PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos and Luis Manzano reveal political plans

Riot ang FB and IG Live session ni Luis kasama si Ate Vi, Ryan, at Jessy!
by PEP Troika
Published Aug 7, 2021
Todo good vibes ang hatid ng kuwentuhan ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano (front row) sa Facebook at Instagram Live session nila kagabi, Biyernes, Agosto 6, 2021, kasama rin sina Jessy Mendiola at Ryan Christian Recto.

GORGY RULA

Naaliw ako sa usapan ng mag-inang Vilma Santos-Recto at Luis Manzano nang mag-Facebook at Instagram live sila noong Agosto 6, 2021, Biyernes ng gabi.

Dumalaw ang mag-asawang Luis at Jessy kay Congresswoman Vi at nakatuwaan nilang mag-FB at IG Live na sobrang na-amaze ang Star For All Seasons dahil sa dami ng kanilang live viewers na umabot ng mahigit 20,000.

Sinagot ng mag-ina ang mga katanungan na karamihan ay gustong malaman ang kanilang political plans at kung magbabalik-artista na ba ang Star for All Seasons.

Binasa ni Jessy ang tanong kung may plano ba si Ate Vi na tumakbong senador sa darating na eleksiyon.

Ani Cong. Vi, “I’m considering it. Kaya lang po sa ngayon, nothing is final. Pinag-uusapan pa rin namin what’s the best.

“Kasi po, alam niyo po, iba na po ang panahon ngayon. Kasi, if you will expect me going around physically with the present situation ng COVID, baka mahirapan po tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ibang-iba po ngayon ang klase ng eleksiyon na darating.

“Baka mamaya, pag hindi niyo po ako nakikita, sabihin niyo, hindi naman namin siya nakikita. Kasi po, delikado na rin po ang panahon, not only for me, but also para po sa inyong lahat.

“Marami pong dapat pong i-consider sa darating po na eleksiyon.”

Kagaya ng kanyang ina, hindi rin masabi ni Luis kung buo na ba ang loob niyang pasukin ang pulitika, dahil alam niyang kapag pinasok niya ito, seryoso siya dapat sa pagsilbi sa mga tao.

“Para sa akin, kung gusto mo talaga maglingkod, kailangan mo maging public servant before ka maging politician,” pakli ni Luis.

“Kung sakali man in any position na pagtakbuhan ko—kung saka-sakali man.

"Kita niyo, ang taas ng kung, ha? I promise na I will serve you.

“I will serve the voters, kung sino man yun. Yun ang promise ko.

“Kung sakali lang, kung saan ako magsimula, konsehal, o di kaya vice mayor o mayor, or vice governor, governor. o sa Congress, kahit ano pa iyan na posisyon, service ang ihahatid ko sa inyo,” seryoso niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Cong. Vi, “Kasi, lumaki na rin po sila sa buhay na meron po ako sa public service.

“Ako po, 23 o 24 years na po as a public servant, kalahati po ng buhay niya, ito na po ang trabaho ko, nagsisilbi.

“I started in politics, as public official, Ryan was one year old. So, nakita niyo ang takbo ng buhay ko, plus your Tito Ralph, you know nakita niyo yung serbisyo, nakita niyo ang pagsilbi sa tao at pangangailangan ng tao.

“Dapat kasi nalalaman nila kung gaano tayo ka-blessed, how to share, how to inspire people, at kung makakatulong ka, tumulong ka, kasi we are blessed. And for that, we’re very thankful.”

NOEL FERRER

Noon pa napapabalita ang inclination ni Luis na pasukin ang pulitika. Heto ang naging payo ni Cong. Vi kay Luis kung papasukin nito ang pulitika:

“Sinasabi ko kasi sa kanya, ‘Anak, hindi talaga biro. Pag nagserbisyo ka, talagang serbisyo at may sakripisyo.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lalo na pareho kami sa showbusiness. Sa showbusiness, aminin natin, nandiyan ang mga colleague ko sa industry.

“Ang laki ng kita diyan, anak. Sikat ka na, inaalagaan ka pa, tinatrato ka pa nang mabuti, ang laki pa ng bayad sa iyo.

“Talagang may masakripisyo, kasi kapag pinagkatiwalaan ka ng mga tao, ‘nak, hindi puwedeng half-cooked.”

Agree si Luis sa sinabi ng Mommy niya, “Yun nga ang sinasabi ko, Momshie. Pag humihingi ka ng boto. Yung hinihingi mo na isang boto, ang kaakibat nun, ang inaasa nila sa iyo, ang tiwala nila sa iyo.

“Tulungan mo ang livelihood nila, ang kanilang anak, ang kanilang edukasyon.”

Hindi raw ganun kadali iyon, sabi ni Cong. Vi. Pero kung makuha mo naman ang tiwala ng taumbayan, hindi raw kayang tapatan ng pera ang saya at karangalang pinagkatiwalaan ka ng mga taong bumoto sa iyo.

“Hindi madaling gawin iyan. Kasi, lahat na problema, may karugtong na pondo. At hindi basta-basta para sa mga nangangailangan na mga constituents mo, ang mga nagtiwala sa iyo. Kaya ang nangyayari riyan, priority.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s why you really have to study anak. Pag-aaralan mo iyan. Hindi ganun kadali.

