claire Castro's selfie taken from her Instagram profile

JERRY OLEA

Parang kailan lang na pinapanood natin si Diego Castro sa Gimik (Hunyo 1996-Pebrero 1999) ng ABS-CBN, at si Raven Villanueva sa T.G.I.S. (Agosto 1995-Nobyembre 1999) ng GMA-7.

Ngayon ay heto na ang anak nilang si Claire, na nabigyan ng break sa TV remake ng Nagbabagang Luha. Sa virtual mediacon, tila hindi comfortable si Claire na pag-usapan ang tungkol sa mommy niyang si Raven.

Matipid ang sagot ni Claire sa mediacon na matagal na raw silang hindi nagkausap ng mommy niya, pero sure daw siyang proud ito sa kanya.

Ang daddy niyang si Diego ang nagma-manage sa kanya sa tulong ng GMA Artist Center.

Subaybayan natin ang career ni Claire, ganoon din si Anna Vicente na nabigyan ng break sa Ang Dalawang Ikaw, pati si Faith da Silva na isa sa tatlong pangunahing tauhan ng forthcoming Kapuso series na Las Hermanas.

NOEL FERRER

Buti na lang, tapos na ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha. Hindi sila maaapektuhan kahit mag-hard lockdown pa tayo.

Naaawa tayo sa mga kasamahan natin sa industriya na matitigil sa trabaho dahil sa ECQ status na naman natin.

Sana, sana… may sumalo at tumulong! Uulit-ulitin ko, sana… sana talaga, may ayuda!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Positibo ang feedback ng veteran actress-director na si Gina Alajar sa performance ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha: "Okay siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results