GORGY RULA
Wala pang kinukumpirma ang GMA-7 tungkol sa pagiging Kapuso ni John Lloyd Cruz, pero pinag-uusapan na ito sa social media.
Ipinost ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account na kinukuha raw ang dalawang alaga niyang sina Benjie Paras at Sandy Andolong para sa sitcom na gagawin ni Lloydie sa Kapuso network.
Kinukuha rin daw si Andrea Torres para maging partner ng dating Kapamilya actor. Pero sabi ni Manay Lolit, may iba pang Kapuso actress na makakasama nito.
Aware ang magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa balitang ito. Si Andrea ay ex-girlifriend ni Derek, habang si John Lloyd ay ex-boyfriend ni Ellen.
Positibo ang reaksiyon nina Derek at Ellen nang tanungin sila tungkol sa posibleng pagsasama sa isang Kapuso project ng kanilang exes.
"Good for them. More blessings, more fun," nakangiting sagot ni Ellen.
"That’s true! Congratulations," tugon naman ni Derek.
Dagdag ni Derek, "I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!"
Ayon kay Ellen, okay naman sila ni John Lloyd. Nag-uusap daw silang dalawa tungkol sa anak nilang si Elias, pero hanggang doon lang.
Si Derek naman ay wala pang masabi kung ano ang next project na gagawin niya sa GMA-7.
Marami raw siyang naka-lineup na pelikula at yun daw muna sana ang gusto niyang gawin. Meron daw siyang gagawing action movie pero hindi pa niya puwedeng sabihin kung sino ang makakasama niya.
Malaking pelikula raw itong kukunan sa Puerto Rico kapag lumuwag na ang COVID restrictions.
Pero sa ngayon, naka-focus muna sina Derek at Ellen sa wedding preparations na nakatakda bago matapos ang taong ito.
JERRY OLEA
Can afford si Derek na mag-focus sa wedding preparations nila.
Ang fiancée niyang si Ellen, may sitcom na John en Ellen sa TV5.
Ang ex niyang si Andrea, isa sa Legal Wives, makikipag-BetCin-an kay Kylie Padilla, at heto, makakasama si John Lloyd sa sitcom.
Bago pa kinumpirma ni Karen Davila ang pagiging Kapuso ni John Lloyd, naulinigan nating pipirma na ito para sa isang project sa GMA.
Ang tanong, close pa ba kay John Lloyd si Willie Revillame?
Isa pang tanong, mauuna pa ba ang formal announcement kay John Lloyd bilang bagong Kapuso kesa kay Xian Lim?
And if ever… kagaya ba ni Bea Alonzo, sa Shangri-La EDSA rin ba ang venue kapag iwe-welcome na si John Lloyd ng buong pwersa ng Kapuso executives?
NOEL FERRER
Nakaka-miss si Lloydie sa ating industriya.
At anuman ang gagawin niya, sitcom man o kung ipalalabas na ang kanyang natapos na pelikulang Servando Magdamag with Lav Diaz, susuportahan ko siya.
Sana matuloy ang mga plano sa kanyang pagbabalik sa industriya!