“Every day is a learning process. Bawat tao, kaharap mo araw-araw, may natutunan ka. Ang maganda lang dito, ang kaharap mo, totoong buhay na, anak.

“Kaya hindi mo na puwedeng biruin iyan.

“Pero pag pinagkatiwalaan ka, tandaan niyo, legacy niyo, walang bayad. Walang katapat na pera iyan. Ibang klase.”

Sa tingin ko nga, hindi lang si Luis ang puwedeng sumunod sa yapak ng nanay niya, kundi pati na si Ryan Christian.

With or without a position, alam natin na nasa dugo na nina Ate Vi at Ralph, Luis at Ryan Christian na tumulong sa kanilang kapwa kaya nasa kanila ang ating pagtitiwala!

JERRY OLEA

Ang saya-saya ng FB/IG Live ni Luis kasama ang inang si Vilma Santos, asawang si Jessy Mendiola, at half-brother na si Ryan Christian Recto.

Panay-panay ang biro ni Luis, kaya maya’t maya ay nahahampas siya ni Ate Vi na may kaakibat na pagsu-sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Papaligayahin lang namin kayo ngayong gabi,” sabi ni Ate Vi.

Agad sumundot si Luis, “Magpapakita ako ng nipple, kung ano ang gusto ninyo. Pili na muna kayo, kaliwa o kanan?”

Nang umabot sa 4,500 ang live viewers, humirit si Luis, “Diyos ko, kung cash lang iyan, tiba-tiba na ako! Sige nga, magbigay kayo, tigpipiso lang, guys!”

Napapalakpak si Ate Vi. Nagsabi si Jessy sa mister, “Akala ko ba, magpapakita ka ng right or left nipple?”

Mabilis na kumontra si Ate Vi, “Huwag naman!”

Dagdag ni Ate Vi, “Alam niyo kung bakit kami masaya? Kasi po, since yesterday na nag-umpisa ang ECQ natin, ahhm, magkakasama po kaming pamilya.

“Nandidito po kami sa bahay para kahit paano ay meron naman kaming bonding.”

Poker-faced na hirit ni Luis, “Acually, matagal ko nang di nakikita si mommy. Huli kong kita, maliit pa siya.”

Napabungisngis si Jessy.

“At heto pa 'yan… walang nagbago!” matamis na pagngiti ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yumakap si Ate Vi sa panganay, na tumawa kapagkuwan, “At maliit ka pa rin! Hahahaha!”

Humingi ng pasensiya si Ate Vi sa mga manonood dahil sa mga pagbibiro ni Luis.

“Pero sa totoo lang, sa totoo lang, kahit papaano…” suntok na lambing ni Ate Vi kay Luis.

Bulalas ni Luis, “Bakit nagkakasakitan tayo dito?!”

Pagpapatuloy ni Ate Vi, “Sa totoo lang, emosyonal na tao iyan. Pero lahat ng sasabihin niya, parang… parang biro. Di ba, ‘no?” sabay lingon at kalabit sa manugang.

Sey ni Luis, madali siyang umiyak. Sabi ni Ate Vi, “Saka pangit siyang umiyak!”

Himutok ni Luis, “Wow! Account ko, binabastos ako sa account ko, guys! E, di gumawa ka ng sarili mong account!”

Tawang-tawa siyempre ang magbiyenan sa hinaing kuno ni Luis. Ipinakita ni Ate Vi kung paano umiyak si Luis sa TV.

“Wow! Walang respeto sa account ko, guys!” pag-e-emote pa ni Luis. Pagdidiin ni Ate Vi habang naglalambing, “Hindi ka magandang umiyak, anak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maluha-luha si Ate Vi sa katatawa. Binasa kunwari ni Luis ang tanong para kay Ate Vi, kung ito raw ba ang gaganap sa pelikulang Kunin Mo Ang Bala Sa Tuktok Ng Ref.

Nilinaw ni Ate Vi kung kalokohan ba iyon. Umoo si Luis. Sansala ni Ate Vi, ang gagawin niyang pelikula ay Kulay Nana Ang Gabi.

Sambot ni Luis, “Maganda yun! I think, yung Kulay Nana Ang Gabi, yun ang part 2 ng Tanging Yaman.”

Nilinaw ni Ate Vi na kalokohan lang iyon. More and more ang kulitan at lambingan ng mag-inang Luis at Vilma.

Siyempre, inusisa si Ate kung gusto na ba niyang magkaapo, lalo pa’t edad 67 na siya at 40 na si Luis.

Kinumusta rin ang relasyon nina Vilma at Jessy bilang magbiyenan. Na-reveal din na seven years na ang relasyon ni Ryan at ng girlfriend nito.

E, sina Jessy at Luis, limang taon pa lang ang relasyon noong Hunyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todo good vibes ang hatid ng kuwentuhan ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano (front row) sa Facebook at Instagram Live session nila kagabi, Biyernes, Agosto 6, 2021, kasama rin sina Jessy Mendiola at Ryan Christian Recto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results